46

2.6K 31 3
                                    

Dalawang buwan na ang nakalipas pagkatapos nung  naging bakasyon namin naging smooth lang lahat lalo na yung pagbubuntis ko.

Nagkakaroon pa rin kami minsan ng hindi pagkakaunawaan ni Daniel pero naayos din naman agad namin.

Hindi namin pinapatapos ang isang araw na hindi kami magkaayos na dalawa dahil yung ang ipinangako namin sa isa't isa.

Magkasama naming haharapin lahat ng problema na dadating sa aming dalawa at sa magiging pamilya namin.

Pagkababa ko ng hagdan nagtaka ako kasi wala akong isang tao na nakita baka nasa dining at kumakain kaya agad akong pumunta doon pero wala din akong nadatnan ni isa sa kanila dun.

Asan na kaya sila?  Asan na kaya si Daniel? 

Tanong ko sa isip ko.  Pumunta akong ref para kumuha ng gatas at may nakita akong note na nakadikit sa ref namin.

Good morning love, breakfast is ready for you mahal ko. Kumain ka na at maligo may pinuntahan lang ako saglit. I love you mommy love ko.

Your one and only love,
Daniel

Napangiti naman ako sa nabasa ko at agad na tinungo ang dining table at nakita ko nga doon ang breakfast na ginawa niya para sa amin ni baby.

Pagkatapos kong kumain umakyat ako ng kwarto namin at agad na pumasok ng banyo may nakita ulit akong letter na nakadikit sa salamin kaya kinuha ko yun at binasa ang nakalagay.

Hi love,

Pagkatapos mong maligo may nakaready ng damit para sayo sa walk-in-closet natin yun ang susuotin mo. Siguradong ang ganda ganda mo dun ako yata pumili ng damit love. See you later my queen. I love you!


Mas lumapad ang ngiti ko sa nabasa ko sa sulat niya. Kaya excited akong pumasok ng shower room at nagumpisang maligo.

***

Pababa na ko ng makita ko si James na nakaabang sa ilalim ng hagdan habang may malapad na ngiti kaya di ko mapigilang hindi din mapangiti.

Hindi ko alam pero naeexcite ako na kinakabahan din at the same time.

Hindi ko alam kung ano tung pakhlong ginagawa no Daniel pero pasasalamatan ko siya mamaya dahil sobra sobra yung kasiyahan na nararamdaman ko ngayon.

Umakyat si James sa gawi ko at nilahad ang kamay niya para ma alalayan niya ko pababa ng hagdan.

James alam mo ba kung nasan si Daniel? At para sa ano to?  Sunod sunod kong tanong sa kanya pero hindi niya ko sinagot at binigyan lang ng matamis na ngiti at patuloy na inalalayan.

Ano ba yan hindi mo lang naman ako sinagot hayme!  Pagmamaktol ko kaya natawa siya.

Kuting hindi ko pwedeng sabihin sayo kasi magagalit yung pinsan ko kaya makisakay ka na lang pwede?   Sabk niya kaya napanguso ako na ikinatawa niya lang.

Nagpatuloy kaming lumakad hanggang sa makalabas kami sa may labas ng bahay. Binitawan ni James ang kamay ko at paglingon ko sa kanya naglalakd na siya palayo sa akin.

Hoy Hayme! Ano gagawin ko dito?!  Sigaw ko sa kanya dahil malayo na siya sa akin.

Just wait there kuting! Pabalik niyang sigaw kaya napapadyak ako ng paa na ikinatawa niya naman.

What If?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon