32

2.1K 34 5
                                    


13 hours 55 minutes...

Almost 14 hours kaming nagbyahe ni Harry mula London papuntang Pilipinas at sa loob ng labing apat na oras wala akong ginawa kundi ang matulog, kumain at matulog. Minsan kinakausap ko si Harry pero nakakatulog din pagkatapos ng ilang minuto, hindi ko alam basta kapag sumasakay ako ng eroplano wala akong ginagawa kundi ang matulog lang.

Ngayon andito na kami palabas sa NAIA International airport dala dala sa isa kong kamay ang maliit na maleta habang dalawa naman ang akay akay ni Harry.

Gabi na dito sa Pilipinas siguro mga past 10 na ng gabi at ng tignan ko ang relo ko, ay tama nga kasi 10:45 pm na.

May lumapit sa aming lalakeng nakaputi kaya nilingon namin siya ni Harry at binigyan ng ngitj kasi malawak yung ngiting binibigay niya sa amin.

Good evening po maam kayo po ba si Maam Kathryn Bernardo at Harold Styles? Tanong niya sa amin.

Ahh opo manong, kayo po ba yung pinadala ni mommy at daddy na magsusundo sa amin?sabi ko sa kay kuya sa harap namin.

Opo mam ako pala si Martin Bautista tawagin niyo na lang po ako sa unang pangalan ko mam at ikinagagalak ko po kayong makilala mam Kath sir Harold. Sabi niya at inabot ang kamay niya sa amin para pang shake hands na agad ko namang tinanggap.

Nice to meet you din po kuya Martin. Sabi ko at bumitaw na sa kamay niya sunod naman nakipag shake hands si Harry.

Nice to meet you Martin you can call me Harry. Sabi ni Harry at binigyan ng ngiti ang matanda.

Akin na po yan mam, sir andito po yung sasakyan. Sabi ni mang Martin at kinuha ang maletang hawak ko at isang maletang hawak ni Harry at naglakad patungong sasakyan.

Pinagbuksan ako ng pinto ni Harry habang nilalagay ni mang Martin ang mga bagahe namin sa likod ng sasakyan.

Pagkasakay ni Mang Martin agad niyang binuhay ang sasakyan at nagdrive na.

Ahm, Mang Martin asan ho sila mommy at daddy? Tanong ko sa matanda at binigyan niya ko ng sandaling tingin sa rear view mirror ng sasakyan.

May business meeting po sa Laguna maam bukas pa po ang balik nila sir. Sagot neto na medyo ikinalungkot ko akala ko pa naman sila agad yung makikita ko paguwi namin ni Harry, pero kahit na ganun naeexcite pa rin ako ng makita sila paguwi nila bukas.

Where are we staying babe? Tanong ng katabi ko kaya napalingon ako sa kanya busy kasi siya kaka text sa phone niya kanina pa.

We're staying in our house for two weeks then we move to your house after, and we stay there for the rest of the days until you finish this project. Sabi ko sa kanya at hinintay ang reaksyon niya sa sinabi ko.

Gusto ko kasing makasama muna sila mommy ng mahabang panahon bago kami maging busy ulit ni Harry sa mga trabaho namin kasi kahit na andito ako sa Pilipinas may mga gagawin pa rin akong trabaho na kailangan ko lang e email kay Annie sa London.

What If?Where stories live. Discover now