Chapter 2: Bully Queen

6.5K 159 8
                                    

👻👻

Pagbaba ko, nakita ko si Lola sa may Lababo at naghuhugas ng kamay. Agad naman siyang umupo doon at tinignan ako.




"Tara na kumain na tayo" aya saakin ni Lola habang naglalagay ng spoons sa mga plato namin.





Agad naman akong umupo sa may harapan niya para simulang kumain. Pero bago yan, mag pepray muna kami kasi yun yung rules dito sa bahay.




Pray before you do something.




Hindi pwede kay lola ang walang pray. Kaya nagsimula na nga kaming magpray, pagkatapos ay sinimulan na naming kumain.





Nasa kalagitnaan na kami ng pagkain ng biglang nagsalita si lola.





"Matulog ka ng maaga ha? May pasok ka pa bukas. Huwag puro gadgets" paalala saakin ni lola.





"Opo La." Responde ko naman sakanya.





Patapos na rin tong kinakain ko kaya binilisan ko na. Nakita ko namang tumayo na si Lola, tapos na sigurong kumain kaya tumayo na rin ako.






Nang matapos na kaming kumain nag ayos na kami ng kusina at naghugas na si Lola ng pinagkainan namin. Ako naman, dumako sa sala para pababain ang kinain ko. Naalala ko naman yong gitarang kinuha ko mula sa kwarto kaya agad ko itong kinuha at tumugtog.




Habang tumutugtog ako, tumunog ang phone ko. Agad ko naman itong tinignan at si Xander pala nag text. Siya yong apo ni Lola na nagturo saakin mag gitara. Gabi gabi yan kung magtext saakin, kinakamusta kaming dalawa ni lola.





From Sandeng: Nerding! Kamusta?




Nerding tawag niya saakin. At Sandeng ang tawag ko sakanya. Ewan ko pero yun yong gusto niyang tawagan daw namin.




To Sandeng: ayos lang naman. Katatapos lang naming kumain ni Lola.




Sagot ko naman. Ilang sigundo pa ay nagreply ulit siya.




From Sandeng: Ah ganun ba. Maski kami katatapos lang din ano gawa u?





To Sandeng: nag Gigitara lang. Si lola nasa kusina.





From Sandeng: Naks! Marunong kana niyan ah. Sa susunod dalawa na tayo ang tutugtog.





To Sandeng: haha. Sige ba. Bukas na lang ulit inaantok na ako.






From Sandeng: Geh. Goodnight nerding.




Hindi na ako nagreply at tumayo na ako upang tumungo sa kusina kung nasaan si lola.




"La. Akyat na po akong kwarto" paalam ko kay lola na patapos na yata sa paghuhugas.





Show Me Your Soul (COMPLETED)Where stories live. Discover now