- 19 -

2.6K 42 1
                                    


I dedicate this chapter to 6sword_user for supporting my story. Thank you!

Dali dali akong tumakbo papuntang banyo at sumuka sa toilet bowl kulang na lang isuka ko pati bituka ko, pagmulat ko kasi ng mga mata ko nakaramdam ako ng panghihilo at pagbaliktad ng sikmura kaya tumakbo ako dito sa banyo namin.

Naramdaman kong may humawak ng buhok ko at humahagod sa likod ko hindi ko na kailangan pa lumingon kasi kilala ko kung sino yun.

Pagkatapos kong mailabas lahat ng tubig na nainom ko kagabi ay napaupo na lang ako sa tabi ng toilet bowl. Nanghina ako sa ginawa kong pagsusuka, lumuhod si Dj sa harap ko at inabutan niya ko ng tubig. Agad ko 'yon ininom para mawala ang pagkatuyo ng lalamunan ko.

Pagkatapos 'kong uminom kinuha ni Dj ang baso at binuhat ako papunta sa kwarto namin dahan dahan niya 'kong nilapag sa kama namin at umupo siya sa tabi ko.

Okay ka lang love? malambing niyang tanong sa akin.

Oo naman medyo masama lang yung pakiramdam ko. sagot ko sa kanya.

Magpacheck up na kaya tayo dalawang linggo ka na nagkakaganyan Kath kinakabahan na ko. Hinawakan ko yung kamay niya at ngumiti bago ko sagotin yung sinabi niya.

Okay lang ako Deej wag ka ng magalala, mawawala lang to promise at kagabi pa sumasakit yung tyan ko pagkatapos kong kumain ng mangga. Paliwanag ko sa kanya ayaw kong magpacheck up kami baka may malaman siya mahirap na.

Yan kasi pinagsabihan na kita kagabi na ngayong umaga mo na lang kainin yung mangga mo pero hindi ka nakinig kita mo hindi ka siguro natunawan niyan. Inis niyang sabi tapos naka kunot pa yung noo niya.

Mawawala lang to Deej please wag ka namang magalit oh masama na nga pakiramdam ko aawayin mo pa ko. Paglalambing ko sa kanya. Lumapit naman siya sakin tapos kiniss niya ko sa ulo at inakap ng mahigpit.

Sorry misis ko. Sabi niya pagkabitaw niya sa yakap namin. Mabilis ko siyang hinalikan sa labi kaya napangiti siya.

Magluluto lang ako sa baba para makakain ka na ah. Sabi niya at tumayo na at tuluyan na siyang lumabas para magluto.

Agad kong kinuha ang cellphone ko at dinial ang isang pamilyar na number, agad naman itong sumagot pagkatapos ng dalawang ring.

Hello doc pupunta po ko dyan mamaya. sabi ko kay doktora Hernandez, matagal na kaming magkakilala simula nung eight years old ako.

Yung yung time na umalis si Dj papuntang Amerika para magbakasyon pero tumagal sila doon ng tatlong taon at dun pansamatalang nag-aral.  Sige Kath pero wala naman tayong appointment ngayon sabi niya.

May ikukunsulta lang akong ibang bagay doc sabi ko at nagpaalam na agad sa kanya baka maabutan pa ko ni Dj mahirap na. Pagkababa ko ng tawag ay siya namang pasok ni Dj dala dala ang isang tray na puno ng pagkain pang breakfast.

What If?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon