- 4 -

2.9K 64 0
                                    


KATHRYN'S POV


Naglalakad ako sa hallway ng building papunta sa PR (Private room) ng biglang may humila sakin sa isang sulok ng hallway nagulat ako sa takot pero ng nakita ko na ag mukha ng humila sakin napalitan ng inis ang gulat ko.

Sino pa nga ba kundi si Daniel hindi ko alam kung ano kailangan niya sakin this time sa pagkakaalam ko kasi ilang taon niya na kong hindi kinakausap ng maayos o lumalapit sakin na hindi kabadtripan yung makukuha ko galing sa kanya.

Matagal kaming nagkatinginan ng inunahan ko siyang magsalita. " Ano kailangan mo? " walang ka emo-emosyong tanong ko sa kanya.

"Nang dahil sa katigasan ng ulo mo napagalitan naman si Nadine ng mga magulang niyo alam mo ang tigas tigas ng ulo mo parati ka na lang iniintindi ng barkada hinahayaan sa lahat ng gusto mo kahit minsan wala na sa tama! " inis niyang sumbat sakin.

Dahil na rin sa inis ko tinulak ko siya at umalis hindi na ko sumagot pa baka malaman niya lang kung ano nangyari sakin noon hindi niya na dapat malaman kung ano yung nagyaring yun kasi simula ng tinalikuran niya ang bestfriend niya parang kinalimutan niya na rin lahat ng mga masasayang pinagsamahan namin noon.

Tumakbo ako papuntang locker ko at kinuha ang bagay na kailangan ko at umalis ng school ayaw ko ng pumasok sumakay ako ng taxi at pumunta sa lugar na kami lang ni James ang nakakaalam.

Agad naman akong nakarating sa pupuntahan ko kasi malapit lang naman sa school to umakyat na ko at binuksan ang tree house na pinagawa niya nung fourth year high school kami bilang regalo nung birthday ko.

Napangiti naman ako ng maalala ko yung araw na yun hinintay niya talagang matapos yung birthday party ko ng pumunta kami dito at ng pinakita niya sakin to sobra akong natuwa kasi noon ko pa gustong magkatree house pero kasi wala namang malaking puno sa likod ng bahay.

Pumasok ako ng tree house at una kong nakita ang pictures namin ni James sunod ang buong barkada, ako at si Nadz meron ding dalawa kami ni Daniel pero maliliit pa kami ng time na yun.

Umupo ako sa upuan na andito at kinuha ang librong binabasa ko. Nangangalahati na ko ng biglang tumunog yung cellphone ko kaya agad kong kinuha yun at tinignan. Tumatawag si Nadz tinignan ko lang yun hanggang sa matapos ang tawag,  hanggang sa sunod sunod na ngang tumawag ang barkada maliban na lang kay Daniel, pinatay ko na lang ang phone ko at tinago sa bag ko at pinagpatuloy ang pagbabasa sa libro.

Hindi ko namalayan yung oras at nakaramdam na lang ako ng antok kaya lumipat ako sa higaan at umidlip ng tulog.


***********************************************************

JAMES' POV

( During Lunch time )

We're all here in our own private room except Kuting of course, paniguradong late na naman yun parang hindi na ko nasanay sa kanya. Dito kami nag l'lunch ng barkada para walang maiingay na estudyante at makakapagusap kami ng maayos.

" Anong oras pala umuwi si Kath kagabi Nadz? " pambasag na tanong ni Liza

"Hindi ko alam kasi nakatulog ako kagabi naalimpungatan na nga lang ako ng pabagsak na sinara yung pintuan eh. " Nadz

"Ha? Bakit naman?" Quen.

"Pagkababa ko ng hagdan galing ng kwarto nakita kong kakapasok lang ni Kath kasabay sila mommy at daddy nung nakita ako ni mommy napagalitan niya ko kasi binilin niya si Kath pero hinayaan ko siyang magdrive ng sasakyan alam nyo namang ba--" Nadz

What If?Hikayelerin yaşadığı yer. Şimdi keşfedin