- 16 -

2.7K 42 6
                                    

Dedicated to JevieBuenafe Beacuse you inspired me para sayo itong chapter na to. Thank you for your support sa story na 'to.


Lunch ngayon at eto ako sa bahay  nakakulong sa kwarto, pagkagising ko kaninang umaga bababa na sana ako para makapagluto ng umagahan ni Daniel ng mapansin kong hindi mabuksan ang kwarto kaya tinawag ko siya ng tinawag.

Maya maya may narinig na kong mga yabag ng paa na paakyat sa direksyon ko kaya tumigil na ko sa kakatawag sa kanya.

Hindi ka lalabas diyan at hinding hindi ka kakain sa araw na to napakalandi mong babae ka! sigaw niya sa labas.

Hindi pa ba tapos to naexplain ko na sayo kahapon kung bakit magkasama kami ni Harry yun lang yun Daniel. Sige na please palabasin mo na ko dito. Pagrarason at pagmamakaawa ko yun lang sa ngayon ang nakikita kong paraan para mapalabas niya ko dito kahit labag man sa loob 'kong magmakaawa sa kanya.

Hindi, hindi ka makakalabas diyan yan ang parusa mo dahil sa pakikipaglandi mo! Sigaw niya ulit at narinig ko ulit ang mga yabag ng paa niya na papalayo sa pinto ng kwarto kaya alam 'kong umalis na siya.

Please Daniel kahit pakainin mo lang ako nagmamakaawa ako. Umiiyak na ko sa pagmamakaawa ko sa kanya pero wala pa rin itong silbi kasi narinig ko na ang sasakyan niyang paalis ng bahay. Naalala ko naman ang nanyari kahapon.

( A/N: Flasback po yung nakaitalic)

Nagl'lunch kami ni Harry ng dumating ang barkada kasama si Daniel na nanlilisik ang mga mata pero hindi yun nakikita ng barkada at ni Harry dahil nasa pinakalikod siya at nakatalikod si Harry sa direksyon niya. Hindi ko na lang pinansin at yumuko na lang para ipagpatuloy ang pagkain ko.

Naramdaman kong umupo sa tabi ko si Nadz at LIza at tumabi naman si James kay Harry umupo naman sai Quen sa tabi ni LIza at tumabi si Daniel sa tabi ni James himala ata hindi tumabi si Daniel kay Nadz ngayon.

Biglang natahimik ang madaldal at makulit na si Harry pagdating ng mga kaibigan ko, nauna namang nagtanong si LIza sa kanilang lahat.

So, sino 'tong gwapong kasama mo Kath? pagusisa ni LIza natawa naman ako ng biglang nainis si Quen sa sinabi ni Liza at napansin naman yun ni Liza kaya natawa din siya mas lalo namang nainis si Quen kaya lumapit si Liza sa kanya at may binulong na naging dahilan para mapangiti si Quenito ng wagas.

So, Kath sino nga siya? si Nadz naman ang nagtanong kaya tumingin ako kay Harry at ngumiti bago ko tignan ang kapatid at kaibigan ko.

Guys this is Harold Styles, Harry for short, he came from London. pakilala ko kay Harry sa mga kaibigan ko. And Harry this is Nadine Bernardo my loving sister, This is Liza my sister from another mother and this are James Reid, Enrique Gil and my husband Daniel Padilla pagpapakikilala ko sa kanilang lahat.

Pagkatapos kong ipakilala silang lahat nagumpisa na silang interviewhin si Harry at syempre katulad ko napapaenglish din sila narinig ko pang nagsabi si Quen ng " Dudugo naman ilong ko dito sa kaibigan mo Kath" kaya nagtawanan kami maliban na lang kay Daniel na tahimik sa gilid at paminsan minsan nakikita ko siyang masama ang tingin sa akin. Napabuntong hininga na lang ako sa mga gingawa niya. Ano na naman ba ang problema niya? Nakakalito ka Daniel Padilla.

Ahm guys just so you know nakakaintindi siya ng tagalog pero hindi niya pa kaya magsalita ng tagalog talaga. Sabi ko sa kanila napabuntng hininga naman si Quen.

Kath naman eh bakit ngayon mo lang sinabi?! Jusko nakakaintindi naman pala pinahirapan ko pa yung sarili ko. Nagtawanan na naman kami ulit dahil sa sinabi niya pero wag kayo dyan kay Quen marunong yan magenglish silang tatlo ni James at Liza dahil sa ibang bansa yan sila pinanganak lumipat lang sila dito sa Pilipinas nung nagfive years old sila at dun nagumpisa ang pagkakaibigan naming lahat dahil bukod sa magkakalapit lang yung bahay namin eh magkakaibigan pa yung mga magulang namin. Nauna ko nga lang nakilala si Daniel sa kanilang lahat.

What If?Where stories live. Discover now