Chapter 45 - Picture Frame

2.3K 29 1
                                    

👻👻

"Actually hindi talaga nila ito bahay. Pagmamay ari to nong asawa niya. Asawa niyang namayapa na, at si Mrs. Jeany naman ay pangalawang asawa niya. Pero hindi sila kasal, nagkaanak lang." May pagka daldal din tong si Manang ah.

"Eh asan po yung totoong asawa nong namatay?" Tanong ko naman para may mapag usapan kami. Tutal wala naman yung sinadya ko dito e.

"Ah yun ba? Ang balita ko nagka asawa daw yun ng iba kaya naghanap din ng iba si Sir." Sagot naman niya.

Tumango tango naman ako bilang pagsang ayon na nakikinig ako sa kwento niya.

"Hindi ko alam ang saktong kwento pero yung ate atehan namin dito. Yun ang madaming alam, yung namatay na si Lola Alysia kilala mo? Siya din ang may hawak sa bata, anak ni Sir. Ayaw na ayaw kasi ni Maam Jeany yung batang iyon kaya kay Ate Alysia niya ibinigay." Pagkatapos niyang sinabi yun ay awtomatikong nanlaki ang mga mata ko sakanya.

"Opo. Lola ko po. At yung bata, sino po yun?" Tanong ko sakanya.

"Uhmmm. Hindi ko na maalala eh. Pero alam kong kaedad mo lang yun. Babae siya, mabait naman ang batang yun. Masunurin pero hindi ko alam kung bakit kina mumunghian ni Maam." Sabi niya. Sayang naman hindi niya kilala yung bata.

"Siguro kapag kaya ng lumaban ng patas yung batang yun. Babawiin niya itong bahay niya, kasi tanging siya na lang ang naiwang Gallermo eh. Alam mo bang kawawa yung batang yun sa bugbog ni Maam." Nagulat ako sa mga sumunod niyang sinabi.

Show Me Your Soul (COMPLETED)Nơi câu chuyện tồn tại. Hãy khám phá bây giờ