38

2.3K 36 2
                                    

I dedicate this chapter to MissEggHead00 na appreciate ko yung mga comments mo ate gurl. Thank you.

Pagkatapos naming kumain ni Daniel dumiretso agad ako dito sa control room ng yacht at pinaandar eto lumayo pa ko ng konti at may nakita akong maliit na isla, hininto ang yacht hindi kalayuan sa pangpang.

Pagkalabas ko ng control room nakita ko si Daniel sa may bar ng yacht nakaupo at tinitignan ang mga alak na nakalagay doon.

Oh bakit di ka uminom bakit tinititigan mo lang yan. Sabi ko sa kanya kaya napalingon siya sa gawi ko at agad na umiling.

Hindi na ko umiinom. Sabi niya na ikinagulat ko.

Bakit naman? Nagtataka kong tanong sa kanya.

Umpisa nong araw na iniwan mo ko isinumpa ko na sa Diyos na hindi na ko babalik pa sa pagiinom. Sabi niya kaya napaiwas ako ng tingin.

Ahmm, ganun ba. Sabi ko na lang at kinuha yung wine na paborito ko.

 Sabi ko na lang at kinuha yung wine na paborito ko

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

Langlois Crémant de Loire Rosé NV ($24)

Hindi mo naman ako tatanggihan diba? Sabi ko sa kanya habang inaabot ang isang wine glass na may laman ng wine.

Hindi naman to nakakalasing Deej wag kang magalala malalasing ka lang pag naka anim na bottle ka na. Pagbibiro ko pa sa kanya na ikinangiti niya.

Sige pero ngayon lang to ha sasamahan lang kita. Sabi niya kaya napangiti ako at tumango.

Nawawala na yung awkwardness na pumapaligid sa amin at masaya ako na nagiging kumportable na kami sa isa't isa pagkatapos ng lahat na nangyari noon.

Pwede ko ba malaman kung anong nangyari after kong umalis? Sabi ko na ikinahinto niya.

Mas mabuti sigurong kalimutan na lang natin yun Kath, alam naman nating hindi na yun importante eh. Sabi niya at ngumiti ng maliit.

What If?Where stories live. Discover now