- 20 -

2.6K 47 2
                                    


Pagbukas ko ng pinto narinig ko agad si Dj at ate Nadz na naguusap pero hindi ko aakalain na ikakasakit pala ng damdamin ko ang mga narinig ko mula sa kanila.

Babe ready na ang annulment papers niyo ng kapatid ko sorry kung umabot pa ng nine months bago nagawa yung anulment papers ah. Sabi ni ate, hindi ako makapaniwala may relasyon sila kelan pa? At ano daw anulment papers? makikipaghiwalay si Daniel sakin.

Akala ko ba okay na kami, okay na lahat bakit ganito. Niloloko lang pala nila ako tapos yung kapatid ko pa mismo. Dahil sa naisip ko hindi ko na anpigilan ang pagbuhos ng mga luha ko pero dahil gusto ko pa marinig yung paguusap nila kahit na masakit na sa akin ay pinagpatuloy ko pa rin tinakpan ko lang yung bibig ko para hindi ako makagawa ng kahit na anong ingay.

Hindi sumagot si Daniel kay ate kaya pinagpatuloy niya ang pakikipagusap niya kay Dj. At alam ko namang napahirapan mo na siya eh diba yun yung plano mo kakausapin mo yung magulang mo at sasabihing gusto mong ipakasal na si Kath sayo kahit na ang usapan talaga ng mga lolo natin e pagdating niyo pa ng 21 pero pinaaga mo kasi gusto mong gumanti sa kanya gusto mo siyang pahirapan. Nadine totoong may usapan ang mga lolo namin ni Daniel na ipakasal kaming dalawa kasi tinanong ko yun kay mommy at daddy pero hindi ko alam na dapat pagtungtung pa pala namin ng 21 pa yun magaganap.

Hindi ko na kaya ang mga naririnig ko kaya pabalang kong binuksan ang pinto pareho silang nagulat sa ginawa ko at mas lalo silang nagulat na makita ang mukha kong puno ng mga luha.

Totoo ba? madiin kong tanong sa kanilang dalawa habang matalim silang tinitignan. Tumingin pa si Nadine kay Daniel na namumutla na sa takot bago niya ko tinignan ng masama.

TOTOO BA?!!! sigaw ko sa kanilang dalawa

K-kath let me explain sabi ni Daniel pero tumawa lang ako ng mapait dahilan para mapahinto siya sa paghakbang niya papalapit sa akin.

Anong dapat mong e'explain Daniel eh narinig ko naman lahat. At ikaw sabi ko kay Nadine at binalaingan siya ng masamang tingin. Kapatid kita alam mo pala ang mga ginagawa ni Dj sa akin pero hinayaan mo siya, bakit? bakit ate? Anong nagawa kong kasalanan sayo para gawin mo sa akin to? Minahal kita kahit na hindi ka namin kadugo tinuring kita na para kong totoong kapatid tapos eto ang igaganti mo sa akin? puno ng hinanakit na sabi ko sa kanya. I can't believe her siya yung pinangarap ko na kapatid tapos tatraydorin niya ko ng ganito. Lolokohin niya ko ng ganito. Oo adopted siya kasi namatay sa aksidente ang mga magulang niya at siya lang ang nakaligtas wala ng kamag anak ang mga magulang niya dahil pareho lang itong orphan kaya si mommy ang kumuha sa kanya kasi bestfriend ni mommy ang mommy ni Nadine simula high school.

Bakit Kath kasi ang selfish mo parati na lang ikaw ang pinapahalagahan ng mga tao sa paligid natin, ako na lang parati yung sinisisi sa lahat ng bagay na gagawin mo, kasi inagaw mo yung taong mahal ko inagaw mo yung bestfriend ko kaya aagwin ko din lahat ng meron ka kasi sa totoo lang ako naman talaga ang naunang bestfriend ni James eh pero ng dahil lang sa kalandian mo hindi niya na ko pinapansin nawalan na din siya ng oras para sa akin.

Kahit pagmamahal nila mommy at daddy kinuha mo na lahat hindi mo lang naman ako tinirahan na sa lahat ng pagkakamaling ginagawa mo sa akin ang sisi. Parating ikaw ang nakakakuha ng papuri kahit na ginagawa ko ang best ko. Mahaba niyang litanya at napaiak pa ko lalo di ko akalain magtatanim siya ng ganito kalaking galit sa akin ng dahil lang dun.

Hindi ko inagaw si James sayo Nadine pinagtabuyan mo siya nung nagtapat siya ng feelings niya sayo dinamayan ko lang siya ng mga oras na yun dahil ako nalulungkot din dahil nawalan din ako ng bestfriend sa hindi ko malamang rason. Sabi ko sa kanya na dahilan ng pagtulo ng luha niya.

What If?Where stories live. Discover now