- 17 -

3.4K 49 7
                                    


Dalawang araw.. Dalawang araw na akong nakakulong dito sa kwarto namin dahil lang sa pagsabay ko kay Harry hindi rin naman ako makahinge ng tulong sa mga kaibigan ko kasi kinuha ni Daniel ang cellphone ko.

Si Daniel everytime I remember his name parang nasusuka ako kasi napakasama niyang tao he let my hopes up again na pwede pa siyang magbago pero hindi na talaga siya magbabago. Akala ko dahil nagusap na kami, nakapagpaliwanag na  ko sa kanya at masaya na kaming kumain ng sabay nung gabing yun eh okay na, wala ng problema na akala ko unti unti na siyang magbabago para wala ng gulo sa pagitan namin pero akala ko lang pala yun.

Wala akong ibang ginawa dito sa loob ng kwarto ng dalawang araw kundi ang manood ng tv kasi kinuha niya din ang laptop at tablet ko baka daw kasi maisipan kong huminge ng tulong sa mga kaibigan namin gamit ang social media napakatalino talaga ng tarantadong yun naisip niya pa talaga yun sa gitna ng pagpapahirap niya sa akin.

Tumunog na naman ang tyan ko ibig sabihin nagugutom na talaga ako kaya pumunta na naman akong cr para kumuha ng tubig sa faucet pwede namang inomin ang tubig sa faucet, kung madumi man yan okay lang para magkasakit ako at sana diretsong na lang na mamatay para hindi na ko mapahirapan pa ni Daniel, it's lame excuse alam ko pero kung ikaw ba nasa situation ko gugustohin mo pang mabuhay? Wala man lang akong mahingian ng tulong kasi ayaw kong kamuhian ng mga kaibigan ko si Daniel. Hindi ako kasing sama niya kahit ganito na ginagawa niya sa akin iniisip ko parin kung ano mararamdaman niya.

Pagkatapos kong uminom ng tubig pumunta akong kama para matulog, itutulog ko na lang itong gutom na nararamdaman ko baka sakaling mawala.

May narinig akong kalabog sa ibaba kaya napatayo ako at pumunta ng pinto para buksan at tignan kung ano ang meron sa baba pero agad din namang bumalik sa kama ng maalala kong nakalock pala ito, hindi nagtagal nakarinig ako ng mga yabag ng paa paakyat  dali dali akong humiga sa kama at nagpanggap na natutulog.

Pinikit ko ang mata ko at ilang segundo lang mula ng ipikit ko ang mata ko ay biglang bumukas ang pinto pero hindi ako tumayo sa hinihigaan ko naramdaman kong may umupo sa tabi ko at hinaplos ang buhok ko. Hindi ako sumubok na buksan ang mga mata ko kasi natatakot ako kung sino man yung humahaplos sa buhok ko na 'yon.

I'm sorry Kath. Sorry sa lahat ng ginawa ko ayong pananakit at pagpapahirap. Mahina niyang sabi pero narinig ko at nakilala ang pagmamayari ng boses na iyon agad kong binuksan ang mga mata ko para makumpirma ko kung sa kanya nga nangaling ang mga salitang 'yon.

Nang makita ko siya ay nakapikit siya at may tumutulong luha sa mga mata niya nagulat ako at napasinghap dahila para magmulat siya ng mga mata niya at nagulat din siya ng makita akong gising at nakatingin ng diretso sa kanya.

Agad niya pinunasan ang mata niya at umiwas sa mga mata kong puno ng kuryusidad kung bakit siya naiiyak. Dahan dahan kong hinawakan ang balikat niya at naramdaman kong nanigas siya dahil lang dun kaya agad kong binawi ang mga kamay ko baka kasi magalit siya dahil lang sa hinawakan ko siya.

May problema ka ba? Mahinahon kong tanong sa kanya, nagulat naman ako ng bigla siyang tumayo at hinagis ang bag niya sa sahig at tumingin sa akin ng masama kaya natakot ako at napaatras.

Bakit ganyan ka?! Bakit ganyan ka pa rin kahit na sinasaktan at pinapahirapan kita ha Kathryn?! Pwede mo naman akong iwan dahil lang sa pinaggagawa ko sayo pero andito ka pa rin sa tabi ko at nagtitiis sa lahat ng sakit na binibigay ko sayo?! sigaw niya kaya napaigtad ako, sunod sunod namang tumulo yung luha ko dahil sa sinabi niya.

Bakit nga ba ako nanatili sa tabi mo Daniel? tanong ko sa kanya at tinignan siya ng diretso sa kanyang mga mata kasi dahil sa isang rason at alam mo kung ano 'yon dahil mahal kita, mahal na mahal kita na kahit anong sabihin mong pangiinsulto, pananakit at pangbababoy sa akin ay nanatili pa rin ako kasi hindi ako nawawalan ng pagasa na babalik yung bestfriend ko, na babalik yung kilala kong Daniel, na babalik ka sa dati kaya hindi kita iniwan. Hindi ko nga alam bakit ka nagkaganyan eh wala naman akong maalala na ginawa ko sayo noon na kasalanan para tratuhin mo ko ng ganito. Nagawa ko paring sabihin sa kanya ang ganon kahabang paliwanag kahit na sobra sobra na yung iyak ko.

What If?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon