- 3 -

3.2K 51 0
                                    


NADINE'S POV

Pagka akyat ni Kath ng kwarto nagkatinginan kami ni Liza alam kong nasasaktan na siya sa ipinapakita ni Daniel na paguugali sa kanya kahit ako nasasaktan na rin para sa kapatid ko.

Kahit na sobrang close siya kay James na nakakainis na din minsan mahal na mahal ko yan kahit ano pa ang mangyari siya pa rin ang pipiliin at iisipin ko sa huli.

" Nak, pwede ba kitang makausap saglit? " Mommy MIn.

" Sige po ma. "

" Halika nak dun tayo sa opisina. " Mommy Min

Pagdating namin sa opisina umupo si mommy sa swivel chair niya habang umupo naman ako sa harapan niya.

"Ano po yung paguusapan natin mommy? " 

" May problema ba yung kapatid mo Nadz? " mommy.

" Wala naman po ma, napagod lang talaga siguro siya kanina late na naman po kasi kami kaya naglinis kami ng bodega. " paliwanag ko kay mommy at bigla na lang kumunot yung noo niya.

" Bodega ng school? Bakit do'n? Sobrang madumi at maalikabok do'n Nadz bakit mo pinabayaan yung kapatid mo na maglinis do'n? " inis na sabi ni mommy sakin.

" Hindi ko naman po siya pinabayaan mommy pinatigil ko nga siya eh kasi baka kung ano naman po mangyari sa kanya. Matigas din po kasi minsan si Kath ma ayaw niyang makinig." paliwanag ko kay mommy.

" Sige nak kakausapin ko na lang yung kapatid mo, salamat at binabantayan mong maigi yung kapatid mo. Sorry na rin kung nainis ako sayo ha. " paliwanag din ni mommy.

" Okay lang mommy naiintindihan ko po. " sabi ko sabay labas sa opisina at bumalik sa living room. Andon pa rin ang barkada kaya umupo na lang ako sa bakanteng upoan katabi si James.

" Hi James. "bati ko sa kanya.

" Hi Nadz." bati niya sakin pabalik. Crush na crush ko talaga 'tong lalakeng to. Ang bait kasi gwapo pa at masaya akong pinapasaya niya yung kapatid ko kahit papaano.

"Nadz oh. " sabay abot ng sandwich at juice sakin.

" Ayy, thank you James. "

"Bakit ka kinausap ni tita? Tungkol ba kay Kuting? " pagtatanong niya. Nilunok ko muna yung kinakain ko bago sumagot.

" Oo nahalata niya kasing hindi okay si Kath kaya sinabi ko na lang na pagod lang sa paglilinis sa bodega ayun medyo nainis sa akin akala niya pinabayaan ko si Kath na maglinis. 

"Pinaliwanag mo naman kay tita na pinipigilan mo siya kaninang maglinis nung nandun pa tayo sa office ni Mrs. Punsalan? " James.

" Oo kaya ayun medyo kumalma siya at huminge ng tawad dahil sakin niya nabuntong yung kainis niya. Naiintindihan ko naman si mommy nagaalala lang siya kay Kath. "

" Kahit ako nga kanina eh nagalala nung bigla niya hinawakan yung dibdib niya akala ko mauulit naman yung nangyari noon. " James.

" Sana wag ng maulit naawa ako sa kapatid ko eh. "

" Wag kang magalala andito naman tayo para bantayan siya diba? " James. napangiti naman ako sa sinabi niya masaya akong inaalagaan ni James yung kapatid ko kaya ko siya nagustohan eh.

Nanood lang kami ng movie ng bumaba si mommy galing sa taas. Nakabihis siya ng pangalis may pupuntahan ata.

" Nak may pupuntahan lang kami ng daddy mo ikaw na bahala dito at sa kapatid mo ha baka late na rin kami makakauwi. " pagpapaalam ni mommy.

" Sige ma ingat kayo ni dad. "

" okay, behave kayo dito ah. " bilin niya sa barkada.

"Oo naman tita. Ingat kayo ni tito."  Quen

" Naku Quenito the last time I heard that nagsuka ka sa carpet ko dahil sa kalasingan mo. " nagtawanan naman kaming lahat dahil sa sinabi ni mama.

" Si tita talaga pinaalala pa nakalimutan ko na yun eh. " nahihiyang sabi ni Quen.

" Sus nahiya pa. Sige na aalis na ko. " mommy

" Ingat ka tita. " barkada.

" Ingat ma. " at nagbeso ako sakanya ganun din ginawa ng barkada.

Bumalik na kami sa panonood ng biglang bumaba si Kath galing sa taas nakabihis din pangalis.

" Saan ka pupunta Kathryn gabi na? " 

" May bibilhin lang ako Nadz gagamitin ko yung sasakyan ko ah. Bye! " at tumakbo palabas ng bahay. Sumunod naman ako sa kanya sa garahe at buti na lang naabutan ko siya.

" Kath alam mong bawal ka magdrive. " pagsuway ko sa kanya.

" Hindi naman malalaman nila mommy kung hindi ka magsusumbong Nadz. Sige na please babalik ako agad. Promise! " tumango na lang ako kasi wala din naman akong magagawa susundin niya rin ang gusto niyang gawin.

"Bakit mo pinayagan Nadz? " nagaalalang tanong ni Liza sakin.

" Alam niyo naman na kahit anong pagpigil ko sa babaeng yan hindi yan makikinig eh. Ako naman malalagot kay mommy at daddy neto. " sabi ko sa kanila.

" Bakit kasi pinagbibigyan mo ? " naiinis na  tanong ni Daniel.

" Dahil kapatid ko siya at kailangan niyang maging masaya." paliwanag ko sa kanya.

" Kahit na alam mong ikaw yung mapapagalitan. Ewan ko sayo. " sabi ni Daniel sabay talikod narinig na lang namin ang pagsara ng pinto.

" Sorry for my cousin's behavior guys hindi ko rin alam kung bakit siya nagkakaganyan eh kahit ako sinusungitan niya. " James

" HIndi okay lang James sanay na rin kami eh. " Quen.

" Sige Nadz uwi na rin kami balitaan mo na lang kami pag nakauwi na si Kathryn ah para hindi na rin kami magalala sa kanya. " Liza

" Sige guys, ingat kayo sa paguwi ah. "

" Sige Nadz. " Quen nagbeso na kaming apat at hinatid ko na sila sa pinto.

Bumalik naman ako sa loob at umakyat sa kwarto para makapagaral dahil may quiz kami bukas.

*****

Naalimpungatan ako dahil sa malakas na pagsara ng pinto sa ilalim kaya dali dali akong bumaba at naabutan ko si mama papa at Kathryn na nagtatalo.

" Ano po yung nangyayari? " inaantok kong tanong sa kanilang tatlo.

"Diba sabi ko sayo na ikaw bahala sa kapatid mo bakit mo siya pinayagan magdrive? " galit na saad ni moomy.

" Ma pinigilan ko siya kasi nga bawal sa kanya ayaw niya pong makinig, sorry po ma." paliwanag ko kay mommy

" At ikaw ilang beses ka ba dapat pagsabihan Kath alam mo naman na bawal gagawin mo pa rin. " mommy to kathryn

" Ma alam ko ang ginagawa ko kaya kong alagaan ang sarili ko. Simula ng nangyari sakin yun marami ng hindi pwede, ma please let me live my life hindi naman po pwede na magbabantay na lang si ate Nadz sakin parati may buhay din yang kapatid ko. " paliwanag ni Kath at umupo sa sofa.

"Alam naman namin yun nak pero natatakot lang kami na baka maulit yung dati. " malumanay na sabi ni daddy

" Pa kung mabubuhay na lang tayong lahat sa takot at what if ano na lang mangyayari sakin minsan nakakasakal na yung pagiging protective niyo sakin kahit wala naman akong ginagawang ikasasama ng kalusugan ko. " naiiyak na sabi ni Kathryn kaya agad ko siyang nilapitan at inalo.

" Tahan na Ryn bawal sayo ang umiyak diba? " at nginitian ko siya ng konti.

" Okay Nadz thank you sa lahat ng pagiintindi at pagpapasensya sakin. I love you sis. " at pinahid niya ang mumunting luha sa mata niya at ngumiti sakin ng maliit.

" I love you too sis. Matulog ka na gabi na bawal sayo magpuyat. "

"Sige. Goodnight Nadz, Ma, Pa. " sabi niya sa aming lahat at umakyat na sa taas.

" Sige dad, Ma matutulog na rin ako. Goodnight po. " sabi ko at bumeso sa kanila at umakyat sa taas. Nakakapagog 'tong araw na to maraming nangyari.

What If?Where stories live. Discover now