-2-

5.3K 96 1
                                    


KATHRYN'S POV


"Nak, gumising ka na mahuhuli na kayo sa klase Kath kanina ka pa hinihintay ng kapatid at mga kaibigan mo."

" Andyan na po mama, bababa na po ko. "

Pagkababa ko ng hagdan agad kong nakita ang buong barkada nakaupo sa sofa at naka busangot ang mga mukha pero si daniel nakatingin lang sakin walang emosyon, ano pa nga ba ganyan naman yan palagi parang wala parati sa mood.

" Ikaw parati may kasalanan kung bakit tayo parating late eh, paniguradong maglilinis na naman tayo ng classroom sa likod ng school. " sabi ni Quen sabay gulo ng buhok ko napasimangot na lang ako kasi totoo naman ako parati ang nahuhuli kaya late kami isang sasakyan lang kasi ginagamit naming lahat sa pagpasok ng school.

" Hayaan mo na si Kath parang hindi ka nasanay sa araw araw nating ginagawa. " sabi ni Nadz sabay tawa inirapan ko lang siya at tumabi kay James ang guy bestfriend kong nakakaintindi sa akin sa lahat ng bagay.

" Hi hayme! " masayang bati ko sakanya

" Hi kuting! " masayang bati ni James sabay kurot sa pisnge ko tinapik ko naman ang kamay niya kasi masakit parati niya na lang ginagawa sakin yang pangungurot sa pisnge ko.

Sabay sabay na kaming lumabas at as usual si Nadz naman ang sa front seat kasi si Daniel naman ang palaging nag dadrive ng van namin papuntang school.

Silang dalawa ang magbestfriend habang kami naman ni James ang magbestfriend at si Liza at Quen M.U yan silang dalawa. Malabong Usapan de joke lang Mutual Understanding daw silang dalawa.

Wala namang masama kasi bata pa lang kami magkakaibigan na kaming anim, approve naman si Quen sa parents ni Liza ganun din si Liza sa parents ni Quen. Ang hindi ko lang alam bakit biglang nagbago si daniel ng bumalik siya kasama ang pamilya niya galing bakasyon.

Kami kasi ang magbestfriend noon eh pero bigla na lang siyang umiwas ilang araw pagkabalik niya dito sa Pinas.

" Oh kuting your sad again? naalala mo na naman ba yung dati? " James

" Oo eh, hindi ko talaga kasi alam kung bakit bigla na lang siyang hindi na namamansin at lumayo na yung loob niya diba bestfriend kami. "

" Wag ka ng malungkot kuting andito naman ako eh diba ako na bestfriend mo. " James

" Oo naman. Thank you at nandyan ka palagi sa tabi ko hayme. " sabi ko sabay tawa kaya napatingin si Nadz sa amin.

" Anong tinatawa niyong dalawa diyan? " Nadz

" Wala may sinabi lang si James sakin. "

Hindi na siya nagtanong pa at tumingin na lang sa harapan. Ilang minuto pa at dumating na rin kami sa school namin. Oo amin tung school na ito at may shares din ang mga magulang ng mga kaibigan namin dito.

Pero hindi kami kagaya sa mga nababasa niyo sa ibang libro o nakikita niyo sa movie na mga brat at mga siga, oo natatakot silang bangain ang mga anak ng may ari ng school pero hindi kami ng bubully kung may respeto sila sa amin bibigyan din namin sila ng respeto ayaw namin ng fame na yan gusto lang namin makapagtapos ng pagaaral at maging succesful kagaya ng mga magulang namin.

May mga famous student naman dito kagaya ng grupo ni Julia B. pero ni minsan hindi pa nila kami binangga kasi kahit na mga brat yan sila may mga puso din naman.

" huy!" Quen

" ayy kalabaw ni Quen! Ano ba yan Quen bakit ka ng gugulat?!" gulat na sabi ko habang nakahawak sa dibdib ko. Muntik na ko dun ah.

What If?Where stories live. Discover now