- 27 -

3K 36 5
                                    


Maaga akong pumasok ngayon sa opisina dahil ngayon na ka schedule yung client ko na nagpagawa ng wedding gown niya. 

Nireready ko yung mga denisign kong wedding gown habang may oras pa ko kasi ayokong magahol sa oras pag andyan na sila ng fiancee niya.

At sa hindi ko malamang rason ay kinakabahan ako na kahit ilang beses ko na naman to ginagawa, basta ang alam ko lang ay may kakaiba sa araw na to at hindi ko alam kung ano yun pero sana maging maayos ang meeting namin mamaya at may magustohan na siya sa mga design ko kasi ilang linggo na rin siya pabalik balik dahil wala siyang may magustohan.

Pagkatapos kong ayosin lahat ng design na ginawa ko ay nilagay ko na yon sa portfolio ko. Uupo na sana ko ng mapansin kong may isang nahulog na papel sa ilalim ng mesa kaya pinulot ko yun at nakita ko ang wedding gown ko. Yung  wedding gown na ginawa ko nung naging okay kami ni Daniel noon. Hindi ko alam kung bakit ko denisign ito noon pero naisip ko kasi kung ikakasal kami ni Daniel noon gusto ko suotin yung dream wedding gown ko. May nakalagay pang initials sa right bottom ng paper na to KD's wedding.

Agad ko tinago ng maramdaman ko yung panunubig ng mata ko hindi ko alam kung bakit pero nakaramdam ako ng kirot sa bandang dibdib ko dahil sa naisip kong kahit kailan hindi na magaganap yun.

Narinig kong may kumatok sa pinto kaya agad kong pinunasan ang luhang lumandas sa mata ko. Come in. Sagot ko sa kumatok.

Miss Kath andito na po yung client niyo sabi ni Annie kaya tumango na lang ako. Filipina  si Annie kaya marunong siyang magtagalog. I'll be there ni 5 minutes Sabi ko sa kanya ng nakita kong hindi pa rin siya umaalis malapit sa may pinto at pinagmasdan ako na parang sinusuri niya yung mukha ko kaya agad akong yumuko.

Umiyak ka ba Kath? tanong niya kaya umiling ako. Kaibigan na rin ang turing ko sa kanya kaya minsan Kath lang yung tawag niya lalo na pag gusto niyang maging kaibigan sakin sa panahong may problema ako. At naramdaman niya sigurong may dinadamdam ako pero hindi naman na yun importante.

Wala lang to sige na Annie pumunta ka ng conference susunod ako kukunin ko lang yung mga design ko. Sabi ko sa kanya habang kinukuha yung mga design na hinanda ko.  Okay Miss Kath. Sabi niya gamit yung pang professional niyang boses.

Paglabas niya agad akong napabuntong hininga. Ano ba Kathryn umayos ka ngayon ka pa nagkaganyan na maayos na buhay mo at dalawang taon na ang nakalipas okay ka na eh. Okay na okay na. Sermon ko sa sarili ko.

Lumabas agad ako at pumuntang conference room pagpasok ko nakaupo nadun si Annie at ang client ko si Miss Carlos. Good morning sorry I'm late sabi ko kasi nalate ako ng dalawang minuto.

It's okay Miss K nag cr pa naman yung fiancee ko. Sabi niya kaya napatango na lang ako.

Inayos ko muna yung pagkakasunod sunod ng mga design ko ng marinig kong may pumasok pero hinayaan ko na lang kasi baka fiancee yun ni Miss Carlos.

So ready na ba tayo? sabi ko at napatigil ng makita ko kung sino yung nasa harapan ko. Matagal ko siyang tinignan. Mas naging mature siya ngayon, mas gumwapo, mas tumangkad, hindi ko alam pero kumabog ng sobra yung puso ko ng makita ko siya.

Ito ba yung dahilan kung bakit kanina pa ko kinakabahan. Hindi ako makapaniwala na nandito siya sa harap ko ngayon, hindi ko aakalain na magkikita pa kami ulit, expected naman na na magkikita kami pero hindi ko alam na ganto pa talaga kami pinagtagpo ng panahon.

What If?Where stories live. Discover now