- 28 -

2.6K 40 7
                                    


Three weeks...

Three weeks na ang nakaraan ng maganap yung nangyari sa conference room.

Ang una naming pagkikita ni Daniel pagkatapos ng dalawang taon.

Hindi ko alam pero simula ng makita ko siya ulit naging magulo ang takbo ng utak ko na pati relasyon namin ni Harry na apektohan ng dahil sa nagawa kong katangahan sa conference room.

Isang linggo na rin kaming hindi nagpapansinan ni Harry kahit na nasa iisang bahay lang kami.

Ayaw niya kong kausapin at nahihiya naman akong pansinin siya dahil sa pinakita ko, parang sa ginawa kong yun kasi pinakita ko lang na may epekto pa sakin si Daniel kahit na alam kong wala na. Hindi na dapat ako ma apektohan sa kanya.

Nagulat lang kasi talaga ako hindi ko napaghandaan ang araw na yun. Hindi ko naman alam na magkikita kami ng ganun ka aga.

Ma aga pa ba sayo yun Kath dalawang taon na ang nakalipas ng maghiwalay kayo dapat nakahanda ka na na mangyayari to kasi di mo naman maiwasan na hindi kayo magkita. Sermon ng bwisit kong utak.

Napabuntong hininga na lang ako sa mga naiisip ko. Tumayo ako sa upoan ko at kinuha ang bag ko pupuntahan ko si Harry kailangan ko na siyang kausapin para maayos na namin yung problema namin.

Papalabas na ko ng opisina ng pumasok si Annie kaya napatigil ako sa paglabas at tinignan siya.

Yes Annie? K

Ma'am miss Carlos and Mr. Padilla is already here. Sabi ni Annie at dun ko lang naalala na ngayon pala sila nagpaset ulit ng meeting.

Okay tell them I'll be there in two I'll just get my portfolio. Sabi ko at tumango lang naman siya at lumabas ng opisina ko.

Bumalik ako sa mesa ko at kinuha ang portfolio ko at dumiretso na sa conference room dala ko na rin ang bag ko kasi naisip kong pagkatapos ng meeting namin didiretso akong Styles building.

Pagpasok ko nakita kong nakaupo na sila doon kasama si Annie umupo na ko sa upoan ko at binigay kay Annie ang portfolio at binigay niya naman kay Sara yun.

Pagbukas niya ng portfolio nagulat siya sa nakita niya.

Oh my god! For real miss K? Gulat niyang tanong sa akin napangiti naman ako sa reaction niya. Masaya talaga ako pag nakikita ko yung mga client ko na naeexcite sa mga designs ko.

Yes I think you deserve that wedding gown. Sabi ko sa kanya at mas lalo pang ngumiti sa akin. Tinignan niya naman si Daniel na may malapad na ngiti binigyan niya lang ng matipid na ngiti ang fiancée niya.

But I thought this is your wedding gown miss K. Sabi niya habang sinusuri yung detalye ng design.

I can create another design for my wedding at isa pa kung ikakasal man ako naisip kong hindi yan ang susuotin ko kasi ang wedding gown na yan nakalaan lang yan sa taong importante sa akin noon yung pinangarap kong taong papakasalan ko noon but I guess hindi na matutuloy yun and I have my Harry. Paliwanag ko sa kaniya at tumango tango naman siya habang nakangiti pa. Mahal na mahal mo talaga yung boyfriend mo miss K no? Ay sorry napakadaldal ko talaga. Sabi niya at tumawa pa. No, its okay and yes I really love that curly haired guy. Sabi ko at tumawa dahil sa tinawag ko sa boyfriend ko.

Bumalik naman kami sa discussion about sa wedding nila at pinakita ko rin ang mga design na ginawa ko para sa groom, bridesmaid, groomsmen at maid of honor at nagustohan niya naman iyon kaya madali lang natapos ang meeting namin.

What If?Where stories live. Discover now