- 11 -

2.4K 50 3
                                    


Dumating na yung araw na kinakatakutan ko, ang simula ng bangungot ko na dadalhin ko habang buhay. Ang kasal namin ni Daniel.

Naalala ko dalawang araw bago gaganapin ang kasal naglalakad ako sa hallway ng school ng biglang may humigit sa akin papuntang maintenance room nagulat ako pero hindi na ko nagpumiglas kasi nakilala ko agad ang amoy ng taong humigit sa akin.

Pagdating namin sa maintenance room ay tinulak niya ko agad kaya napadaing ako sa sakit ng tumama ang likod ko sa pinto pero hindi ko pinahalata yun sa kanya kasi ikatutuwa niya pag nakita niyang nasasaktan ako ng dahil sa kanya.

Tinignan niya ko ng matalim at diretso sa mata bago niya sabihin ang mga katagang tumatak sa isipan ko at siguro hanggang sa tumanda ako ay maaalala ko pa rin.

Ito lang tatandaan mo Kath simula sa araw ng kasal natin sisiguraduhin kong magdudusa ka, I will make your life a living hell for ruining mine! madiin niyang sabi na dahilan ng pagtulo ng mga luhang hindi ko na kaya pang pigilan.

Ng makita niyang naiyak ako dahil sa sinabi niya ay napangisi siya at tinalikuran ako diretso labas ng maintenance room.

Lutang ako buong klase ng araw na yun tinanong ako ng barkada kung ano ba daw problema ko pero umiling lang ako, wala akong balak sabihin sa kanila ang sinabi ni Daniel sa akin nung araw na yun.

Okay na kami lang ang hindi magkasundo ayoko ng madamay pa ang barkada ng dahil lang sa away naming dalawa.

Naglalakad ako papalapit sa kanya at hindi ko mapigilang hindi maiyak habang papalapit ako kay Daniel nakikita ko na yung sinasabi niya pagpapahirap niya sa akin. Pinapanood niya kong maglakad papalapit sa kanya ng walang kahit anong emosyon sa kanyang mga mata.

Pagdating namin sa harap ni Daniel ay nakipag beso ako kay mommy at daddy pati na rin kay mama at papa habang nakipagkamay naman si Daniel kay dadsdy at nakipagbeso kay mommy.

Bago tuluyan ibigay ni daddy ang kamay ko kay Daniel ay tinapik niya muna ito sa balikat. Please take care of my daughter son. bilin ni daddy na sigurado naman akong hindi gagawin ni Daniel.

Tumango lang si Daniel at kinuha ang kamay ko at inalalayan ako papuntang altar bago kami humarap kay father ay bumulong muna siya sa akin.

 I will never take care of you remember that. malamig niyang sabi sakin kaya napaiwas ako ng tingin. Humarap na kami kay father na malapad ang ngiti kaya binigyan ko lang siya ng maliit na ngiti.

Nagsimula ang seremonyas at natapos ng hindi ko lang naman namalayan. Dumiretso kami sa reception ng kasal at marami pang naganap na program bago natapos ang araw ng kasal namin.

Hinatid kami ni mang Mario sa bahay na binigay nila daddy sa amin pagkapasok agad akong umakyat sa taas para makapagpahinga.

Papasok na sana ako sa masters bedroom ng higitin ni Daniel ang braso ko at kkinaladkad papasok ng kwarto namin at tinulak sa may kama.

Pumatong siya sakin at hinalikan ako wala akong magawa dahil napakalakas niya at amoy alak pa siya sinusubukan kong magpumiglas at makiusap pero parang wala lang siyang may naririnig.

Wala akong nagawa kundi ang umiyak hanggang matapos siya sa gusto niyang gawin humiga siya sa tabi ko at agad kong pinulupot ang hubad kong katawan ng kumot.

Narinig kong tumawa siya ng mapait sa ginawa ko kaya mas lalo akong napaiyak. Alam mo Kath wag kang painosente kasi alam ko namang hindi lang ako ang nakagalaw sayo eh. sabi niya sabay tayo at pumasok sa banyo.

Narinig ko na lang ang rumaragasang tubig sa banyo kasabay ng bagong mga luhang kumawala sa mga mata ko.

Pagkatapos kong umiyak ay dahan dahan akong tumayo, pumasok ako ng walk in closet namin para makapagbihis.

Kahapon pa nandito ang ibang damit ko at ni Daniel ang iba mga bagong pinabili ni mama at mommy. 

Pagkatapos kong magbihis ang siya namang pagpasok ni Daniel sa closet. Umiwas ako ng tingin ng tignan niya ko mula ulo hanggang paa.

Dali dali akong pumunta ng kama at tinalukbong ang kumot sa buong katawan ko naramdaman kong umupo siya sa dulo ng kama pero hindi ko siya nilingon man lang.

Narinig kong napabuntong hininga siya at agad na tumayo narinig ko na lang ang pagsarado ng pinto ng kwarto.

Pakiramdam ko parang binababoy ako sa ginawa niya hindi ko aakalaing magagawa niya yun. Hindi ko mawari na ganon siya ka galit sakin na umabot pa sa ganong sitwasyon.

Ito na nga siguro ang sinasabi niyang pagpapahirap niya sa akin at alam kong hindi lang yun ang pwede niyang gawin alam kong may mga susunod pa na mas ikakasakit ko.

Hindi ko lang maintindihan bakit siya nagkakaganyan, hindi niya ba alam na hindi lang siya ang nasasaktan, hindi lang siya ang nahihirapan, hindi lang buhay niya ang nasisira.

Napaka unfair niya sana naisip niya lang naman na hindi lang siya ang apektado sa sitwasyon namin, parehas lang naman kaming walang magagawa sa sitawasyon namin kasi pareho lang naman kaming napipilitan sa lahat ng mga nangyayari sa paligid namin lalo pa sa aming dalawa.


**********

Please 

Vote

Share

And

Comment..

Thank you!

Serena xx,

What If?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon