- 15 -

2.6K 40 9
                                    


Bakit? punong puno ng hinanakit yung tanong ko sa kanya. NAkita ko namang naguluhan siya sa tanong ko kaya dahan dahan kong tinanggal yung pagkakahawak niya sakin sa braso ko.

Bakit ganyan ka Daniel? Bakit mo ginagawa to? Ano ba yung naging kasalanan ko para tratohin mo ko ng ganito kahit respeto na lang sana sakin Daniel okay na ko sa ganun. Masaya ka ba na nakikita akong nahihirapan ng ganito? tuloy tuloy kong tanong sa kanya habang patuloy na nagsisibagsakan yung luhang ilang araw ko ng pinipigilan lumabas.

Hinintay ko yung sagot niya pero wala, wala siyang may naibigay na sagot kaya tumalikod na lang ako at kinuha yung robe ko at lalabas na sana ng pinto ng nagsalita siya.

San ka pupunta? malamig yung tono ng boses niya na sa sobrang lamig naramdaman ko yun pero hindi ko pinahalata na kinilabutan ako sa tono ng boses niya.

Sa guest room lang muna ako matutulog. mahinang sagot ko sa kanya at lumabas na ng kwarto. Hindi ko na siya maintindihan nakakabaliw yung ugali niya pilit ko siyang maintindihan pero hindi ko pala kaya kung ito yung gusto niya na magtratohan kaming walang pakialam sa isa't isa edi sige.

Gagawin ko kung ano yung gusto niya para makaiwas na rin sa mga pananakit niya at pangiinsulto niya kasi masakit na, sobrang sakit na pero kahit ganon hindi ko siya kayang iwan kasi naniniwala akong may pagasa pa kahit konti na magbabago siya, magbabago yung pakikitungo niya sa akin. Sana nga lang. Sana

*****

Maaga akong nagising kinabukasan actually wala akong tulog dahil hindi ako makatulog dahil sa nangyari wala akong ginawa kundi ang magisip at magisip. 

Dumiritso ako ng kusina para makapagluto, tulog pa si Daniel sa mga oras na to kasi maaga pa talaga sinadya ko namang bumaba ng mas maaga kesa usual na oras akong gumigising ayoko lang na maabutan niya ko kasi ayoko talaga siyang makharap ngayong araw at sana sa mga susunod pang mga araw. Pagsisislbihan ko na lang siya gaya ng mga ginagawa ng ibang asawa sa asawa nila para wala akong makuhang reklamo sa kanya kahit papaano.

Pagkatapos kong magluto niready ko na ang lamesa uupo na lang siya at kakain, kumain na rin ako kanina sa kusina kasi ayaw niyang sumasabay ako sa kanya sa hapag kainan kaya sa kusina ako kumakain.

Nung unang kain ko sa kusina sobrang inis at sama ng loob yung naramdaman ko pero kinalaunan nakasanayan ko na rin kumain sa may kusina namin.

Pagkatapos kong magprepare umakyat na ko sa kwarto at dahan dahang binuksan ang pinto para hindi ko siya magising baka magalit at sasaktan na naman niya ko pag naistorbo yung tulog niya dumiretso ako sa walk-in-closet namin at kumuha ng damit na gagamitin ko mamaya sa pagpasok pagkatapos kong makahanap ng susuotin ko ay lumabas naman na agad ako dun na lang ako sa bathroom ng guest room maliligo.

Dumiretso naman na agad ako sa cr ng guest room para makapagligo 5:30 pa lang ng tignan ko ang oras sa phone ko kaya nagumpisa na akong maligo mamaya pa naman yung klase ko pero maghahanda na ako para hindi ko maabutan si Daniel sanay naman na akong maglakad papalabas ng village hanggang sa makahanap ako ng taxi ayaw niya kasing ipagamit yung sasakyan ko.

Matagal akong naligo bago lumabas para makapagbihis paglabas ko ng banyo nagulat ako na nadon si Daniel sa kama nakaupo at nakatingin sa akin ng walang emosyon.

A-anong ginagawa mo dito Daniel? mahinahon kong tanong at kumapit sa twalyang nakabalot sa katawan ko ng mahigpit mahirap na baka malaglag nagulat ako eh.

Bilisan mo magbihis kakain na tayo. Sabi niya at tumayo na.

Ahm, tapos na kong kumain Daniel kumain ka na lang dun nahanda ko naman na yung pagkain mo at pagkakainan mo. Sabi ko bago ako lumakad papunta sa kama kung saan nakapatong ang mga damit ko.

What If?Where stories live. Discover now