- 23 -

2.9K 53 4
                                    


Ngayong araw na ko lalabas at si James ang kasama ko nagpaalam kasi kahapon sila mommy na kailangan nilang pumunta sa US dahil may problema dun sa company namin. Ayaw pa sana nila akong iwan kasi nagaalala sila sa akin pero sinabihan ko naman silang magiging okay lang ako dito nandyan naman sila James para makasama ko habang wala sila kaya umalis sila kagabi papuntang US.

Pagbalik ni James galing sa labas dahil hinatid niya yung mga gamit ko ay may dala na siyang wheelchair kaya tinaasan ko siya ng kilay. Upo ka na Kath. Sabi niya kaya napatikhim ako.

Hindi ako uupo dyan Hayme kaya kong maglakad noh. Ano akala mo sakin baldado. Tumayo ako sa kama at lumabas na ng pinto ng kwartong pitong araw kong pinagpahingahan at sobrang boring ayaw kasi ako palabasin ng mokong na to.

Baka daw mahawa pa ko ng sakit ng ibang tao sa labas napak OA lang niya talaga minsan pero syempre wala naman siyang magawa kung atakihin ako ng pagkamakulit ko kagaya ngayon wala siyang magawa na hindi niya ko napasakay sa wheelchair na yun.

Napakatigas talaga ng bungo mo kuting puna niya sa kakulitan ko binelatan ko nga kaya ayun ngumiti na parang baliw.

Kung nagtataka kayo kung bakit parang ang okay ko kahit na nawalan ako ng anak kasi nagpromise ako sa sarili ko na sa pitong araw na pagstay ko sa kwartong yun ay magluluksa ako sa pagkawala ng anak ko pagkatapos ng pitong araw sisikapin kong ibalik ang dating ako kasi alam kong ayaw ng anak ko na mawala sa landas ang mommy niya. Gagawin ko lahat para sa anak ko siya ang gagawin kong inspirasyon para maging successful balang araw. Hindi ko hahayaang maapektohan ako ng mga taong walang ginawa kundi saktan at pasakitan ako.

Hindi ko hahayaan na sasaya sila na makita akong nasasaktan. Simula sa araw na to magbabago na ko sa paningin ng ibang tao pero hindi kapag kaharap ko ang mga kaibigan ko kasi wala naman silang ginawa kundi ang maging mabuting kaibigan sa akin.

Sumakay na kami ng sasakyan ni James pagdating namin ng parking lot. Sa bahay namin ni Daniel Hayme. Sabi ko sa kanya ng paandarin niya na ang sasakyan.

Lumingon siya sa gawi kong bakas ang pagtataka sa mukha niya. Bakit dun? tanong niya pa.

May kukunin lang ako at kailangan ko siyang makausap. Sabi ko sa kanya at nakita ko ang pagalinlangan sa mukha niya. Ayaw ni tito na lumapit ka kay Daniel Kath. Pagrarason niya.

Hindi naman malalaman ni dad kung hindi ka mmagsusunbong sabi ko sa kanya. At kailangan ko lang siya kausapin para sa anulment papers pahabol ko pa ng makita kong poprotesta pa sana siya.

Wala na siyang nagawa kaya umalis na kami sa parking ng hospital at nagdrive papuntang bahay namin ni Daniel.

Pagkatapos ng ilang minuto ay dumating na kami sa tapat ng bahay namin nakaramdam ako ng kaba pero hindi ko pinahalata kay James yun baka bigla niya na lang ako hilahin paalis dito mamaya.

Lumabas na kami ng sasakyan niya at agad naman kaming pinagbuksan ng guard ng gate. Kelan pa nagkaroon ng guard dito sa bahay. Sino po hanap niyo ma'am sir? Tanong niya pagkapasok namin.

Si Daniel sabi ni James. Sige ho sasabihan ko lang ho siya ma'am sir. Sabi niya at maglalakad na sana ng pigilan ko siya.

Wag na manong asawa niya ko kakausapin ko lang ang sir mo. Sabi ko sa kanya at ngumiti pa ko ng maliit.

Ay kayo pala yung sinasabi ni sir Daniel at ma'am Karla na asawa ni sir Dj. Sige ho ma'am andyan naman po si sir sa loob baka naglalasing na naman yun. Sabi niya na ikinakunot ng noo ko. Si Daniel naglalasing bakit kaya? At kelan pa siya naglasing, oo umiinom siya pero never naman siyang naglalasing na umabot sa puntong araw araw pa.

What If?Where stories live. Discover now