- 10 -

2.6K 49 2
                                    


Isang buwan na ang nakalipas at wala kaming ibang ginawa kundi asikasuhin ang kasal na magaganap sa susunod na buwan.

Kung dati ay araw araw akong sinusungitan ni Daniel ngayon mas dumagdag pa siguro minuminuto niya na kong sinusungitan pagkatapos ng nangyari sa barkada house isang buwan na ang nakalipas.

Hindi ko naman kasalanan na mangyayari yun kung sana nasa katinuan ako siguro hindi mangyayari yun same goes with him pareho kaming lasing pero ako lahat ang sinisisi niya.

Minsan kinakaya ko na lang ang mga masasakit na salitang binabato niya sa akin kahit na wala naman akong ginagawa sa kanya basta matripan niya lang na magsungit susungitan niya ko ng wagas.

Ngayon andito kaming magbabarkada dahil isusukat daw ang mga gown at suit na gagamitin sa kasal.

Engrande ang kasal na magaganap yun kasi ang gusto ng mga magulang namin dapat daw maging wedding of the year ang kasal kasi anak ng mga Bernardo at Padilla ang ikakasal.

Kalat na din sa buong school ang balita tungkol sa kasal maraming natutuwa marami ding nagalit lalo na ang mga fans ni Daniel kuno pero wala naman silang magagawa ako nga na siyang ikakasal kay Daniel walang magawa sila pa kaya.

After nilang isukat ang gowns nila ay ako naman ang tinawag ng assistant ng mommy ni Liza dito pa rin kami nagpagawa kasi bakit pa kami maghahanap ng ibnag designer eh magaling naman si Tita Jack.

After kung isuot ang wedding gown ko na hindi pa tapos ni tita ay lumabas ako ng fitting room at humarap sa mga kaibigan ko.

Wow sis ang ganda ng gown mo! naeexcite tuloy ako lalo. masayang sabi ni Liza kaya binigyan ko lang siya ng maliit na ngiti.

Nang tignan ko sila isa isa nakita kong malungkot akong tinitignan ni James wala namang emosyong nakatingin si Daniel sa akin si ate naman ay nakangiti rin ganun din si Quen.

Pagkatapos kong magsukat nagbihis na ko ng damit ko at lumabas na lumapit ako agad kay James.

Hayme pwede mo ba kong ihatid sa hideout ko? bulong ko sa kanya para walang may makarinig gusto ko lang talaga mapagisa at makapagisip.

Ganito ang routine ko pagkatapos namin magasikaso ng barkada ng kasal didiretso ako sa tree house namin ni James at magiisip hindi na napagod yung utak ko kakaisip sa mga nangyayari.

Sige kung yan ang gusto mo kuting basta sasamahan kita ha baka maglasing ka naman na ikaw lang magisa baka ano pa mangyari sayo. desidido niyang sabi bago nagpaalam sa iba na mauuna kaming umalis nakita kong nalungkot si ate pero binaliwala ko yun dahil sa gusto ko na rin agad makaalis sa shop ni tita Jack.

Habang nasa byahe ay tahimik lang akong nakamasid sa labas ng bintana ng sasakyan ni James. Pagdating sa tree house ay agad akong bumaba hindi ko na hinintay na pagbuksan pa ko ni James, umakyat ako agad sa tree house at kinuha ang pagkain na naka stock dun at nagumpisang kumain habang nagiisip kung ano ba dapat kong gawin para hindi na magalit si Daniel sakin.

Kung ano ang naging kasalanan ko sa kanya para magbago siya ng ganyan at masira ang pagiging bestfriend namin noon.

Anong iniisip mo kuting? Si Daniel naman ba? mahinahong tanong ni James sa akin.

Tinignan ko lang siya at umiling at bumalik na sa pagkain ko. Ayoko na maglabas ng sama ng loob ko sa kanya kasi paulit ulit na lang ako sa bagay na yan baka mairita pa tung bestfriend kong to.

After ng ilang oras na pamamalagi namin sa tree house inaya ko na siyang umuwi kasi maggagabi na rin.

Hindi naman matagal ang byahe pauwi namin ng bahay kasi malapit lang naman sa bahay namin ang tree house.

Nadatnan ko sa bahay ang mga magulang namin ni Daniel na naguusap kasama si ate at Daniel na masayang naguusap sa gilid ng magulang namin ni ate Nadz.

Napaisip ako matagal ko ng hindi nakikita ang mga ngiti at tawa ni Daniel kay ate niya lang napapalabas ang mga ganyang tawa at ngiti.

Nalungkot naman ako sa naisip ko kaya bahagya akong napayuko at kinalikot ang mga daliri ko napaangat lang ako ng tingin ng bumulong si James sakin na aalis na daw siya.

Uuwi na ko Kath may paguusapan ata kayong importante. paalam niya at tumango lang ako lumapit siya sa tito at tita niya na magulang ni Daniel at lumapit din siya sa mga magulang ko para makapagpaalam huli niyang nilapitan si ate at nagbeso nakita ko naman na namula ang magkabilang pisnge ni ate habang nandilim naman ang paningin ni Daniel kay James.

Naramdaman kong may kumirot sa bandang kanan ng dibdib ko hindi ko pinansin yun at nagpaalam na aakyat muna ko para makapagbihis pumayag naman sila mommy kaya dali dali akong umakyat at pagpasok ko sa loob ng kwarto ko dun na nagsilabasan ang mga luha ko.

Diba  sabi mo Kath hindi ka na aasa na magbabago yung pakikitungo ni Daniel sayo bakit ngayon apektado ka tapos may iyak iyak ka pa na nalalaman. Sermon ko sa sarili ko at tuluyan ng nagbihis baka mapagalitan ako nila daddy na matagal ako.

Ayaw pa naman nilang pinagiintay ang bisita. Pagkatapos kong magbihis bumaba ako ng hagdan at tumabi kay moomy dahil yun na lang ang bakanteng upoan.

Nakikinig lang ako ng usapan nila ng bigla akong nakaramdam ng matinding sakit ng ulo, nahihilo ako kaya napahawak ako sa ulo ko at napansin naman yun ni ate.

Kath? Okay ka lang ba? nagaalalang tanong ni ate sa akin.

Tinignan ko siya at tumango ng bahagya.

Ma, Pa, Dad, Mom aakyat lang po ako napagod po kasi ako kanina. pagpaalam ko at pumayag naman sila. Gusto nila tita Karla at tito Rommel na  mama at papa na ang itawag ko sa kanila kasi ikakasal naman na daw kami ni Daniel at magiging daughter-in-law naman daw nila ako kaya wala akong choice kundi tawagin sila ng ganun.

Dahan dahan akong umakyat ng hagdan patungo sa kwarto ko pagdating ko sa kwarto ko agad ako dumiretso sa Cr at naghilamos at tinignan yung sarili ko sa salamin sa harap ko.

Lungkot. Yan na naman ang makikita sa mga mata ko na pilit kong tinatago sa likod ng mga ngiti ko pag nasa labas ako at may ibang taong makakakita sakin.

Lumabas ako ng banyo at agad na humiga sa kama ko para makapagpahinga, kahit sandali lang gusto ko ng katahimikan sa paligid ko. Hindi ko namalayan at nakatulog na rin ako.


********

Please Vote

Share

And Comment Guys..

Thank you!

Serena xx,

What If?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon