Chapter 27 - Tree House

2.7K 37 0
                                    

👻👻

Nakatayo ako ngayon sa may gate namin at hinihintay ang pabungad ng mukha ni Jaycee. Maaga pa naman kaya hihintayin ko na lang muna siya dito. Magsisimba kasi kami ngayon dahil ito na yung nakagisnan namin tuwing linggo. Wala pa kasi si lola kaya siya muna yung kasa kasama ko tuwing may pupuntahan ako.

Mabait naman si JC at mapagkakatiwalaan. Sa tagal ba naman ng pagsasama namin ay kabisado ko na yata ang bawat kilos niya. Alam niyo ba na para siyang babae na kumilos? Nahihiya na nga ako dahil, mas malinis pa siya kesa saaking tignan yun eh.

Hays, asaan na ba yun? Ang tagal naman niya. Wala naman siyang cellphone para tawagan ko sana. Napaka abnormal naman kasi.

Naglingon lingon ako sa paligid ko para sana matiyak kung andiyan na ba siya, pero wala parin. Kaya napag desisyonan ko ng mauuna na lang dahil susunod din naman yun. At alam naman niya ang dahilan kapag wala ako bahay.

**

Patapos na ang Misa pero wala parin si JC. Kaya hindi pa ito natatapos ng lumabas na ako. Alam ko naman kung saan yun pupuntahan kapag hindi ko siya mahanap. Doon lang naman sa nag iisang puno malapit sa may Stary City. Noong sinabi niyang doon ang bahay niya, hindi ako naniwala sa una.

Hanggang sa ipaliwanag niya ito. At nagsimulang nagkwento.

A month ago....


"Seryoso ka?! Diyan ka naninirahan?" Gulat na tanong ko.

"Oo nga. Tara na nga pumasok." Naiirita niyang tugon at nauunang umakyat ng puno.


Mas okey kung tatawagin ko itong Tree House kasi may ganun sila Xander doon sakanila. At in fairness, mas maluwang ito tapos...WALANG GAMIT?! tanging yung kama at ilaw lang niya ang meron! Jusko. Kung saakin siguro ito, matagal na akong namatay sa hirap.

Hindi sa inaano ko yung tirahan niya pero totoo naman kasi. Kahit man lang sana kabinet o electric fan ang meron siya pero wala eh. Tanging dalawang bagay lang ang nakikita ko. May kaliitang kama at ilaw na maglipas ng araw ay siguradong masisira na.


"Doon ka na lang sa bahay tumira." Naaawa ako na naiinis


Show Me Your Soul (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon