36

2.3K 37 0
                                    


Maaga kaming nagising ni Harry dahil maaga kaming aalis papuntang Batangas.

Pinasundo na rin namin ang barkada kay mang Martin para dito na kami magaalmusal.

Nagluluto ako ng pang breakfast namin ng biglang may yumakap mula sa likuran ko.

Hindi ko na kailangan pang lingunin kung sino yun dahil amoy pa lang kilalang kilala ko na.

Good morning baby. Bati niya sabay halik sa leeg ko.

Good morning babe. How's your sleep? Balik bati ko rin sa kanya at binigyan siya ng peck sa labi niya.

Amazing because I'm sleeping beside you. Sagot niya na nagpangiti sa akin.

Nilagay ko na ang hotdog sa plato at sinalang naman ang bacon. Binigay ko kay Harry ang platong may lamang hotdog at nilagay niya naman agad yun sa dining table at bumalik sa pagkakaakap sa likuran ko.

Babe I'm cooking for our breakfast stop doing that. Suway ko sa kanya kasi hinahalik halikan niya yung leeg ko.

You can be my breakfast babe. Bulong niya sa tenga ko na naging dahilan para tumayo ang balahibo ko sa katawan.

Ehem! Ehem! Ang aga aga pero ang lalandi! Sabi ng taong kakapasok lang ng kusina at ng nilingon namin yun ay nakita namin ang barkada kaya ngumiti na lang ako sa kanila dahil ang awkward.

Haynaku! Umupo ka nga dito Harry at pwede ba tantanan niyo muna yang kalandian niyong dalawa. Sabi ni Liza at hinatak si Harry palayo sa akin at pwersahang inupo sa may dining natatawa naman ang ibang kaibigan namin sa ginawa ni Liza.

Magpoprotesta pa sana si Harry pero tinaas ni Liza ang kamay niya sa harap ng boyfriend ko kaya umupo na lang ito ng maayos at napapakamot pa sa batok niya.

Breakfast is ready guys lets eat na. Sabi ko sa kanila at umupo na sa upoan ko katabi si Harry sa kabila ko naman si Daniel.

Nagumpisa na kaming kumain at habang kumakain kami naguusap kami ng mga activity na pwede naming gawin pagdating namin sa canyon cove residential beach resort.

At mas lalo kaming naeexcite dahil sa mga naiisip naming mga activities.

Pagkatapos namin kumain nagpaalam na muna ako sa kanila na maliligo kasi ako na lang ang hindi pa nakakaready kaya dali dali akong umakyat sa kwarto ko at naligo.

*******

Let's go guys? Sabi ko sa kkanila pagkababa ko nakita ko kasi sipang naghahantay sa may sala.

Sabay sabay naman silang tumayo at agad na hinapit ni Harry ang bewang ko para mapalapit ako sa kanya nakita ko namang napairap si Liza dahil sa ginawa ni Harry kaya natawa ako.

What? Tanong niya kaya napatingin ako sa kanya.

Nothing. Lets go. Sabi ko at inakay na siya. Isasama namin si Mang Martin para may magdadrive para sa amin papuntang Batangas at pa uwi dito sa Manila.

Nagumpisa na kaming magsi sakay sa van nasa front seat si James habang nasa likod naman si Quen at Liza nasa likod nila si Nadine tapos Ako at si Harry at magisa si Daniel sa pinaka likod.

Nilingon ko siya at nakita kong may suot siyang ear pods at shades kaya binalik ko na lang yung tingin ko sa harap hindi ko kasi alam kung natutulog siya o hindi eh.

What If?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon