Chapter 41 - Result

2.3K 32 1
                                    

👻👻

Itinulak ako ng malakas ni Betty. Siguro nagsawa na siya sa pagsabunot saakin. Bigla na lang may bumato sa ulo dahilan para uminda ako sa sakit, "ouch." Halos pabulong kong tugon. Hanggang sa sunod sunod na ang pagbato nila saakin ng isang bagay.

Tumigil sila at nagsi alisan na parang walang nangyari. Akala ko tinigilan na nila ako dahil ilang buwan din nila akong hindi pinansin at binully. Tapos bigla bigla silang susulpot at pagbibintangan ako sa bagay na hindi ko naman ginawa. Madami na akong iniisip na bagay at sumasakit na ang ulo ko dahil sa mga bagay na yun. Tapos dadagdag pa sila?!


Hindi ko na ito papalampasin!




Pinilit kong tumayo at nang makatayo ako ay nagsalita na ako, "YUN LANG BA ANG KAYA NIYO?!" buong lakas kong sigaw dahilan para mapatigil sila sa paglalakad at lumingon saakin. Kay betty lang ang tingin ko, ayokong alisin ang tingin sakanya. Halata ang gulat sa mga mukha nila.

"Yun lang ba? YUN LANG BA?!" Sabi ko sakanila at nilibot ang paningin sa mga studyanteng andito. Halatang natatakot sila dahil sa yung iba napapa atras pa at gulat na gulat ang mukha.

"Ano Betty! Magsalita ka nga!" Paghahamon ko sakanya. Lumapit naman siya na tirik ang mata. Akmang sasampalin niya ako ng mapigilan ko yun. "Ouch." Inda niya dahil ibinaon ko talaga ang mga kuko ko sa kamay niya.

"Masakit diba? Ganyan din ang naramdaman ko." Madiin kong tugon at nakatitig lang ako sakanya. Binitawan ko iyon na halos mapaupo siya sa sahig. At naglapitan naman ang mga alipores niya para tulungan siyang makatayo.

"Yan lang ba ang kaya niyo?! ANG MANAKIT? MAMBULLY? ANG MAGPALANDI! ANG MAMBINTANG NG HINDI NAMAN KASALANAN?! NG WALANG KASALANAN? OO MAGAGANDA KAYO. BUT THAT'S NOT THE REASON WHY YOU'RE HERE. ANDITO KAYO SA SKWELAHANG ITO PARA MAG ARAL AT MATUTO! HINDI PARA LUMANDI AT MANAKIT NG KAPWA. MABUTI SANA KUNG MATATALINO KAYO! PAGBIBIGYAN KO PA KAYONG SAKTAN AT LAITIN AKO HANGGANG SA MAUBUSAN AKO NG HININGA. PERO HINDI EH! ANG BOBO NIYO NA NGA, ANG KAKAPAL PA NG MGA MUKHA NIYO. DAPAT NGA ANG MGA KATULAD KO ANG GUMAGAWA SA INYO NG BAGAY NA ITO EH. PERO PASENSYA DAHIL MAY MGA PINAG ARALAN KAMI. AT HINDI KAMI KUMAKAPIT LANG SA PERA! AT KUNG SINO MAN ANG GUMAWA NIYAN SAYO. SASALUDUHAN KO SIYA." sabi ko at umalis na doon para umuwi na.



Show Me Your Soul (COMPLETED)Where stories live. Discover now