- 22 -

2.9K 53 3
                                    


Nagising ako na puro puti lang ang nakikita ko, unti unti kong nilibot ang paningin ko at nakita kong mahimbing na natutulog ang mga kaibigan ko nakita ko din sila mommy at daddy kausap si doktora Hernandez napalingon si mommy sa akin na may mga luha sa kanyang mga mata ng makita niya kong nakatingin sa kanya agad niya kong nilapitan.

Anak? naiiyak na sabi ni mommy at agad naman siya dinalohan ni daddy. Hinahaplos ni daddy ang buhok ko at patuloy lang na umiiyak si mommy.

Mom, Dad pwede na po ba kong umuwi? agad na sabi ko sa kanila ng ibuka ko ang bibig ko nahirapan pa kong magsalita nung una dahil sa matuyo kong lalamunan.

Pero nak sabi ng doctor hindi pa pwede isang linggo ka kailangan magpagaling dito dahil sa dugo na nawala sayo hinang hina ka na umabot ka ng dalawang araw na natutulog lang. Pageexplain ni mommy at dun ko lang na alala ang mga nangyari.

Agad kong kinapa ang tyan ko at hindi ko maramdaman ang maliit na bukol dito. Asan na yung baby ko ma?! Ligtas naman siya diba?! Naligtas naman siya ni doc diba?! naluluha kong tanong sa magulang ko. Kahit na nanlalabo na yung mata ko nakita ko pa rin yung mga luhang sunod sunod na bumagsak mula sa mata ni mommy. Tinignan ko naman ang mga kaibigan kong kakalapit lang at sigurado kong narinig nila ang mga tanong ko sa mga magulang ko dahil napaiyak na lang si Liza at napailing na lang ang tatlong lalake.

MA SAGUTIN NIYO KO, DAD ANG BABY KO?!?! BUHAY PA SIYA DIBA?!?! ANO?!?! SAGUTIN NIYO KO KASI NABABALIW NA KO?!?! sigaw ko sa kanilang lahat agad naman akong inakap ni daddy at hinawakan ni mommy ng mahigpit yung mga kamay ko.

I'm sorry anak pero wala na ang baby mo, hindi siya naligtas ni doc masyadong maraming dugo ang nawala sayo. Sabi ni mommy na dahilan para gumuho na lang ng ganun yung mundo ko. Masakit sobrang sakit na kahit alam mo naman na yung nangyari pero kailangan mong siguraduhin na hindi ka nanaginip kasi parang nababaliw ako kasi yung anak ko na lang yung natitira sakin na sa palagay kong naging tama sa lahat ng problema, sa lahat ng mga maling desisyon na ginawa ko.

No.. Ang baby ko.. Bakit siya pa bakit hindi na lang yung mga taong nanakit sa amin. Bakit ang baby ko pa. No no no.. Paulit ulit kong sabi at sinusubukang kumawala kay daddy parang gusto ko na lang patayin yung sarili ko para makasama na lang yung anak ko kasi sobra sobra yung sakit. Hindi ko alam kung kaya kong wala ang anghel ko. Hindi ko ata kaya. 

Bitawan niyo ko dad susunod ako sa anak ko! sabi ko at nagpupumiglas. Anak? naiiyak at hindi makapaniwala na sabi ni mommy, wag naman ganito anak please andito pa kami, andito lang kami hindi ka namin iiwan. Nagmamakaawang sabi ni mommy pero umiling lang ako at nagpupumiglas sa hawak ni daddy.

Tumawag kayo ng doctor bilis sabi ni dad kaya agad na lumabas si Quen para tumawag siguro ng doctor pagbalik niya kasama niya na si doktora Hernandez kasama ang isang nurse hindi pa rin ako binibitawan ni daddy at James. Naramdaman ko na lang na tinurokan nila ako ng gamot na agad ko namang ikinahina at nakaramdam ng antok kaya unit unti na kong binitawan ni dad at James.

******

Uwaaah.. Uwaaah.. Uwaaah.. Nagising ako dahil sa narinig kong iyak ng sanggol nakita kong nasa bahay kami sinundan ko ang naririnig kong iyak ng sanggol at dinala ako sa salas namin at nakita ko dun ang isang sanggol na puno ng dugo maya maya bigla na lang itong tumahimik na parang hindi na humihinga kaya agad akong lumapit at lumuhod sa harap niya nakita kong may pangalan na nakalagay sa lampin niya kaya tinignan ko ito at doon ko nabasa ang pangalan niya Baby Padilla.

Anak?! Baby please don't leave mommy here! Baby! Baby! Please! Wake up my little angel! naiiyak kong sabi at hinahaplos ang mukha ng anak ko. At bigla na lang siya nawala sa mga bisig ko at nahimatay ako.

What If?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon