- 21 -

2.6K 50 7
                                    

JAMES

Pagbukas ko ng pinto ng bahay nila kuting nagulat ako kasi sobrang kalat kaya di ko mapigilan ang pagtaas ng boses ko.

Anong nangyari dito?!! Sabi ko at nakuha ko naman ang atensyon nila dali dali namang pumasok sila Liza Quen at Harry.

Ohmygod! James si Kathryn sigaw ni Liza kaya napatingin ako kay Kath at nakita ko siyang nahimatay kaya dali dali akong pumunta sa kung saan siya nakahandusay naliligo sa sarili niyang dugo kaya dali dali ko siyang binuhat.

Agad namang tumakbo si Harry sa labas ng sasakyan para paandarin ito bago ko kami lumabas nilingon ko muna si Daniel.

Pagmay mangyaring masama kay Kath I swear Daniel babalikan kitang gago ka! Madiin kong sabi sa kanya bago lumabas ng bahay nila Kath ng patakbo.

Agad namang pinaharurot ni Harry ang sasakyan papuntang hospital.

Sa Manuel-Bernardo Doctor's Hospital tayo bro sabi ko sa kanya para alam kong aasikasohin talaga nila ng mabuti si Kath dahil anak ng may ari.

Pagdating namin ng emergency binigyan kami agad ng stretcher at sinugod na sa loob ng operating room si Kath pinigilan naman kami ng nurse pumasok ng nagpumilit kami ni Liza na sumama sa loob.

Wala na kaming nagawa kundi ang maghintay sa labas hindi nagtagal dumating si Daniel kasama si Nadine.

Agad ko siyang kinuwelyohan at sinandal sa pader nakita kong napangiwi siya sa ginawa ko pero wala akong pakialam kung nasaktan siya mas malala pa dyan ang naidulot niyang sakit kay Kath.

What the f*ck did you do you bastard?! Singhal ko sa kanya at diniin pagkakahawak ko sa kwelyo niya.

Hindi siya sumagot at patuloy lang na umaagos ang mga luha sa mata niya.

Hindi ko sinasadya paulit ulit niya sabi at nauutal pa dahil sa kakaiyak niya, binitiwan ko na lang siya at agad siyang napaupo sa sahig.

Hindi ako nagparaya Daniel ng pagmamahal ko kay Kath para lang saktan mo siya ng paulit ulit gago ka! Huling sabi ko bago ako umupo sa inuupoan ko kanina.

Ano ba talaga ang nangyari? Naguguluhang tanong ni Liza habang umiiyak sa balikat ni Quen nakatayo naman si Harry sa tabi ko at nakayuko lang.

Nauna kang dumating dun Nadz ano ang nangyari tanong ko sa kanya na ikinagulat niya.

S-sorry sorry yun lang ang sinabi niya ng pauli ulit at umiyak na.

May ginawa din ba siya kay Kath kaya siya humihinge ng tawad pero kung meron nga hindi siya dapat sa amin nags'sorry kay Kath dapat.

Umiling lang ako at napahawak sa noo ko sumasakit ang ulo ko kakaisip kung ano ba talaga ang nangyari at bakit puno ng dugo si Kath.

Halos isang oras na kaming nagiintay dito pero hindi pa din lumalabas ang doktora ni Kath.

Tinawagan na namin ang mga magulang ni Kath at nalaman namin na nasa London sila tito't tita para sa business summit.

Sabi nila bantayan lang daw muna namin si Kath kasi magpapabook pa sila ng flight para sa unang byahe bukas ng umaga. Halata sa boses ni tita at tito ang pagaalala ng tinanong kami kung ano ba talaga ang nangyari wala kaming masagot kasi kahit kami hindi namin alam kung ano talaga ang nangyari.

Lumabas ang doctor ni Kath kaya napatayo at napalapit kami lahat sa kanya kinuha niya ang mask at gloves niya.

Sino si Mr. Padilla? Tanong niya kaya lumapit si Daniel.

I'm sorry to say Mr. Padilla but she lost the baby. Malungkot na sabi ni doktora Hernandez napayuko si Daniel at napahagulgol.

She's pregnant? Gulat na tanong ni Liza.

What If?Where stories live. Discover now