51

2.3K 36 9
                                    


Tatatata...

Tatatata...

Tatatata...

Wait lang nak andito na si tatay kumuha lang si tatay ng diaper at damit mo.  Sabi ni Daniel na nagmamadaling bumaba ng hagdan galing sa kwarto ng anak.

Nakita niyang nakaupo si Sam sa crib neto at naglalaro ng mga laruang kotse kotse niya.

Sampung buwang gulang na si Sam ibig sabihin pitong buwan na ang nakalipas simula nung araw ng operasyon ni Kath.

Maraming nangyari sa loob ng pitong buwan pero hindi nagbago ang nararamdaman kong pagmamahal sa kanya.

Walang araw na hindi siya nawawala sa isipan ko.  Walang araw na hindi ko siya sinasabihan kung gaano ko siya kamahal.  At walang araw na hindi ko siya namimiss lalo na ngayon.

Nangako akong aalagaan kung ng maayos ang anak namin at poprotektahan sa kahit ano man kaya eto ako ngayon nagiging nanay at tatay at the same time.

Mahirap at nakakapagod pero napapawi din sa huli pag nakikita kong masaya ang anak ko.

Napapawi ang hirap at pagod pag alam kong na aasikaso ko siya ng maayos.

Nagfocus lang ako sa anak ko at sa negosyo na pinatayo ko kasama ang mga business partners ko.

Mabuti na rin ito lang ang pinagkakabalahan ko kasi mas marami akong time para sa anak ko.

Habang pinagmamasdan ko ang anak namin ni Kath na mahimbing ng natutulog na alala ko naman lahat mula sa simula.

Nasa garden ako noon ng may narinig akong iyak ng bata sa may likod ng punong inuupoan ko at dahil curious ako tumayo ako at pinuntahan yung batang umiiyak.

Bata? Bakit ka umiiyak? May umaway ba sayo?  Simpleng tanong ko sa kanya nakita ko namang umangat ng konte yung ulo niya at tinignan ako saglit.

Wow! Ang ganda naman niya kahit namamaga na yung mata niya kakaiyak maganda pa rin siya.

Namatay kasi yung aso ko eh.  Sabj niyang naiiyak kaya napangiti ako ng palihim dahil sa cacutetan niya.

Magpabili ka na lang ulit sa mga magulang mo.  Sabi ko sa kanya pero umiling lang siya bago niya ko tinignan ulit at sinagot.

Ayaw na ni mommy at daddy eh. Sabi niya na naiiyak pa rin kaya kinuha ko yung panyong parating pinapadala sa akin ni mama at binigay sa kanya.

Ayaw niya pa sanang kunin ng hinawakan ko ang kamay niya at nilagay sa kamay niya yung panyo ko.

Agad niya namang pinunasan ang mga luha niyang patuloy na umaagos sa maganda niyang mata.

Alam mo bata wag ka ng umiyak kasi papanget ka niyan laro na lang tayo gusto mo? Anyaya ko sa kanya.

Ngumiti naman siya ng maliit at tumayo at pinagpagan ang pwetan niya.

Tara.  Sabi niya kaya napangiti ako.

Teka bata ano pala pangalan mo?  Sabi ko sa kanya kasi kanina pa kami naguusap hindi niya man lang sinabi pangalan niya.

Kathryn.  Kathryn Chandria Bernardo 5 years old.  Pagpapakilala noya sa sarili niya at ngumiti yung totoo niyang ngiti kaya napangiti din ako kasi mas gumanda siya kapag ngumingiti.

Ako naman si Daniel. Daniel John Ford Padilla, 6 years old.  Sabi ko at nginitian din siya.

Simula sa araw na to magbestfriend na tayo ha. Sabi ko pa sa kanya kaya mas lumawak yung ngiti niya at tumango tango.

What If?Donde viven las historias. Descúbrelo ahora