- 30 -

2.3K 30 10
                                    


Saturday ngayon at papunta kami ni Harry sa bahay ng mama niyang si Anne para bisitahin dahil namimiss niya daw ang anak niya.

Nameet ko na si Anne nung unang buwan na naging boyfriend ko si Harry at sobrang bait ng mama niya pati na rin si Gemma yung ate niya.

Masaya silang kasama lalo na si Harry at Gemma akala mo mga bata parin sila pag nagaasaran pinapabayaan lang din naman sila ni Anne kasi sanay na siya sa dalawa kapag nagaasaran.

Papatigilin niya lang yung dalawa pag may nabasag na yung isa o kapag kailangan na talagang magseryoso.

Natakot pa ko ng una kong nakita si Anne at Gemma kasi unang tingin mo pa lang sa kanila mga mukha sophisticated na dahil sa pananamit ng mga to at sa paguugali pero pag nakasanayan mo silang kasama mawawala na yung kaba factor mo sa kanila kasi hindi mo aakalaing mga masasaya silang tao.

Ang gusto lang naman daw nila ay maging masaya si Harry at hindi na ito masaktan ulit kasi marami ng naging relasyon si Harry pero parating naiiwan siya sa huli.

Sabi ko pa noon hindi ko sasadyaing sasaktan si Harry kung masasaktan ko man siya siguro ng hindi ko na namalayan kasi ganun naman talaga sa love diba nasasaktan mo na pala yung taong mahal mo ng hindi mo alam.

Malayo ang byahe mula sa London papuntang Holmes Chapel kaya naisipan muna namin ni Harry na dumaan sa convenience store papunta sa bahay ng mama niya para may makain kami sa daan.

Buong byahe wala kaming ginawa ni Harry kundi kumain, magkwentohan at magtawanan basta kasama ko si Harry, parati lang masaya kung meron man minsan na hindi kami nagkikiboan eh dahil sa mood swing ko o hindi maganda ang gising ng boyfriend ko.

Pag may mood swing ako hindi niya ko kakausapin niyan kasi alam niyang matatarayan ko lang siya kaya ang ginagawa niya pupunta siyang grocery bibili ng maraming chitchirya at chocolates pati na rin ice cream tapos e hahanda niya ang sala para makapag movie marathon kami. Ganyan niya ko ka kabisado kaya ang swerte swerte ko na siya yung naging boyfriend ko.

Pag siya naman ang wala sa mood pagkagising niya lulutoan ko siya ng paborito niyang pancakes tapos lalambingin ko siya buong maghapon kaya minsan hindi pa naabutan ng tanghali ay good mood na si kulot.

Hindi namin namalayan ang oras dahil sa masaya naming kwentohang dalawa kaya nakarating kami agad sa bahay ng mama ni Harry.

Pinatay na Harry ang makina ng sasakyan at pumunta sa side ng pintoan ko at pinagbuksan ako ng pinto, hinintay ko naman siya sa tapat ng pinto ng bahay ng mama niya habang kinukuha niya ang isang maleta at duffle bag na dala namin kasi napagisipan naming magstay muna dito kahit dalawang araw lang para makasama at makapagbonding si Harry kasama ang mama at ate niya bago kami umalis papuntang Pilipinas.

Pagdating ni Harry nag doorbell na siya at agad naman bumungad sa harap namin si Anne at Gemma na may malalaking ngiti sa kanilang labi kaya napangiti din kami ni Harry sa kanila.

Come in, come in. Sabi ni Anne kaya pumasok kami ni Harry at agad naman siyang inakap ng mama niya nakipag beso naman ako kay Gemma nakita ko pang binigyan ni Anne si Harry ng maraming halik sa mukha na dahilan para matawa si Harry pati kaming dalawa ni Gemma.

Pagkatapos lambingin ni Anne si Harry inakap niya naman ako at nakipagbeso.

So, how are you Kath? Tanong ni Anne na nakangiti.

I'm perfectly fine Anne. How are you and Gemma? Tanong ko sa kanilang dalawa at pinagsalitan ko yung tingin ko sa kanilang dalawa ni Anne at Gemma.

I'm fine, we're fine sweetie. How long are you gonna stay here baby? Baling naman ni Anne kay Harry habang naglalakad na kami papuntang dining table nila.

