Chapter 20: Boys

3K 39 0
                                    

👻👻

"Oh sige apo" pag sang ayon naman niya.

Kaya umakyat na ako para matulog.

Kinabukasan....

Andito na kami ni Lola sa may gate at papasok na kami ng biglang may tumawag sa pangalan ko dahilan para mapalingon ako at si Lola.


"Cein!" Sigawng batang lalaki na si Lee.

"Lee!" Masiglang tawag ko din sakanya sabay lapit.

"Sabay na tayo pumasok" nakangiting sabi niya saakin.

"Oh sigi" sagot ko din.


Bigla naman lumingon si Lee sa likod ko at bigla ng nagmano kay Lola.


"Kaawaan ka ng Diyos ijo" nakangiting tugon ni Lola kay Lee.


Habang naglalakad ako nakita ko nanaman yung batang babae na may mahaba ang buhok sa may second floor at ang sama nanaman ng tingin niya saakin.

1 year later....

Bakasyon na at mag sesecond year na ako next school year. Natatakot na akong pumasok dahil mag isa na ako at wala na si Lee na kaibigan ko sa school dahil nasa ibang bansa na siya umalis sila last Month lang. Hindi daw niya alam kung babalik pa sila, nalungkot ako dahil siya yung unang naging kaibigan ko sa school na yun tapos iiwan rin pala ako. Paano na ako neto?

Pagka alis nun ni Lee, lagi na akong inaaway nong babaeng may mahaba ang buhok na araw araw akong sinasamaan ng tingin. Nagkakasugat pa ako at si Lola todo rescue sa mga sugat na natatamo ko. Gusto ni Lola na pagalitan ang batang yun kaso nalaman naming pamangkin pala ng may ari ng paaralang pinapasukan ko.

Una pa lang pinagbantaan na ako nong batang babae na may mahabang buhok na huwag daw akong lumalapit lapit sa kaibigan niyang si Lee.

Hindi ko naman kasalanan na naging kaibigan ko ang kaibigan pala niya. Tapos ang una namang nakipagkaibigan ay si Lee, kaya bakit saakin siya galit? At bakit ba siya nagagalit na magkaibigan kami ni Lee. Pwede naman siyang makipag kaibigan saamin eh.

Natroma na yata ako kasi ayaw ko ng makipag usap sa mga kaklase ko at sa mga batang nasa school. Kulang na lang hindi ako lalabas ng bahay na to eh. Pero sabi kasi ni Lola na huwag ko na lang daw pansinin ang mga ganong bagay dahil mga bata pa naman daw kami. Kaya pinakinggan ko na lang ang bilin saakin ni Lola.


"Oh Hello?" Biglang salita ni Lola Dito sa tabi ko.


Andito kasi kami ngayon sa Sala nanonood ng kung ano ano, niyayaya ko si Lola na mamasyal sa Star City na malapit lang dito pero ayaw daw niya, mapapagod lang daw siya. Nalaman ko na may ganun pala dito, turo yun saakin ni Lee. Isinama kasi nila ako noon eh.

Nakita ko naman si Lola na poker face lang habang ibinaba ang kanyang cellphone. Siguro tapos na siyang makipag usap sa tumawag sakanya.


"Bakit po La?" Tanong ko sakanya.

"Tutal daw last month na ng vacation. Pupunta ang mga apo ko dito at ang mga anak ko. Hays! Dadating ang mga perwisyo" sabi ni Lola at nagkibit balikat.


Mga apo at mga anak? Edi madami yun. Kasi lima daw ang anak ni Lola tapos may 50 pataas siyang apo. Sigurado ako dito na mamomoblema si Lola neto.

**

Andito ako ngayon sa kwarto ko. Mamalagi muna ako dito hanggang pagdating nila Lola. Si Lola kasi nasa may waiting shed hinihintay ang mga bisita niya. At hanggang ngayon wala parin sila eh mag gagabi na sigurado akong naiinip na si Lola don.

Hindi na ako sumama dahil natatakot ako. Nakatatakot ako sa mga apo ni lola. Sabi kasi niya hindi daw sila napipigilan ng mga magulang nila sa sobrang kulit. Tapos kinakabahan talaga ako kapag may mga madaming tao akong nakikita at nakakasama. Kaya mas mabuti ng dumito muna ako sa kwarto ko.

Hanggang sa narinig ko na pagbukas ng pinto sa may sala. At mga bunganga agad nila ang naririnig ko. Agad akong humiga at nagtalukbong ng unan sa may ulo ko. Hanggang dito rinig na rinig ang mga ingay nila. Biglang may kumatok sa pinto ko. Alam kong si lola yan kaya hinayaan ko na lang alam naman siguro niya na natutulog ako dito.


"Apo. Labas na diyan andi------

ANDITO NA KAMI!!!!!!!!!" Sigaw ng mga pumasok at pinutol pa talaga nila ang sinasabi ni Lola.


Napaupo naman ako sa gulat dahil sa mga lintik na sigaw netong mga pumasok. Agad ko silang nilingon pero nagulat agad ako sa mga nakikita ko ngayon.


"LOLA AKALA KO BA LALAKI?" Tila naiiritang tanong ng isa kay lola. Lahat naman kami lumingon kay lola na nakatayo lang sa may pintuan.

"LA. BAT PURO LALAKI?" Tanong ko din kay lola.


At yung mga tingin nila kay Lola kanina ay nalipat saakin.


"Hayaan niyo na. Maganda naman si insan eh" nakangiting tugon ng isa.


Ako naman napangiwi sa sinabi niya. Ano daw ? Pinsan?


"Hindi ako papayag na magiging pinsan natin yan!" Sabi ng isa at tila nagpipigil sa paggalaw.

"Ano namang ibig mong sabihin Jroa ha?" Tanong ng isa.


I think mga 13 silang andito at puro lalaki pa. Ganito ba tong mga apo ni Lola ? Puro lalaki, wala man lang babae.

To be continue....

**

NO EDIT PO MUNA! HEHE
Fb: Howlers WP

Show Me Your Soul (COMPLETED)Where stories live. Discover now