Epilogue

3.6K 58 11
                                    

👻👻


"Ate Shaaaaaaane!" Nabalik ako sa realidad when I heard a familiar voice mula sa likuran ko. Lilingunin ko na sana pero agad na may tumakip sa pares ng mata ko. Natawa ako dahil ang childish ng ginagawa niya but I can't blame him dahil bata pa pala siya.

"How are you Assi?" Tanong ko sakanya habang nakapiring parin ang mga kamay niya sa mata ko. Unti unti niya itong binitawan at nagpunta sa harapan ko nang naka pout.

Anyare sakanya ?

"What happened to you Lil kid?" Tanong ko sakanya.

"Lagi mo na lang kasi naguhulaan." Sabi niya habang naka Pout. Napatawa ako dahil doon, ginulo ko ang kanyang buhok at muli akong nagsakita.

"Tss, galingan mo kasi minsan." Pang aasar ko sakanya.


Pinagmasdan ko lamang siya, sa tuwing nakikita ko siya naaalala ko kung pano kami mag bonding ng kuya niya noon. Kung pano kami pagalitan ni Tita Jeany dahil sa ang ingay ingay naming maglaro. Hindi ko magawang patagalin ang galit na nararamdaman ko sakanila dahil naging parte ng buhay ko si Ashton. Kahit na galit na galit ang Mom niya saakin, hindi pa rin niya ako sinukuan.


"This is my Kuya right?" Tanong nang bata saakin sabay turo sa puntod ng kuya niya. Tumango tango lang ako bilang pagsagot, magkatabi kasi ang puntod ni Jaycee at Ashton.

"You know what, you look like you brother. As in sobra." Panimula ko.

"Yang edad mo ngayon? Ganyang edad kami noon magkasama, kasama ang isang kaibigan. Si kuya mo ang laging kalaro ko noon, kasama sa pagtulog....alam mo bang parehas pa kaming napapagalitan ng kuya mo noon sa Mommy mo dahil naghahabulan kami sa loob ng malaking bahay." I remember those memories.

"Ang kuya mo ang laging tumutulong saakin, siya ang gumigising saakin araw araw. Kapag pinapagalitan ako ng Mommy mo, ang kuya mo ang nagpapatahan sakanya upang tumigil siya sa pagpalo saakin sa pwet." Kasabay ng pagtawa ang pagbagsak ng mga luha. Sobrang nakakamiss ang mga bagay na yun dati.

"Sobrang thankful ako dahil dalawang kaibigan ang naging karamay ko noon. Dalawang kaibigan ang gumabay saakin, pero dalawang kaibigan din ang nawala agad saakin." Pagtutuloy ko at pagtuloy tuloy din ng mga luha ko. Tinignan ko ang gawi niya at nakita ko siyang nakatitig pala saakin habang nakikinig sa kwento ko. Natawa ako dahil para siyang nakikinig sa magulang habang naka pout.


Show Me Your Soul (COMPLETED)Where stories live. Discover now