We're just staying here for two days ma and please stop calling me baby your embarrassing me infront of my girlfriend. Sabi niya na ikinatawa naming tatlo dahil yamot na yamot talaga yung mukha niya.

Just for two days? Tanong naman ni Gemma at tinignan kami ni Harry.

Yes two days because we're going to Philippines on tuesday. Paliwanag naman ni Harry sa kanila.

Why are you going to Philippines Haz? Tanong ulit ni Gemma.

Because dad already approve my project and I'm thinking to do the project in Philippines. Paliwanag ulit ni Harry na naglagay naman ng mga malalapad na ngiti sa mga labi nila at tumayo pa para yakapin si Harry at batiin ng congratulations.

After namin kumain ng lunch inakyat na ni Harry ang gamit namin sa kwarto niya tumulong naman ako kay Gemma at Anne sa paglilinis ng pinagkainan ayaw pa sana nila ako patulongin pero kasi naginsist ako nakakahiya naman kasi na hindi tumulong baka ano pa masabi nila tungkol sa akin at ayaw ko ng may maling isipin ang pamilya ni Harry sa akin.

Pagkatapos naming maglinis ng hapag pumunta kaming lahat sa sala at nakita naming nakahanda na ang wine at scrabble sa centwr table nila Anne napagisipan kasi namin actually nilang tatlo na maglaro ng scrabble kaya eto kami maglalaro.

Nagumpisa na kami maglaro at masasabi kong ang galing nilang tatlo lalong lao na si Anne pumapangalawa naman si Harry sunod si Gemma ako lang ata kulelat sa kanilang tatlo dito pano ba naman ang tataas ng score nila tapos ang hahaba ng mga nilalagay nilang words habang ako hanggang limang letra lang pinakahabang nalalagay ko.

Pagkatapos naming maglaro at si Anne ang nanalo napagisipan namin ni Harry na maglibot libot dito sa town na kinalakihan niya pumunta pa kaming park at nagpahangin marami kaming nakitang batang naglalaro sa park pati pamilyang nagpipicnic.

Tumayo ako at pumunta malapit sa lagoon na nandito sumama naman si Harry at nagkwentohan lang kaming dalawa.

Are you really sure you want me to come with you babe? Nagaalinlangan kong tanong sa kanya habang diretsong nakatingin lang sa harap ko ayokong makita yung reaksyon niya.

Of course babe I want you beside me during my success with this project. Sabi niya kaya napangiti ako sa tinuran niya.

Okay but.. Sabi ko at napabuntong hininga bago tumingin sa kanya. But what babe? Sabi niya at naghintay ng idudugtong ko.

But what if I saw them specially Daniel and Nadine? Sabi ko na puno ng pagaalala kaya lumapit siya agad sa akin at inakap ako ng mahigpit.

Then just ignore them I know you're not yet ready for their apology and you can't hide from them forever babe. Sabj niya at napatango na lang ako. Tama naman siya kahit gusto ko silang patawarin hindi ko pa kaya lalo na at sila ang dahilan kung bakit nawala yung anak ko.

At hindi madali yun kasi anak ko yun at kahit hindi pa siya lumalabas sa mundongto minahal ko na siya ng sobra at hanggang ngayon na wala na siya mahal ko pa rin siya dahil anak ko siya at kahit hindi ko naranasan ang maging isang ina parang nanay pa rin ang turing ko sa sarili ko kahit wala na ang baby ko.

Pagkatapos namin magusap bumalik na kami sa bahay nila at sumama kay Anne at Gemma na nagmomovie marathon sa entertainment room nila dito sa bahay nila Harry.

Naging masaya ang buong araw naming apat napuno ng kwentohan at tawanan ang araw ko, namin kaya pagdating ng gabi nagdinner lang kami at agdagad na natulog dahil na pagod kami sa pinag gagawa namin.

**************

Hello hello hello guys! I'm back! Hahaha.. Sorry kung nagyon lang ako nakapagupdate kasi nagkasakit ako at sumasakit pa yung ulo ko hanggang ngayon pero kasi nakaabot na ng 1.1k reads ang story ko kaya nainspire ako at nagupdate.

Enjoy reding guys and please continue supporting my story. Lovelots! Mwaa!

Don't forget to

Vote

Comment

And

Share

Thank you guys ng paulit ulit!

Serena,

What If?Donde viven las historias. Descúbrelo ahora