- 14 -

2.6K 40 1
                                    


 Tatlong araw...

Tatlong araw na ako lang magisang lumalakad sa hallway ng school napapansin ko ngang nagtataka ang mga students kung bakit magisa lang ako sa loob ng tatlong araw pero ngayon parang alam na nila kung bakit ako magisa.

Magbulongan ba naman pero rinig na rinig ko pa rin naman. Nagbulongan pa kayo. Hindi ko na lang sila pinansin at dire-diretsong naglakad papuntang klase ko. Mas lalo lang ako nagagalit kay Daniel pag papakinggan ko pa yung mga chismosa sa labas.

Umupo ako sa upoan ko at dumukdok sa mesa ko. Naramdaman ko namang may umupo sa tabi ko pero hindi ko pinansin kung sino yun, hindi nagtagal at pumasok na si prof Garcia at nagsimulang magturo pero hindi ko yun binigyan pansin kasi wala namang pumapasok sa utak ko.

Maya maya pa at naramdaman ko ang pagtapik ng katabi ko sa akin kaya dahan dahan kong inangat ang ulo ko sa taong kumukuha ng atensyon ko.

 Pagangat ko ng ulo ko nakita ko ang gwapong lalake na ngayon ko lang nakita dito sa school. Ahm, Hi! sabi niya at napakamot pa siya sa batok niya na parang nahihiya.

Ang cute niya naman. Haha. Ano yun? tanong ko agad sa kanya.

Sorry if I disturbed you from your nap. paghinge niya ng tawad at hinintay ko lang siya sa susunod niya na sasabihin. Can I borrow a pen I lost mine. Dugtong niya at ngumiti pa. Shet! mga besh ang gwapo ng ngiti makalaglag panty este panga pala at literal talaga na laglag ang panga ko.

Sure sure wait kukunin ko lang. sabi ko at binuksan ang bag ko para kunin ang extrang ballpen ko. Nang makita ko na ang ballpen ko ay humarap agad ako sa kanya para mabigay yung ballpen na hinihiram niya.

Here and I'm Kathryn, Kath for short. Sabi ko at nilahad ang kamay ko para makipagkamay sa kanya.

Oh sorry I forgot to introduce myself anyway I'm Harry, Harold Styles. pagpapakilala niya at tinaggap na yung kamay ko.

Transferee ka ba dito? tanong ko sa kanya nawala yung pagkatamad ko sa araw na to ng dahil sa kanya might as well get to know him. Chos napapaenglish ako ah. Noseblood to panigurado. haha. Dejoke lang. Marunong naman ako magenglish eh.

Sorry what? sabi niya kaya inulit ko yung tanong ko busy kasi siya kakasulat ng nasa white board sa harap. Sipag naman neto magcopy ng sinusulat ni prof.

Sabi ko transferee ka ba dito? ako

Sorry, sorry, yes I'm a transferee here I came from London. sabi niya at bumalik na sa pagsusulat.

 Oh, mapapasabak talaga ako sa english neto ah. Sana marunong siyang magtagalog o kahit nakakaintindi lang  siya ng tagalog hindi ako parati na sa mood para magenglisg. Ay bakit Kath araw araw ba kayo magkakasama? Sabi ng isipan kong baliw. Haha.

Ahm, Do you perhaps know how to speak Filipino language? tanong ko sa kanya.

No but I can understand a little of your language my nanny in London is a filipina she taught me a little of tagalog back then. Paliwanag niya gusto ko sana matawa sa pagsabi niya ng tagalog kaya lang naisip ko na baka maoffend siya transferee pa naman siya dapat winiwelcome ang mga transferee hindi binubully.

Bully agad Kath? wow ha. Haha. Pano ba naman kasi ang pagkasabi niya ng taygaylowg may british accent. Haha.

Imbis na tumawa ngumiti na lang ako sa kanya napansin niya naman yung pagngiti ko kaya napangiti din siya. Shet ang gwapo talaga! Buset!

Pagdating ng break namin nakiusap si Harry na kung pwede daw ba siya sumama sa akin kasi wala siyang ka kilala pa dito. Huli na rin siya na introduce ni prof Garcia kanina sa klase namin.

What If?Where stories live. Discover now