52

2.3K 35 3
                                    


Bro, saan ka na andito na kami sa bar ikaw na lang ang hinihintay namin. Sigaw ni Quen sa kabilang linya dahil hindi kami magkarinigan dahil sa malakas na music ng bar.

Oo papunta na. Nandito na ko sa parking area. Sigaw ko din pabalik sa kanya para marinig niya ko at agad na sumakay sa sasakyan ng mabuksan ko ito.

Sige sige hintayin ka namin dahil may sasabihin daw si Nadine. Sigaw niya at pinatay na ang ang tawag. Basto yun binabaan ako.

Nagmadali akong umalis sa parking at pumunta sa Valkyrie kung saan kami magkikita kita ng mga kaibigan ko.

Hindi din naman tumagal dahil wala ng masyadong traffic dahil 11 na ng gabi.

Pagdating ko sa bar dumiretso ako sa VIP room kung saan sila nakaupo at nagiinuman.

Sobra sobra yung yuwang naramdaman ni Nadine ng makita akong punasok ng VIP room na ipinagtaka ko.

Pero kanina pa talaga ako kinakabahan hindi ko lang alam kung bakit.

Nagsimula na kaming maginuman pero pakonti konti lang yung akin at inoobserbahan lang sila hanggang sa kinuha ni Nadine ang atensyon namin lahat.

Pinapunta ko kayo ditong lahat dahil gusto kong magpaalam sa inyo. Sabi niya na ikinagulat naming lahat.

Bakit Nadz?  Saan ka pupunta?  Malungkot na sabi ni Liza dahil maiiwan na naman siya ng paulit ulit na lang

Pati ba naman ikaw aalis din. Iniwan na nga tayo ni Kath oh tapos aalis ka din.  Pagdadrama ni Quen kaya napatawa si Nadine.

Nanahimik lang ako habang nakatingin sa kanya ganun din si James pero pilit niyang iniiwasan ang mga tingin na binibigay ko sa kanya.

Kilala ko si Nadine kapag nagsisinungaling at kapag may tinatagi dahil hindi mapakali ang kamay niya at ganun ang ginagawa niya ngayon sa kamay niya.

Ang hindi ko lang alam anong ang pinagsisinungalingan niya sa amin o kung ano man ang tinatago niya sa amin.

NapakaO.A niyo giys ilang buwan lang ako dun kasi may inuutos sa akin sila tita at tito parents ni Kath. Sabi niya kaya mas nakuha niya pa lalo ang atensyon ko.

Saan ba yab trabaho mo at kailangan mo magpaalam sa amin? This time si Jamesna ang nagtanong sa kanya.

Sa Barcelona, Spain.  Sabi niya at ngumiti pero hindi niya pa rin ako tinatapunan ng tingin simula ng nagpaalam siya.

Anong trabaho o sino? Sabi ko sa kanya kaya nagulat siya pero agad niya din namang binawi ang pagkagulat niya.

Anong klaseng tanong yan Daniel syempre trabaho yun at hindi sino. May pinapagawa si tito sa akin sa restaurant nila dun.  Sabi niya kaya napakunot ang noo ko sa narinig.

Kung magsisinungaling ka Nadz siguradohin mong maniniwala ako.  Walang resto ang mga Bernardo  sa Barcelona. Sabi ko at iniwan sila dun dahil alam kong may tinatago na naman siya sa amin at siguradohin niya lang na hindi masama ang tinatago niya dahil hindi ko na talaga alam ang gagawin pag nalaman kong involve si Kath dyan sa tinatago niya.

Lumipas ang araw hanggang sa nakaalis na si Nadine hindi pa rin ako nagpaparamdam sa barkada sahil ginugulo pa rin ang isipan ko ng mga sinabi ni Nadine.  Ayokong magassume pero wala akong makitamg ibang rason pero imposible kasi walang nakakaalam sa amin kung nasaan siya.

What If?Where stories live. Discover now