- 7 -

2.4K 48 2
                                    


KATH

Friday, October 20

Nandito na kami sa hotel kung saan gaganapin ang party na hanggang ngayon wala kaming ideya kung para saan.

Naayosan na lahat ng mga babae maliban na lang sa akin sabi kasi ni mommy huli daw akong aayosan at kailangan aangat daw yung kagandahan ko mamaya sa lahat ng bisita. Kagandahan talaga ba Kath.

At dahil sa sinabi niya mas lalo akong kinabahan at hindi mapakali sa inuupuan ko kanina pa.

Ma'am Kath tara na po aayosan na po namin kayo. Sabi ni JV hair stylist namin kasama niya din ang ibang glam team namin.

Lumapit na ko sa kanila at umupo sa harap ng salamin nagsimula na silang ayusan ako.

Hinayaan ko na lang silang ayusan ako wala akong ibang iniisip kundi ang kabang kanina ko pa  nararamdaman pagkagising ko.

Natapos ang halos isang oras at kinuha na nila ang takip sa salamin para makita ko ang ginawa nila sakin.

Napanganga naman ako sa itsura ko ang fierce ko tignan pero simple lang at the same time.

Wow! Kath ang ganda mo sis! Liza at tuwang tuwa na pinapanood ako sa salamin.

Pinatayo naman ako ni Jv at inayos ni ate kim ang gown na suot ko.

Agad naman akong yinakap ni ate Nadz ng napakahigpit nagtatakang inakap ko rin siya pabalik.

Mamimiss kita bunso. Bulong niya sakin na ipinagtaka ko ulit at ngayon niya na lang ako ulit tinawag na bunso.

Simula kasi nung high school kami hindi niya na ko tinatawag na bunso hindi ko rin alam kung bakit biglang natigil na lang.

Pero namiss ko ring tinatawag niya kong bunso. Hindi kami ganun ka close ni ate pero hindi rin kami magkaaway na dalawa pero minsan hindi maiwasang magkakainisan kami sa isa't isa dahil lang sa maliliit na bagay.

Bumitaw na rin siya sa yakap ng may kumatok sa pinto at punasok si mommy at daddy.

Pumasok silang dalawa kasama ang magulang ni Liza at yumakap naman ang mga magulang ni Liza sa kanya lumapit naman si mommy at daddy sakin at inakap din nila ako.

Naluluha pa si mommy ng humiwalay siya sa yakap.

Ma bakit ka naman umiiyak? Kanina si ate Nadz sabi niya mamimiss niya ko tapos kayo ni dad inakap ako tapos naluluha ka pa. Nagtataka kong tanong sa kanila at tinignan silang tatlo habang naghihintay ng sagot.

Malalaman mo din nak pero sana mapatawad mo kami ha para din naman to sa future niyo. Paliwanag ni mommy at nagpaalam ng umalis sinabihan na rin kami ni daddy na lumabas na.

Kaya lumabas na kami nauna ng lumabas si Liza kasama niya na si Quen.

Pagdating namin sa may venue ng party kailangan pa naming bumaba ng hagdan.

Nauna ng bumaba si Liza habang inaalalayan siya ni Quen pababa ng hagdan at winelcome sila ng emcee at ng mga bisita.

Sunod namang bababa si ate Nadz pero nagtaka ako kasi si Daniel dapat ang partner niya pero si James ang umalalay sa kanya pababa.

Pipigilan ko pa sana sila pero hinablot ni Daniel ang braso ko kaya napaharap ako sa kanya ng wala sa oras.

Wag ka nang magreklamo sabi ng mga magulang namin na kayo yung magiging partner namin. Mahinahon niyang sabi na ikinagulat ko kasi everytime na kinakausap niya ko binabara niya ko o tinataasan niya agad ako ng boses.

O baka kasi nasa party kami at ayaw niyang mapahiya sarili niya at magulang niya kaya hindi niya ko tinataasan ng boses.

Wala na kong nagawa at tumango na lang ng dahan dahan at kumapit sa braso niya.

Pagdating namin sa baba winelcome din kami ng emcee at ng mga guest hinatid ako ni Daniel sa upoan ko bago siya umupo sa upoan niya na katabi ko lang din naman.

Nagspeech si daddy at nagumpisa na ang party.

Pagkatapos kumain ng lahat tinawag kaming anim sa gitna ng dance floor para umpisahan ang sayawan.

Pagkatapos naming sumayaw umakyat na kami ng stage at umupo sa upoang nakahanda para sa aming anim.

Nagpatuloy ang sayawan habang nanunuod lang kami.

Andito naman yung parang lalabas yung puso ko sa dibdib ko ng dahil sa kaba na nararamdaman ko.

Hindi ako mapakali lalo na ng tinawag si mommy at daddy pati na rin si tita Karla at si tito Rommel na magulang ni Daniel. 

Oh my god! Hindi kaya...

***********

To be continue....

Please vote

Share

And

Comment...

Serena xx

What If?Where stories live. Discover now