- 13 -

2.4K 44 3
                                    


Hindi ko mapigilang hindi maging masaya nung araw na yun kasi nabuhay yung pagasa na unti unti ng nagbabago si Daniel dahil lang sa nangyari nung gabing yun pero kung gaano kabilis ako nagka pagasa ganun din kabilis na binawi yun sa akin kasi simulang nagmulat siya ng mata sa araw na yun ang naging simula din ng pagsusungit niya ulit sa akin.

Kaya eto ako walang kabuhay buhay habang naglilinis ng buong bahay dahil sabado ngayon dati kapag sabado lumalabas kaming magbabarkada ngayon hindi na ko nakakasama sa kanila every saturday because I have to clean our huge house. Wala kasi kaming kasambahay ayaw ni Daniel tapos ang ginawang rason niya sa mga magulang namin para masolo daw at maenjoy daw namin ang isa't isa pero para pala pahirapan ako. hayys

Binibigyan ko na lang ng kahit anong reason yung barkada minsan at kung minsan namang makakasama na ko bigla namang hindi matutuloy kasi may magkakaemergency or sasabihin ni Daniel na wag na lang ituloy hindi ko alam pero parang sinasadya niya talaga yun para hindi ako makasama. Ang sama sama talaga ng lalakeng yun!

Natapos na ko sa pagluluto at paglilinis ng bahay ng bumaba siya galing sa kwarto napayuko naman ako at tumabi sa dadaanan niya nung nasa harap ko na siya ay tumigil siya sa harap ko.

Magbihis ka aalis tayo ng barkada. walang kabuhay buhay na sabi niya sa akin hindi ko na pinansin kasi bigla akong naexcite magkikita na kami ulit ng mga kaibigan ko namiss ko na sila lalo na si Hayme.

Sige, maliligo lang ako. pagkasabi ko non sa kanya dali dali kong binalik ang mop sa cabinet at tumakbo paakyat pero sa kalagitnaan ng pagakyat ko biglang nagring yung phone ko kaya napahinto ako at sinagot muna ang tawag, nakita kong si James yung tumatawag excited kong sinagot yung tawag ng bestfrriend ko.

Hello, Hayme! masigla kong bati kay James at nagpatuloy na sa pagakyat ng hagdan.

Hello din kuting ang saya mo naman masyado. sabi ni James at tumawa pa.

Syempre magkikita tayo mamaya ng barkada diba. Namiss ko kaya kayo. sabi ko at napa pout pa kahit hindi niya naman ako nakikita natawa naman siya sa sinabi ko.

For sure nakapout ka ngayon, sabihin mo lang kung namimiss mo ako kuting wag mo ng idamay yung barkada. sabi niya at tumawa nanaman ngayon nga lang ulit kami nagkausap ulit inaasar pa ko. Pumunta kasi si James sa Australia last month mga dalawang linggo siya dun kasi namiss siya ng mommy niya.

Oo na namiss kita Hayme wag mo nga akong inaasar kainis ka naman eh. pagmamaktol ko sa kanya na tinawanan niya lang naman.

Okay, haha, okay ayan na hindi na ko tatawa. Ready ka na ba? tanong niya sakin nung hindi na siya natatawa. buset lang talaga tung lalakeng to.

Magreready pa lang sige, babye na Hayme. pagpaalam ko sa kanya.

Okay,papunta na kami dyan, bye kuting. huling sabi niya bago binaba ang tawag.

Pumasok naman na ko sa banyo namin ni Daniel at naligo masaya akong kumakanta habang naliligo naeexcite kasi talaga akong makita yung mga kaibigan ko pati na rin si ate kasi simulang kinasal kami ni Daniel hindi ko na sila parating nakakasama si Daniel yung parati kong kasama. Ayy alangan naman Kath asawa mo eh edi kasama mo talaga parati.

Pagkatapos kong maligo pumasok na ko sa walk-in-closet namin ni Daniel napansin kong wala na dun yung bag niya kasi kanina nung pumasok ako dito para ihanda ang damit na susuotin ko ay may nakita akong bag na nakaimpake maliit lang siguro para lang sa iilang araw yun pero ngayon wala na binaliwala ko na lang yun at nagbihis na ng mabilisan kasi sabi ni James papunta na sila dito.

Pagkatapos kong magbihis nagblowr lang ako ng mabilisan at hinayaang nakabuhanghay yung buhok ko kinuha ko na din yung bag ko at bumaba na ng sala pero pagdating ko ng sala wala akong nakitang Daniel, wala din akong nakita isa sa barkada kaya umupo na lang muna ako sa sofa at naglaro sa phone ko.

Kalahating oras na siguro akong naghihintay dito pero wala pa rin yung barakada wala din si Daniel akala ko ba papunta na sila dito bakit ang tagal naman ata nila.

Tinext ko si Daniel kung saan siya pero wala akong nakuhang reply galing sa kanya kaya tinawagan ko siya pero pinatay niya lang ang tawag ko nagsimula na kong kabahan.

Hindi niya naman siguro ako makakayang iwanan dito diba pagkatapos niya kong sabihang magbihis na para makasama ako sa outing ng barakada.

Tinawagan ko si James at buti na lang sinagot niya agad narinig kong maingay sa background niya parang nagkakasiyahan sila. Narinig kong pinatahimik niya muna yung barkada kasi tumatawag ako.

Hello Kath, bakit? nagaalala yung tono ng boses niya kaya nagtaka ako. Inayos ko yung pagkakaupo ko at tumikhim muna bago magsalita.

Hello, saan kayo? tanong ko sa kanya.

Papuntang Batangas, bakit? hindi na sana kami tutuloy kasi sabi ni Daniel masama daw pakiramdam mo pero sabi niya sabi mo daw na tumuloy na lang kami kahit wala ka. paliwanag ni James agad naman akong nanlumo sa narinig ko pinigilan kong maiyak sa nalaman ko.

Ganun niya bo ka ayaw makita at makasama para gumawa pa siya ng kuwento para lang maiwan ako dito.

Ahh, ganun ba. O-oo sabi ko nga sa kanya yun. Sige bes magpapahinga na ko. sabi ko sa kanya at narinig ko pa siyang nagsabi ng weird mo kuting bago ko binaba ang tawag.

Naiiyak ako minsan ko na nga lang makasama ang mga kaibigan ko pero gumawa na naman ng paraan si Daniel para hindi na naman ako makasama sa lakad nila.

Umakyat na lang ako ng kwarto namin at nahiga sa kama naiinis ako kay Daniel sobra sobra na siya gagawin niya talaga lahat para lang hindi ako makranas ng kasiyahan. Tang*na niya! Humanda talaga siya pagdating niya pinupuno niya na talaga ako napakasama niya. Hindi ko deserve ang ganitong pagtrato sa bahay buhay prinsesa kami ni ate tapos dito sobra siya kung pahirapan apihin at utusan ako kala mo kung hindi niya ko asawa sa pinaggagawa niya sa akin.

******

Hello pala sa besh ko na si AlySol2115 basahin niyo rin yung story niya guys KN din yun maganda din.

******

Please

Vote

Comment 

And

Share...

Thank you!

Serena xx,

What If?Where stories live. Discover now