Chapter 34 - Tugma

2.5K 33 1
                                    

👻👻

Expected ko ng uuwi ako ngayon galing hospital. Eh sa lagi ba naman ako diyan tuwing nawawalan ako ng malay. Wala naman daw akong sakit, tama nga naman kasi baka pagod lang ako. Baka sakit sa bulsa oo, kasi paubos na pera ko. Bibili pa sana ako ng makakain ko dahil nagugutom na ako. Pinauna ko na kasi si Alec na umuwi. Kakaiya naman sakanya kung magpapalibre pa kong pagkain. Eh siya na nga nagbayad yung bill ko sa hospital.

May natitira pa namang 36 pesos sa bank account ko. Okey na yun, makakarami na akong pagkain nun.

**

Andito na ako sa palengke ngayon patungo akong atm para kunin yung natitirang pera ko dito sa bank acc. Ko. Binigay kasi ito ni Lola saakin, para kapag daw nangyalangan ako. Maglalabas lang ako dito.

Habang inaantay ko ang resulta kung 36 nga ba yung naiiwan kong pera. Nagulat ako dahil.... Dahil..100, 000?! Naglingon lingon ako sa paligid ko at inilapit ko ang mukha ko don sa monitor na iyon. Itinanggal ko pa yong card ko doon at ibinalik din ito pero yun parin tung presyo ng bank account ko.

Shocks?! San galing ang perang ito? Nung lunes ko lang nakita na 36 pesos lang ito. Oo, kasi tinawagan ko pa nun si lola para ipaalam yun. Pero hindi siya sumasagot. Eh magkaka problema ba ako sa time ng pag surprise kay Jaycee kung alam ko na ganto laman ng bank acc ko?!

Dapat nga naka isip na ako ng regalo sa mokong na iyon dati eh. Pero hindi ako makakilos dahil nga sa kinulang ako ng budget. Tapos... Tapos ganito na? Si Lola talaga. Pinpadalhan ako ng hindi ko alam, hindi man lang tumawag ko nag iwan ng message saakin para sana e inform akong kinargahan niya yung bank acc. Ko.

Kumuha ako ng 1,500 for 2 weeks na allowance ko at bibili ako ng mga kailangan kong kagamitan. Lalong-lalo na ang mga pagkain. Kukunin ko sana ang cellphone ko pero wala nga pala dito. Buti na lang andito yung wallet ko.


"Uy" may natawag saakin mula sa likuran ko pagkatapos kong kunanin yung pera ko. Napaharap naman ako sa tumawag saakin.

"Halika nga dito." Nanggigigil na sabi sakanya sabay lapit at pihit ng tenga.


Pero nakapagtataka dahil hindi man lang siya nasaktan at heto siya ngayon. Naka cross arm siya na titig lang sa harapan namin. Bigla ko naman naalala yung sinabi ng manghuhula sa star city. At yung mga nalaman ng isipan ko tungkol sakanya.

Pero hangga't walang ibedensiya. Hindi muna ako kikilos o mag isip ng kung ano ano. Naturingan pa naman akong bestfriend niya tapos pagdududahan ko lang? Ang sama ko naman kapag ganun. Siguro nga baliw lang yung matandang manghuhula na yun.

Hays. Guni guni nga naman.


"Oh? Bat binitawan mo na?" Tanong niya na nagpabalik saakin sa reyalidad.


Sinamaan ko lang siya ng tingin at nauuna ng maglakad. Pupunta akong Mcdo. Nagugutom na kasi ako eh, isang araw at kalahati ba naman akong tulog at walang kain? Jusko. Buti nga di ako namamayat eh.

Jaycee POV

Kain lang ng kain itong nasa harapan ko ngayon. Naka tatlong plato na siya ng Rice. Iba talaga ito kumain parang hindi siya nakain ng ilang buwan. Sabagay, may nangyari nga naman sakanya at tulog siya ng isang araw.

Tapos may balak pa siyang kumain sa Mcdo. Eh ang tipid tipid ng mga pagkain doon. Dinala ko siya dito sa paborito naming mang inasal. Noong bata kami dito kami dinadala ni Mommy eh. At walang pinagbago tong si Shane kapag kumakain dito. Takaw takaw eh. Naka take 3 na rin siya.

Ako tulala lang at pinagmamasdan siyang kumakain. Hindi naman kumakain ang isang kaluluwa diba?

Cein POV

Katatapos ko lang kumain dito sa mang inasal. Grabe pala dito no? Walang pakeelamanan kung matakaw ka kumain. Kasi hindi lang naman ako yung tao doon na kapag kumain eh makaka take 3. Madami pa pala kami. Ganun daw talaga doon. Waaah! Gusto ko ulit kumain dito. Sulit na sulit!


"Dito ako kakain lagi lagi." Sabi ko sa nauunang maglakad na si Jaycee 'the kumag'!


Palabas na kami ng mang inasal na ito. At bigla na lang akong napatigil dahil sa isang bagay na naalala ko bigla.


"Sige, dito---- ka ulit kakain. Promise yan."



Biglang lumakas ang tibok ng puso ko dahil doon. May naalala kasi ako ulit sa mga nagpapakita sa isipan ko. At tugmang tugma ito ngayon.

Hindi kaya....okey! Nevermind. Coincidence lang yon Cein!


To be continue.....

**

NO EDIT PO MUNA! HEHEZ
Fb: Howlers WP

Show Me Your Soul (COMPLETED)Dove le storie prendono vita. Scoprilo ora