50

2.4K 42 25
                                    


Love kinakabahan ako.  Natatakot ako paano pag hindi successful. Kathryn

Napagusapan na natin to kahapon love wag kang matakot para din naman sayo to. Isipin mo lang kami ni Sam love.  Kaya mo yan andito lang kami maghihintay sa pag galing mo.

Alam kong hindi tayo pababayaan ni Papa God love lalo na ikaw kasi napakabuti mong tao kaya have faith in him ha. Mahal na mahal kita love.  Sabi niya habang tulak tulak nila yung stretcher papuntang operating room. Gusto ko sanang isama si Daniel sa loob pero ipinagbawal ng mga doctor.

Wala naman na kaming magawa at ayaw ding pumasok ni Dj kasi baka daw kasi mahimatay siya sa loob sa sobrang kaba na nararamdaman.

At imbis na ako lang ang inaasikaso baka pati siya ay makasagabal at uunahin din ng mga nurses imbis na ang focus nila sa akin baka mapunta din daw sa kanya kaya hindi na lang ako nagpumilit dahil maraming naiisip na dahilan ang mister ko.

Sige na love ipag p-pray kita, namin habang on going yung operasyon mo. Kaya mo yan. Andito lang ako.  Sabi niya at hinalikan ako sa noo bago tuloyan na mawala silang lahat sa paningin ko dahil nakapasok na ko sa operating room.

Tinurokan nila ng pampatulog ang IV ko para habang naghahanda sila ay unti unti ng mageepekto ang pampatulog sa akin at tama nga dahil ilang minuto lang ay napapapikit na ko sa nararamdaman kong antok.

******

Halos tatlong oras na silang lahat na nahhihintay sa labas ng operating room.

Nandoon ang buong barkada nila pati sila jc at Sarah pati na rin ang magulang ni Kath naghihintay sa magiging resulta ng operasyon ni Kathryn.

Habang hindi naman mapakali si Daniel sa inuupoan niya at parati itong tumatayo at pabalik balik na lumalakad sa harap nilang lahat. Walang mapaglagyan ang kaba na nararamdaman niya mula nung ipasok ang asawa niya sa operating room hanggang ngayon na nagpapatuloy ang operasyon.

Lord please gabayan niyo po ang asawa ko. Iligtas niyo po siya sa operasyon niya.  Yan lang ang inuulit ulit niyang panalangin sa Diyos habang naghihintag siya sa resulta.

Daniel anak maupo ka nga dito sandali nahihilo ako sa palakad lakad mo eh. Sabi sa kanya ng mama min niya dahil kanina pa siya nito sinusundan ng tingin.

Sorry mama kinakabahan po kasi ako eh.  Sagot ni Daniel.

Kami rin nak pero wag kang magalala matapang si Kath makakaya niya yan ipagpanalangin na lang natin ang kaligtasan niya.  Sabi sa kanya ng ginang na ikinatango niya na lang.

Kasalukuyan sa loob ng operating room..

Kakatapos lang ilipat ang bagong puso ni Kath at ginagamitan na ito ng doctor ng defibrillator para magkaroon ng tibok ng puso si Kathryn at hindi nagtagal ay nagkaroon na siya ng vital signs.

Napahinga naman ng malalim ang doctor ni Kathryn at napapunas ng kanyang pawis.

Tatahiin na sana ng nurse ang sugat ni Kath ng biglang nagflat line ulit ang heart monitor ni Kath kaya nataranta ang lahat.

Agad naman siyang tinurokan ng gamot ng anesthesiologist at paulit ulit na ni revive ng doctor si Kathryn.

Hanggang sa unti unting bumagsak anv balikat ng doctor at napahinga ulit ng malalim dahil sa naging resulta ng operasyon.

Pagkatapos ng lahat agad na lumabas si Doctor Reyes na agad naman sinalubong ni Daniel kasama ang mga kaibigan at magulang ng asawa niya.

Doc kamusta po ang asawa ko?  Successful po ba ang operasyon? Sunod sunod na tanong ni Daniel na puno ng kaba at pagaalala para sa asawa.

Hindi nagbago ang ekspresyon ng doctor at matagal bago nakasagot ito kaya unti unti ng namumuo ang takot sa kanilang dibdib lalong lalo na kay Daniel.

Diyos ko sana mali ang iniisip ko. Hindi ko kakayanin pag nawala ang asawa ko.  Tanging nasabi niya sa isipan niya habang naghihintay ng sagot mula sa doctor.

Maayos ang glow nh operasyon namin kay Kathryn hanggang sa nalipat na namin ang bagong puso niya pero ilang minuto pa lang natapos ang transplant niya ng biglang nag flat line ang heart monitor niya at buti na lang ay naagapan namin. Successful ang operasyon Mr.  Padilla...

Sabi ng doctor na agad naman nilang lahat na ikinangiti pero unti unting nawala ang ngiti sa labi ng makita ang doctor na napailing at hindi pa ito tapos sa kanyang sasabihin.

But unfortunately Mr. Padilla your wife is in a state of coma again and the difference is hindi natin alam kung hanggang kelan siya comatose at kung magigising pa ba ito. I'm sorry but I'll do everything I can to save your wife.

Huling sabi ni Doctor Reyes at pumasok na ulit sa operating room para sabihan ang mga nurses na pwede ng i-transfer si Kath sa ICU para mabantayan siya ng mabuti.

Agad namang nanlumo si Daniel at mga kasama nito dahil sa narinig sa doctor.  Hindi niya na alam ang gagawin niya comatose ulit ang asawa niya at ang masama pa dun walang kasigiraduhan kung magigising pa ba ito.

Napaluhod siya sa kakaiyak dahil sa sakit na nararamdaman.  Bakit nangyayari sa amin to? Bakit kay Kathryn pa? Sana ako na lang lahat nakaramas ng sakit na nararamdaman niya ngayon. Sana ako na lang ang nasa lugar ng asawa ko ngayon. Sabi niya sa kanyang isip.

Inalalayan siya patayo ng mga kaibigang lalake ng muling bumukas ang pinto at niluwa nun si Kathryn na nakahiga sa stretcher habang tulak2 ng mga nurse.

Lalapit sana siya sa asawa ng pinagbawalan siya ng mga nurse na nagtutulak sa stretcher nito kaya wala siyang nagawa kundi sundan kung saan dadalhin ang asawa niya at tignan ang maganda nitong mukha na halata ang pagod kahit na natulog igo sa buong operasyon na naganap.

Nakarating na sila sa ICU at agad na inayos ng mga nurses si Kathryn habang nag bibihis si Daniel ng medical suit para makapasok siya sa loob ng ICU.

Agad niyang nilapitan ang asawa at hinawakan ang kamay neto kung saan nakalagay ang dextrose ni Kath.

Hindi niya napigilang hindi mapaiyak dahil awa dahil sa mga nakakabit sa katawan neto.

Love lumaban ka lang ha hinihintay ka naming lahat lalong lalo na kami ni Sam.  Love tandaan mong mahal na mahal kita. Mahal na mahal ka namin kaya kapit lang ha. At sana magising ka na bukas.  Sabi niya at hinalikan ang noo at kamay neto bago niya dahan dahan inilapag ang kamay ng asawa sa higaan neto.

Lumabas siya ng ICU at ang mga magulang naman ng asawa niya ang pumasok para makausap ito.

********

Nacoma ulig si Kath...

Heres the update readers enjoy!

Don't forget to

Vote

And

Comment....

Thank you so much!

Love y'all...

Mwaaaaa...

Serena,

What If?Where stories live. Discover now