45

2.4K 38 1
                                    


Love? Tawag ko sa kanya pagkalabas ko ng banyo.

Agad naman siyang tumayo mula sa kama at inalalayan ako papasok sa walk-in-closet namin dito.

Thank you love sige na labas ka na magbibihis na ko. Sabi ko sa kanya dahil nakatayo lang siya sa tabi ko at mariin na tinitignan bawat galaw ko na ipinagtaka ko naman.

Eehhh, love wag ka ng magbihis huhubadin din naman natin yun eh. Pagmamaktol niya dahilan para kumunot yung noo ko.

At bakit mo naman ako huhubaran abir? Nakataas kilay kong tanong sa kanya.

Huh? Diba sabi mo may gagawin tayong magugustohan ko? Sabi niya kaya tinignan ko siya ng maigi at mas lalong kumunot yung noo ko.

Oo may gagawin tayong magugustohan mo pero hindi naman kasali don ang hubaran noh! Napakadumi ng utak mo Danilo! Hala dun ka sa labas at magbibihis ako!  Singhal ko sa kanya at tinulak tulak ko yung balikat niya habang lumalabas siyang kumakamot sa ulo niya.

Akala ko pa naman makakaiscore ako mamaya. Yun pala iba yung gagawin namin. Hayss sayang naman. Sabi niya sa sarili niya pero rinig ko din naman kaya nakatanggap siya ng hampas at batok sa akin.

Love naman ang sakit kaya ng batok mo. Pagpapaawa niya.

Sus wag ako Daniel ah mahina lang yun hala sige hintayin mo ko dun. Sabi ko at sinara na ang pinto ng closet.

Nagbihis agad ako at lumabas ng closet nakita ko siyang nakaupo sa kama namin at nakabusangot ang buong mukha kaya hindi ko mapigilang hindi matawa sa mukha niya.

Bakit nakabusangot yung mahal ko? Paglalambing ko sa kanya at inakap siya patagilid.

Hindi niya ko pinansin at nilayo yung mukha niya sakin ng akmang hahalikan ko yung pisnge niya kaya napasimangot ako.

Edi wag! Tse!  Sabi ko at mabilis na tumayo at lumabas ng kwarto namin dali dali akong pumasok ng elevator patungong ground floor ng hotel.

Pupunta akong resto ng hotel dahil kanina pa ko nagugutom. Bahala siya sa buhay niya. Siya na nga yung nilalambing eh at hindi naman yun yung sinasabi kong gagawin namin eh gusto ko lang naman siyang e message kasi alam kong pagod siya sa ginagawa niyang pag alalay at pagbabantay sa akin.

Tapos magtatampo pa siya na parang may ginawa akong mlaking mali sa kanya.

Kumuha ako ng maraming pagkain at agad na binayaran sa counter at agad na umupo sa gilid ng resto kung saan kita ang buong dagat.

Inumpisahan ko ng lantakan lahat ng pagkain na kinuha ko wala akong pakialam kung nakatingin yung mga tao sa akin dahil sa pamaraan ng pagkain ko basta ang alam ko gutom ako at ang baby ko.

Hindi nagtagal ay may biglang umupo sa harap ko kaya napatingin ako sa taong umupo dun at nakita ko ang isang Daniel John Ford Padilla na nakatingin sa akin ng seryoso, agad ko namang iniwas ang paningin ko at pinag patuloy ang pagkain ko.

Kath?  Tawag niya pero hindi ko siya pinansin bahala siya dyan.

Love? Magusap tayo.  Wag mo siyang pansini Kathryn.

Kathryn? WAG MO SIYANG PANSININ KATHRYN!

KATHRYN CHANDRIA?! MAGUSAP TAYO!

Ano ba yun? Inis kong sabi sa kanya at binagsak ang kutsarang hawak ko kaya napatingin ang ibang tao sa gawi namin.

Wag ka ngang ganyan love maguusap lang naman tayo. Mahinahon niyang sabi kaya napairap ako.

Agad akong tumayo at agad naman siyang sumunod sa akin hanggang sa maka akyat kaming dalawa sa kwarto namin pero wala pa rin siyang imik kaya umupo ako sa kama at hinintay kung ano ang sasabihin niya.

Love?  Sorry na. Sabi niya at lumuhod sa harap ko para makaharap niya ko.

Patuloy ko lang siyang tinignan kaya napabuntong hininga siya at tinignan ako ng diretso sa mata.

Nagpapalambing lang naman ako sayo love eh nagalit ka ka agad. Sabi niya at nagpout pa.

Gusto kong ngumiti pero pinigilan ko dahil pag nakita niya yun okay na kami agad. Ayoko muna pahihirapan muna natin ng konti si mister Padilla.

Sorry na love wag ka namang magalit oh. Ano ba gusto mong kainin? Ano ba gustong kainin ni baby love bibilhin ko kahit ano pa yan?  Sabi niya pero malas niya dahil nabusog na ko ng kinain ko sa resto. Dalawang plato kaya yung kinain ko.

Hindi ako gutom gusto ko ng matulog. Sabi ko at tumayo at inayos ang higaan ko.

Ayusin muna natin to love bago ka matulog hindi naman ako makakatulog neto hanggang hindi tayo nagkakaayos. Malungkot niyang sabi kaya napatigil ako at agad siyang nilingon agad naman ako nakaramdam ng pagsisisi sa ginawa kong hindi pagpansin sa kanya ng makita kong nakatingin sa sakin na may malulungkot na mata.

Love? Tawag ko sa kanya kaya agad siyang napakurap at tinignan ako sa mata.

Halika na dito matulog na tayo. Sabi ko at hinawakan yung kamay niya.

Pero hindi pa tayo bati. Parang batang nagmamaktol sa nanay niya ng hindi siya neto binilhan ng gusto niyanh laruan, ganyan si Daniel ngayon kaya napangiti ako sa kacutetan niya.

Wag ka ng magalala love okay na kanina pa gusto ko lang na lambingin mo ko. Halika na. Wag ka ng malungkot love. Sabi ko at agad naman siyang tumayo ng hatakin ko siya palapit sa akin. Agad niya naman akong hinalikan sa labi ng matamis na agad ko namang tinugon.

Sorry love ha, tandaan mo palaging mahal na mahal kita kayo ni baby bubut at ni baby angel. Sabi niya at hinalikan ako sa noo at sa tyan ko at nagflying kiss pa siya pataas na parang binibigyan niya ng halik yung anak naming namatay.

Mahal na mahal din kita love pero matulog na tayo dahil inaantok  na talaga ako.   Sabi ko sa kanya at inalalayan niya kong makahiga ng maayos bago siya humiga sa tabi ko at inakap ako.

Goodnight love,  goodnight baby bubut. I love you love, I love you bubut.  Sabi niya habang nakapikit at may ngiti sa labi.

Goodnight daddy love,  goodnight baby bubut. I love you daddy love, I love you baby bubut. Sabi ko at pinikit na ang mga mata ko habang may mga ngiti din sa labi ko at nakayakap sa taong pinakamamahal ko.

***************


Heto na ang update guys sorry nalate ako busy sa online business ang author niyo eh. May pinagiiponan.

Enjoy reading mga mahal kong readers...

Don't forget to

Vote

Comment

And

Share....

Thank you so much for the support.

Love y'all

Mwaaa..

Serena,

What If?Onde as histórias ganham vida. Descobre agora