49

2.5K 41 2
                                    


Hello Daniel anak? Umuwi ka muna hindi tumitigil sa pag iyak ang anak niyo ni Kath.

Yan agad ang bumungad sa akin pagkasagot ko ng tawag ni mama, andito ako sa opisina dahil may emergency meeting ako kaya iniwan ko muna kay mama ang anak namin ni Kath.

Sige ma papunta na po ako. Sabi ko at agad na binaba ang tawag at kinuha na ang mga gamit ko dahil kailangan ako ng anak ko.

Mabilis naman ako nakarating ng bahay ni Mama dahil sa shortcuts na mga dinaanan ko para makaiwas sa traffic.

Pagkapasok ko ng bahay agad na bumungad sa akin ang iyak ng anak ko kaya kahit na hindi pa ko nakakapag palit ng pambahay ay agad akong lumapit kay Sam at kinuha siya sa bisig ni mama.

Shhh.. Tahan na nak, andito na si tatay. Ano ang kailangan ng baby namin ni nanay? Pagkausap ko sa kanya pero hindi pa rin siya tumitigil sa pagiyak.

Hinele hele ko na rin siya pero ayaw talaga. Nacheck ko naman ang diaper niya nabihisan ko na rin ng damit dahil sa papamamawis sa kakaiyak pero ayaw niya talagang tumigil sa kakaiyak.

Sa loob ng tatlong buwan ngayon lang naging ganito si Sam. Oo tatlong buwan na ang nakilipas simula ng ipinanganak ni Kathryn ang anak namin na si Samuel Sheldon Bernardo Padilla at sa loob ng tatlong buwan na hirapan akong paghatiin ang oras ko sa tatlong bagay ang alagaan ang anak namin ni Kath.

Si Kathryn na hanggang ngayon comatose pa rin na araw araw ko binibisita at kinakausap para gumising na at ang trabaho ko na dalawang buwan ko din iniwan para sa magina ko.

Nung una parang mababaliw ako kasi hindi ko alam ang gagawin ko. Hindi ko alam kung sino ang uunahin ko. At hindi pa rin maalis sa puso ko ang kaba na kung ano ang pwedeng mangyari sa asawa ko pero kahit na sinigurado na ng doctor na pagkagising ni Kath ay pupwede na itong maoperahan para sa heart transplant niya hindi pa rin ako mapakali.

At natutuwa din ako dahil sinabi ng doctor na patuloy na lumalaban si Kathryn kahit na comatose siya.

Buti na lang at nandyan si mama at papa pati na rin si mommy at daddy para gabayan at tulongan ako na bantayan at alagaan ang anak namin ni Kath.

Nabalik lang ako sa wisyo ng biglang nagring ang phone ko pero dahil akay akay ko si Sam sa bisig ko hindi ko agad nasagot ang tawag at bigla na lang din ito namatay.

Sunod na nagring ang phone ni mama na nasagot niya naman agad.

Lumayo si mama ng konti sa amin dahil unti unti ng tumatahan si Sam sa pagiyak.

Hindi rin nagtagal ay bumalik si mama na may mga ngiti sa labi at napapaluha pa ito kaya agad naman ako nagalala sa kanya.

Sino yun ma? Ano nangyari ma? Bakit ka umiiyak na nakangiti? Sunod sunod kong tanong sa kanya dahil kinabahan din ako, bigla namang umiyak ulit ng malakas si Sam kaya nataranta ako.

Anak tahan na please hindi na alam ni tatay ang gagawin. Ano ba ang nangyayari sayo? Nagaalala na ako. Sabi ko kay Sam na parang naiiyak na din.

Nak akin na si Sam puntahan mo si Kathryn nak kailangan ka niya ngayon. Sabi ni mama na ikinakaba ko lalo.

Agad kong binigay si Sam sa kanya ng dahan dahan bago siya ulit hinarap.

Ano nangyari kay Kath ma? Anong nangyari sa asawa ko? Naluluha kong tanong sa kanya.

Gising na siya nak. Pagkasabi ni mama na gising na si Kath bigla na lang tumigil sa pagiyak si Sam at ngumiti sa amin.

Hindi ko naman mapigilang mapangiti at halikan sa noo ang anak ko.

Narinig mo yun nak gising na si nanay. Kaya ka ba umiiyak kasi naramdaman mo na magigising na si nanay. Sabi ni Daniel sa kanyang anak na ikinangiti naman neto.

What If?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon