- 9 -

2.7K 47 2
                                    


Wala kaming ginawang tatlo ni Liza at Ate Nadz kundi uminom or should I say wala akong ibang ginawa kundi uminom ng uminom kanina pa ko pinipigilan ng dalawang kasama ko pero wala akong pakialam kasi gusto ko lang ngayon na magpakalasing.


Naguguluhan ako bakit kailangan ako ipakasal kay Daniel nasa modern world na kami hindi na uso ang arrange marriage na yan pero heto ang mga magulang namin at pinagkasundo kami ni Daniel.


Nasasaktan ako at the same time na masaya din kasi diba makakasama ko na si Daniel baka ito na yung pagkakataon na magkaayos kaming dalawa. Baka sa pagkakataong ito maibabalik na namin yung pagkakaibigan namin dati o kahit mawala lang yung pagsusungit niya sakin.


Nabaling ang atensyon ko kay ate Nadz na kakapasok lang ng pinto nakabihis na siya habang naka gown pa rin kami ni LIza. Tumayo naman si LIza at nagpaalam na magbibihis lang din siya hindi nila ko hinahayaan na magisa kasi baka ano daw yung gagawin ko nasasaktan ako pero hindi naman ako suicidal.

Pagkalabas ni Liza tumingin ako kay ate ng hinawakan niya yung kamay kong may hawak na bote ng beer, tinignan ko lang siya at nakita ko yung sakit sa mga mata niya at awa kaya agad kong iniwas yung mga mata ko ayaw kong kaawan nila ako dahil lang sa sitwasyon ko.

Bakit ipapakasal ako nila mommy kay Daniel ate? maluha-luha kong tanong sa kapatid ko na naluluha na rin.

Hindi ko alam Kath pero narinig ko sa usapan ni mommy at daddy nung isang gabi na may kasundoan daw ang lolo natin at lolo ni Daniel na ang bunsong anak ni mommy at daddy pati na rin ng mga Padilla ay dapat ikasal pag nag merge na ang company. Sagot ni ate sa tanong ko na mas lalong nagpaiyak sakin.

Hindi na ko nagtanong pa ulit at pinagpatuloy ang paglalasing ko gusto ko lang ngayon uminom at makalimot kahit ngayong gabi lang.

Bumalik si Liza na nakapangbahay na at umupo sa tabi ko inagaw niya bigla ang beer na hawak ko at hinila ako ng dahan dahan patayo ayaw ko pa sana sumunod sa kanya kaya lang nagpakiusap na si ate sakin na tama na daw yung paginom ko baka makaapekto pa sakin yung sobra sobrang beer.

HInatid nila akong dalawa sa kwarto at magisa na lang akong pumasok sa loob tuloy tuloy lang akong pumasok at humiga sa kama wala akong pakialam kung nakagown pa ko agad akong nakatulog dahil na rin siguro sa pagod at kalasingan.

NADINE


Pagkahatid namin kay Kath sa kwarto niya bumaba naman kami ni LIza sa kusina para kumain nagutom ako dahil sa mga nangyayari.

Naawa ako sa kapatid ko pero alam ko naman kasi na wala akong magagawa lalo pa at nagdesisyon na sila daddy.

Gusto ko man tulongan si Kath pero ano naman yung magagawa ko diba, pareho lang kaming studyante at hindi namin hawak ang desisyon na gagawin ng mga magulang namin lalo pa at ang lolo pala namin ang may gusto neto.

Nagulat kami ni Liza ng biglang pumasok sila James at akay akay nila si Daniel maraming sinasabi si daniel pero hindi namin maintindihan dahil sa sobrang kalasingan niya.

Nagsenyas lang si Quen na iaakyat nila si Daniel kaya tumango si Liza sa kanya at bumalik na kami sa pagkain namin ni Liza hindi din nagtagal at bumaba na silang dalawa umupo si James sa tabi ko at si Quen sa tabi ni LIza naki kain din sila sa pagkain namin.

Grabi yung ganap ngayong gabi di ko kinaya ah. Sabi ni Quen at napabuntong hininga na lang.

Okay lang ba si Kath? Nagaalala ako baka kasi bumalik yung ano niya, you know. Sabi ni James na agd naman namin siya naintindihan maski ako din nagaalala ng husto sa kapatid kong yun ayoko na talaga maulit yung nangyari sa kanya noon.

What If?Where stories live. Discover now