48

2.5K 41 0
                                    


Doc the patient is not responding.  Sabay sabay napatingin ang lahat kay Kathryn at sa heart monitor na naka konekta kay Kath.

Biglang nakaramdam ng takot at pagkataranta si Daniel at ang lahat ng kasama niya sa loob.

Kath?! Kathryn?!  Love?! Kathryn gumising ka! Doc what is happening to my wife?! Sambit ni Daniel at nilingon ang doctor na may mga takot sa kanyang mata.

We don't know Mr.  Padilla but we're going to do everything to save your wife but for now please step outside of this room. Sabi ng doctor at agad kinuha sa kaniyang mga bisig ang kanilang anak at dinala ito sa kabilang dulo ng delivery room para malinisan.

Agad namang may lumapit sa kanyang dalawang nurse habang aligaga ang ibang nurse at doctor ni na nagpaanak kay Kathryn na e revive siya dahil nakaflatline na ang heart monitor niya.

No!! I want to stay beside my wife!!  Please please save my wife!  Pagpupumiglas niya sa dalawang doctor na pilit siyang pinapalabas ng delivery room.

Pero wala siyang magawa dahil mas malakas ang dalawang nurse sa kanya  na pilit siyang pinapalabas.

Nang tuloyan na siyang napalabas ng delivery room ay agad na bumungad sa kanya ang mga kaibigan at magulang nila ni Kathryn na humahangos na tumatakbo papunta sa direksyon niya.

Agad na kinabahan ang lahat ng makita si Daniel na naka luhod at humahagulgol sa labas ng delivery room.

Daniel anong nangyari?  Nagaalalang tanong ng ina ni Kathryn na si Min.

Tita si Kath... Hindi niya matuloy tuloy ang sasabihin dahil bigla bigla na lang siyang napapaiyak ng maalala ang nangyari kanina sa loob ng delivery room.

Ano anak?  Ano ang nangyari?  Sagutin mo kami Daniel dahil mas lalo kaming kinakabahan sa pananahimik mo.   Sabi ng ina na nakaluhod na rin sa harap niya.

Ma okay naman eh.. Okay naman ang lahat kanina eh nakangiti pa nga kaming dalawa habang pinagmamasdan ang anak namin pero... pero bigla na lang nagkaproblema at.. at biglang huminto sa pagtibok yung puso ni Kathryn.  Matapos niyang sabihin yun ay hindi maiwasan ng lahat ang mapaiyak at manlumo sa narinig.

Hindi ko maintindihan. Bakit nagkaganon? Bakit nangyayari to? Sabi ng doctor okay naman ang pagbubuntis niya, walang komplikasyon pero bakit nangyari to?! Iyak ni Daniel habang nakayuko at nakaupo na sa waiting chairs sa labas ng delivery room kasama ang mga kaibigan at kapamilya.

Halos tatlong oras na silang naghihintay sa doctor na lumabas at sa loob ng tatlong oras na yun walang pakundangan ang kabang nararamdaman nila at mas lalo lang nadadagdagan ang kaba habang nadadagdagan ang oras ng paghihintay nila.

Anak pwede bang kumalma ka at maupo ka muna dito nahihilo ako sayo. Sabj ng kanyang ina dahil kanina pa hindi mapakali si Daniel sa inuupoan niya at pabalik balik ng lakad.

Ma paano ako kakalma? Kanina pa sila sa loob ni wala tayong ka alam alam kung ano ng nangyayari?  Sagot neto sa ina na puno ng pagaalala at takot na nararamdaman.

Kaba dahil sa nangyari sa asawa at takot dahil hindi noya kakayaning mabuhay kung mawawala si Kathryn sa kanya.

Naguumpisa pa lang kaming buohin ang pamilya namin. Wag niyo naman muna siyang kunin sa akin,  sa amin ng anak namin dahil babawi pa ko sa kanya sa lahat ng nagawa kong kamalian. Panalangin niya habang nakasandal na sa pader at nakatingala sa kisame.

Agad siyang napatayo ng matuwid ng marinig ang pinto ng delivery room at lumabas doon ang doctor ni Kath.

Mr.  Padilla?  Tawag neto sa kanya at nakitang bagsak ang mga balikat neto at pailing iling pa na mas lalong nagpakaba sa kanya pero tinatagan niya ang loob niya dahil alam niyang kailangab siya ni Kathryn at ng anak nila.

What If?Where stories live. Discover now