35

2.2K 34 0
                                    


Pagkatapos ng lunch namin napagisipan naming pumunta sa labas malapit sa may pool may billiard table kasi dun at may outdoor bar kaya dun kami tumambay at para makapagusap na din ng maayos.

So kamusta na kayo? Tanong ko sa kanila. Matagal bago sila nakasagot kaya naghintay lang ako.

Actually Kath nung umalis ka maraming nagbago. Liza

Nagkahiwa-hiwalay kaming lahat dahil sobra kaming na apektuhan ng umalis ka na hindi namin alam. James

Nalaman na lang namin na nasa ibang bansa ka na pala pero hindi namin nalaman kung saan eksaktong lugar. Quen

Nagalit silang lahat sa akin. Kaya ngayon kukunin ko 'tong pagkakataong to para huminge ng tawad sayo. Nadine

Tumahimik kaming lahat dahil sa sinabi niya. Tinignan ko siya ng mabuti kung seryoso at sigurado ba siya sa sinasabi niya sa akin, kung sincere ba siya sa mga sinasabi niya.

G? Makikinig ako. Sabi ko sa kanya. Siguro panahon na para magpatawad para mabawasan yung bigat na nararamdaman ko dito sa puso ko.

Kasi kahit na sabihin kong nakamoved on na ako. Na masaya na ako may kulang paring parte sa akin lalo na sa puso ko at hindi ko alam kung ano yun. Siguro ito na yun para makapag moved on na talaga ako.

Unang una gusto kong huminge ng tawad sa lahat ng nagawa ko nalamon ako ng insecurities ko sayo Kath kaya ko nagawa yun. Nagsisisi akong ginawa ko yun sayo kasi hindi lang ako nawalan ng kapatid nawalan din ako ng kaibigan nawalan din ako ng tinuring na magulang kaya ganun na lang yung pagsisisi ko umabot sa puntong ginusto kong mamatay na lang sana pero naisip ko kung magpapakamatay ako hindi ko na makukuha ang kapatawaran mo. Naisip ko na hihintayin ko yung pagbabalik mo dahil sa unang pagkikita pa lang sisigiraduhin ko ng makakahinge ako sayo ng tawad, pero hindi ko naman nagawa yun kasi nakita kong parang hindi ka kumportable nung unang pagkikita nating lahat.

Kilala kita Kath kaya alam ko bawat galaw mo ikaw na yung kasama kong lumaki at kasama kong nagkamuwang sa mundong to kaya kabisado na kita pero ngayon alam kong may nagbago na sayo kasi ramdam kong may ipinagbago na yung ryn-ryn ko.

What If?Where stories live. Discover now