Chapter 46 - Video Clip

2.3K 30 0
                                    

👻👻

Namumukhaan ko ang isang batang lalaki na katabi nong batang babae sa litrato. Siya yung kasama ni Alec sa isang picture din doon sa bahay nila. Paanong.....??

"Manang heto po. Sino po ito?" Turo ko doon sa batang lalaki.

"Ah yan ba? Kaibigan nong batang babae." Sagot naman niya.

"May kilala po ba kayong Alec?" Tanong ko sakanya pero umiling lang siya bilang sagot.

Pinsan ni Alec yung batang lalakiPwedeng kilala din niya yung batang babae?

"Eh eto po?" Turo ko doon sa mas bata saaming lalaki.

"Yan. Yan ang anak ni Maam Jeany." Sagot naman niya.

"Asaan na po siya ngayon? Siya po ba yung lumabas kanina?" Tanong ko sakanya.

"Hindi. Bunso yun, namatay na yan noong bata pa siya dahil sa isang aksidente. Alam mo ba na ang batang babae ang sinisisi ni Maam sa pagkamatay ng kanyak anak. Kaya nga yun galit na galit eh." Mahabang lintaya niya.

"Heto po ba yun?" Turo ko sa batang babae.

"Ah oo siya yan. Anak yan ni Sir at ni Maam Grace. Na ngayon ay pauwi na dito sa pinas." Grace? So tama nga ako siya yung tinutukoy nong matandang lalaki kanina.

"Yung Grace po. Close po ba sila ni Lola Alysia?" Tanong ko sakanya. Gusto ko lang itanong.

"Ah oo. Alam mo ba, kwenekwento saamin ni Manang Aly na nagpapadala daw ng sulat si Maam Grace sakanya. Napakabait talaga niyang si Maam Grace, minsan nga pinapatigil kami sa pagtrabaho kapag alam na niyang pagod na kami sa gawaing bahay. Every Christmas nga ang gusto niya, yung mga pamilya namin ay dito mismo sa bahay niya kami mag celebrate. Hindi ko nga alam kubg bakit niya kami iniwan eh." Mahabang paliwanag ni Manang. Napakabait nga niya.

So tama ako na siya yung nagpapadala ng sulat kay Lola. Yung nabasa ko kani kanina lang.

"Gusto mo bang makita ang kwarto niyang batang babae na iyan?" Nagulat ako sa tanong niya. Nagtitiwala agad siya saakin at hinahayaan akong lumakbay sa malaking bahay na ito. Tumango lang ako bilang pagsagot at umakyat na kami ng hagdan patungo sa kwarto daw nong batang Babae.

Nang makarating kami sa tapat ay pinagbuksan niya ako ng pintuan at tumambad saakin ang kwartong may kalawakan. At lahat ng gamit dito ay kulay Violet. Naagaw ng atensyon ko ang isang bestidang damit na kulay ube. Siya talaga yung bata sa panahmginip ko. Yung naaksidente, yan yung damit niya noong kaarawan at nong naaksidente sila.

May mga drawings sa may kabinet. Halatang bata talaga yung gumawa dahil pambata yung drawing.

At sa katabi non ay puro litrato. Litrato ng mga bata, dalawang bata.

Nakita ko ang isang litrato, nasa may simbahan sila pareho at kasunod yun ang isang litratong nasa may parang basketball court na kumakain. Tumingin ulit ako sa iba at nakita ko na nasa star city ang dalawang bata. Natawa ako bigla dahil sa isang litrato ay umiiyak ang batang babaeng nasa harapan ng isang ride....para siyang octopus rife. Yung hate na hate kong ride.

Hanggang sa may Ferris Wheel sila. Grabe ang tawanan nilang dalawa dito. Halata mong ang saya saya nilang dalawa habang magkaakbay.

Iniikot ko ang paningin ko sa wall nang makita ko ang isa na nasa tabi sila ng dagat. Palubog na ang araw non at umapaw ang sunset. Sobrang ganda ng pagkakakuha sakanila. Grabe, ang sweet nilang mag bestfriend. Ganito rin kami ni Jaycee ang kaso nga lang hindi pa siya nagpapakita. Lakas din magpamiss ang taong yun eh.

May isang bagay na nahagip ang paningin ko isang deluma ng mobile phone. Agad namang nagsalita si Manang kaya napaharap ako sakanya.

"Yan. Panoorin mo yan, ang cute cute." With kilig effect pa niyang sabi kaya pinanood ko naman ito.

(Play the background music: True Colors by Anna Ken and Justin Tim)

Nagplay ang videong iyon at tanging mga nag e slideshow na pictures ang nagpeplay. Heto rin yung mga pictures na naka dikit sa may kabinet. Habang pinagmamasdan ko ang videong iyon ay bigla ko na lang nakita ang isang bagay na hindi ko inaasahang makikita ko ngayon dito sa videong ito.

Yung bracelet.....yung bracelet na nasa bahay.

Itinaas ko ang kamay ko para tiyakin ang bagay na iyon, pero naalala ko. Hindi ko nga pala yun suot ngayon. Grabe naman, ang wrong timing. Pero parehong pareho sila ng bracelet na nasa akin. Hindi kaya sakanila yun at naiyuwi lang ni Lola sa bahay?

Hala! Nagsusuot ako ng gamit na hindi naman saakin. Baka multuhin nila ako.

Itinigil ko na ang video dahil mukha namang patapos na. At ibinalik yun sa dating lalagyan. Nakahinga ako ng maluwag dahil ang mga katanungang namuo ng malaki sa isipan ko ay nasagot na ngayon.

Ibig sabihin... Wala na akong poproblemahin pa. Maliban na lang sa pagkalason ni Lola.

To be continue.....

**

Fb: Howlers WP

Show Me Your Soul (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon