41

2.5K 37 2
                                    


6 months after...

Buenos dias doctor.( Good morning  doctor) Bati ko sa doctor ko pagkapasok ko ng clinic niya.

Tamar una sentada Ms. Bernardo. ( take a sit Ms. Bernardo) sabi niya at dahan dahan naman akong umupo sa upoan na nasa harapan ng mesa niya.

Cómo estás hoy y el bebé Kath? (How are you for today and the baby Kath?) napangiti naman ako sa tanong niya at dahan dahang hinaplos ang anim na buwan kong tyan.

Estoy muy bien y el bebé está bien, solo comi alimentos saludables para los dos. ( I'm fine doc and the baby is fine I only ate healthy food for the both of us.) Sabi ko sa kanya at tumango tango naman siya at binigyan ako ng ngiti.

Bueno, eso es bueno para escuchar.  Asi que vamos a entrar para poder controlar a tu bebè. (Well that's good to hear. So let's go inside so I can check your baby.) sabi niya kaya dahan dahan akong tumayo sa inuupoan ko at sumunod sa kanya sa loob ng ultrasound room.

Binigyan niya ko ng patient's gown na agad ko naman kinuha at pumasok sa loob ng cr para makapagbihis.

Paglabas ko pumunta na ka agad ako sa ultrasound bed para macheck na ni doc si baby. Hanggang ngayon hindi ko pa alam kung ano ang gender ng anak ko kasi magaling siyang tumago.

Kagaya ng nanay niya magaling sa takbuhan sa problema at magtago sa lahat ng taong walang lam kundi ang magmahal at mapabuti siya.

Napabuntong hininga naman ako sa naisip ko kaya napatingin si doc sa kin binigyan ko naman siya ng ngiti kaya pinagpatuloy niya na ang ginagawa niya.

So Kath are you ready to hear the heartbeat of your baby? Tanong ni doc kaya na excite ako ng marinig ko yun.

Finally you speak english doc. Sabi ko sa kanya dahilan para matawa siya.  Marunong naman talaga siya mag english sinusubukan niya lang kung marunong na talaga ako mag spanish. Of course I'm ready. Dugtong ko pa sa kanya at hindi rin nagtagal ay narinig ko na ang heartbeat ng anak ko.

Mangiyak ngiyak ako habang nakatingim sa monitor kung saan kita ko yung anak ko at naririnig ko yung heartbeat niya.

Ganito pala ang pakiramdam pagbinubuntis mo yung anak mo.  Na makikita mo yung mukha niya sa monitor kahit na hindi mo pa matukoy kung kanino niya namana yung mukha niya. Yung maririnig mo yung heartbeat niya kahit nasa sinapupunan ko pa lang siya.

Ngayon naranasan ko na ang feeling ng magbuntis na ipinagkait sa akin noon.  Masaya ako dahil sa wakas magkakaanak na ako. Parang nung unang beses kong nalaman na buntis ako, hindi mapaglagyan yung kasiyahan na naramdaman ko ng time na yun.

Tuwa, kagalakan at lungkot dahil hindi alam ng ama niya na nageexist siya sa mundong to. At hindi niya man lang mararanasan yung nararanasan kong kasiyahan ngayon, pero sinisigurado kong sa pagbabalik ko ay sasabihin ko sa kanya lahat ng to.

So far Kath your healthy the baby is healthy. Continue taking the vitamins I prescribed to you last month. And if there's a problem don't hesitate to call me,  alright? Sabi niya pagkalabas namin ng ultrasound room at inabot sa akin ang bagong kuha ng sonogram ng anak ko.

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
What If?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon