Chapter 43 - Big Questions

2.4K 31 0
                                    

👻👻

(Play the background music. How would you Feel by Ed Sheeran)

Kasalukuyan akong pauwi at hinatid ako ni Alec gamit ang sasakyan niya. Naalala ko kasi yung panaginip ko, naalala ko kung paano ipakilala nong batang lalaki sa batang babae ang pinsan niyang nag ngangalang Alec na siyang kasama ko't kaklase ko ngayon. At naunang kaibigan ko noong pumasok ako ng School.

Sobrang dami ng katanungan sa isipan ko na imposibleng masagot ng iba. Napahawak na lang ako sa ulo ko dahil sa pananakit bigla ng ulo ko. I'm too young to be like this, wala pa akong trabaho pero bugbog sarado na ang utak ko dahil sa kakaisip ng kung ano anong bagay.

"Alec." Tawag ko sakanya sa kabila ng katahimikan dito sa loob ng kotse niya.

"Bakit?" Pansin kong lumingon siya saakin at ibinalik din ang tingin sa daan.

"Yung bata....pinsan mo ba talaga yun?" Tanong ko sakanya. Hindi ko kayang pigilan ang bunganga ko sa tanong na yun.

Panahon na siguro para magtanong tanong ako.

"Yes. Ang mama niya at ang papa ko ay magkapatid." Sagot naman niya.

Bumuntong hininga ako dahil may isang bagay lang akong gustong sabihin at itama. Si Alec lang ang makakausap ko sa bagay na ito. At baka matulungan naman niya akong bawasan ang mga iniisip ko.

"Jaycee Rey. Isang batang namatay dahil sa isang aksidenteng nabangga sila. Kasama ang dalawang magkapatid na babae at lalaki. At ang babaeng yun ay ang long long time bestfriend niya. At ang batang lalaki ay kanyang kapatid sa ina. Ang aksidenteng iyon ay naganap noong kaarawan ng batang babae at....at kapangalan ko siya" mahabang sabi ko.

Nagulat ako ng biglang tumigil ang kotse kaya napalingon ako kay Alec na ngayon ay nakatingin saakin na may bahid ng pagtataka at pagka gulat sa mukha niya. Siguro nagulat siya sinabi kong iyon dahil sa tingin ko ay totoo ang mga iyon.

Ang panaginip ko ay totoo.

"How did you know that?" Tanong niya saakin habang nanlalaki pa rin ang mga mata niya.


Napabuga ako ng hangin sa kawalan at humarap sa daanan bago ako magsalita.

"Lahat ng nalalaman ko tungkol sa batang yun ay nanggagaling sa panaginip ko. Minsan nagpapakita yun sa isipan ko kaya ako nahihimatay. Natatandaan mo pa yung mga araw na lagi mo akong dinadala sa hospital sanhi ng pagkawala ng malay. Yun ang rason! Yon yun eh. Magpapakita sila sa isipan ko at bigla na akong nawawalan ng malay. Alec! Sa tingin mo ano ang meron sa buhay ko ngayon?! Anong nangyayari saakin? Bigla biglang may nagpapakita sa isipan ko na mga bata. At alam kong memories lahat yun dati. Pero bakit saakin? Saakin nagpapakita ang mga bagay na yun?!" Hindi ko mapigilang lumuha.

Dahil ang mga imaheng yun ang sumira sa pagkatao ko. Hindi ko alam kung anong nangyari saakin before kung bakit may mga ganong bagay akong nakikita sa isipan at panaginip ko.

Nakalimot ba ako?! May nangyari ba saakin na hindi ko maalala. Kaya ba paggising ko ay nasa hospital na ako, kasama ang isang matandang babae na nangngangalan ng Alysia. Na ngayon ay wala na dahil nilason ng isa...

"Amnesia." Halos pabulong niyang tugon na awtomatikong lumingon ang ulo ko.

"Amnesia?" Pabalik na tanong ko sakanya.

"Naamnesia ka." Sabi ulit niya.

"Hi-hindi ko a-alam. Hindi ko maintindihan." Siguro tama nga siya baka nag ka amnesia ako dati.

"Kung nabubuhay lang ang Lola. Magtatanong at magtatanong ako sakanya." Nasabi ko na lang at pinaandar na ni Alec ang sasakyan.

Alec POV

"BYE." Paalam ko kay Cein na ngayon ay matamlay na pumasok sa loob ng bahay nila.

Ramdam ko ang paghihirap ni Cein. Hindi ko alam at wala akong alam na nagka amnesia pala si Cein mula noong nabangga sila. Akala ko nagpapanggap lang siya na walang maalala sa nangyari. Maski ako naguluhan dahil sa mga nalaman ko.

Pinaandar ko na ang sasakyan at pinaharurot iyon. Maybe, cein will know everything soon.

Third Person POV

Pumasok si Cein sa kwarto ng kanyang Lola. Hindi niya alam kung bakit doon siya dumiretyo imbis na sa kwarto niya. Umupo siya sa kama ng kanyang Lola at tumunganga doon ng ilang oras. Hanggang sa magsalita na ito.

"Lola naman ih. Iniwan niyo ako. Iniwan niyo kong ang dami daming katanungan sa utak ko na kayo lang ang mamakasagot." Hindi na mapigilang umiyak si Cein at nagpaha gulgol na ito sa kanyang pwesto.

"Ang daming katanungan sa isipan ko na kayo lang ang makakasagot. At kung bakit ang aga niyo akong iniwan. Paano na ako neto? Mag isa na lang akong mamumuhay. Mabubuhay pa kaya ako ng pangmatagalan kong ganito lang din ang buhay na meron ako ngayon?" Umiyak lang ng umiyak si Cein hanggang sa may mahagip ang tingin niya na isang sobre.

To be continue.....

**

Fb: Howlers WP

Show Me Your Soul (COMPLETED)Where stories live. Discover now