Chapter 26 - Alone

2.8K 34 1
                                    

👻👻

Cein POV

Mag gagabi na pero andito pa rin kami sa kwarto ko netong damulag na to. Nakatulog kasi siya, ramdam ko ang lungkot niya kanina habang nagko kwento siya. Nawalan siya ng dalawang kaibigan at heto siya ngayon iniiyakan parin niya ang mga nangyari sakanila noon.

Siguro kapag saakin nangyari yun masasaktan din ako. Iiyak din ako kagaya ni JC pero sana naman hindi yun mangyayari sa buhay ko. Ayokong may namamatay na mahal ko, si Lola kahit nirarayuma na yan. Natatakot ako na baka bigla na lang siyang mawala sa tabi ko. Yun yong hinihiling ko tuwing sumasapit ang kaarawan ko, na sana ay panatalihin niyang buhay at malakas si Lola.

Ganun na rin kay Jaycee, ayoko siyang mawala sa buhay ko. Siya yung tumagal na kaibigan ko, siya rin yung laging nandiyan para damayan ako. Kapag din ito nawsla sa buhay ko, ewan ko na lang din kung mabubuhay pako ng matagal pagkatapos nila mawala sa buhay ko.

Sila na lang ang kasama ko, sila na lang ang lubos na nagmamahal saakin. Sana naman hindi sila mawala saakin, hindi ko yata kakayanin yun. Pinagmamasdan ko ngayon si Jaycee habang tulog at nakanganga pa.

Pasukan ka sana ng langaw. Psh

Tumayo na ako at nagtungo ng kusina para magluto ng kakainin namin ni Jaycee.

**

Pagkatapos kong magluto, tinanggal ko na ang apron ko at umakyat akong kwarto para tawagin si Jaycee. Ngunit paglapit ko, nakasara yung pintuan. Hindi ko to sinara kanina kasi aakyat din naman ako dito sa kwarto ko. Nagmadali akong pumasok doon sa kwarto ko, pero laking gulat ko na lang na wala na doon si Jaycee at wala ng tao dito sa kwarto ko.

Maski ang mga kalat sa kwarto ko kanina naayos narin. Inikot ko ang paningin ko sa buong kwarto ko. Sumilip na rin ako sa banyo pero wala na talaga siya. Napatingin naman ako sa bintana ko pero naka lock ito.

Nakapagtataka. Saan naman yun naglakad pauwi, lagot talaga saakin yun. Hindi pa siya nagpaalam na uuwi pala siya. Ang dami ko pa namang niluto.

Napaupo ako sa kama ko ng biglang sumakit ang ulo ko. Pero hanggang doon lang yun, akala ko may mag a appear nanaman na imahe eh. Bumuntong hininga ako at tumayo na pero tila may nahagip ang paningin ko sa may kanan ko at ito ay kumikinang kaya napalingon ako doon.

Nakita ko doon ang bracelet. Yung bracelet na pinag uusapan namin kanina. Nakalapag lang siya sa desk kaya kinuha ko ito, kumikinang siya at halatang nakinisan.


"sipag niya maglinis ng bracelet ah" natugon ko na lang.


Ipinatong ko ulit yung bracelet sa may desk ko nang makita ko rin yung Necklace.

Pati to nilinis niya?

Agad ko itong nakita at binuksan. Napalaki ang mata ko ng makita ko kung sino ang mga batang nasa necklace na yon. Isang batang babae at batang lalaki ang mga andito. Pero kahit na malinaw na ito, hindi ko parin alam kung sino ang mga ito. At kung bakit andito ang mga bagay na ito. Hindi ko kilala ang mga batanag ito kaya kinuha ko na yung box na lalagayanan nila at ibinalik na doon sabay labas ng kwarto ko.

**

Habang kumakain ako, naalala ko si lola na kasabayan ko sa pagkain. Nakakamiss si Lola, ilang buwan na ang lumipas wala parin siya dito sa bahay. Hindi pa rin siya dumadating, siguro kapag alam ko lang ang mag byahe papunta doon kila Xander. Nagawa ko na sana noon pa, tinatawagan ko si Lola pero hindi siya sumasagot at ganun din si Xander.

Iniwan na yata ako nila Lola eh. Nagsawa na ba sila saakin? Nako, sana naman hindi. Ayokong iniiwan ako ng dahil lang sa sawa na sila.


"Lola naman eh! Pinag aalala moko." Umiiyak na sabi ko sa sarili habang may nginunguya pa ako.


Pinatapos ko na agad ang kinakain ko at naglinis akong kusina bago ako pumunta sa may sala.  Pabagsak akong sumalampak sa sofa at kinuha ang remote para buksan yung Tv. Actually, hindi naman ako manonood binuksan ko lang para di ako maboring dito.

Napalingon ako sa right side ko kung saan namamalagi si Lola kapag andito kami sa sala. Napatawa naman ako habang naalala siyang naka upo diyan habang nagtatahe at dumadaldal. Parehas kami ni Lola, bubuksan ang Tv pero hindi naman talaga kami nanonood. Ako nagcecellphone, si Lola nagtatahi lang.

Namimiss ko na talaga si Lola.

Habang nakatingin ako sa may Tv may bigla akong naalala. Next week na pala birthday ni JC, pero thursday yun ibig sabihin may pasok? Pano na yan, may pasok eh susurpresahin ko pa siya. Hindi ko yata magagawan ng bongga ang surprise ko sakanya, wala akong time. Kasi PE day namin yun at 6 ang uwian tapos kapag nakakauwi na ako mga 7 na.

Jusko po, pano na nga ba yun? Basta bahala na masurprise ko lang siya. Tyaka kasa kasama ko naman yun gabi gabi at sa bubungan ang tambayan namin. At oo, doon na nga ang lagi namin ni JC may malaking space kasi sa labas ng bintana ko. At doon kami dumadaan ni JC kapag gusto naming pumunta sa bubungan para mag star gazing.

Hays. Bahala na talaga, matutulog na ako. Sumasakit pa lalo ulo ko neto eh. Goodnyt.

To be continue.....

**

NO EDIT PO MUNA! HEHEZ
Fb: Howlers WP

Show Me Your Soul (COMPLETED)Where stories live. Discover now