Chapter 17: Goosebumps

3.2K 50 1
                                    

👻👻

Kinabukasan.....

Kagigising ko lang at 5:30 na pero nakaupo parin ako sa kama ko. Anong oras ba ako natulog kagabi? Sa tingin ko hindi naman nagpuyat kagabi eh.

Hays makabangon na nga.

Tumayo na ako at nagtungo ng banyo para maligo. Shampoo, sabon, toothbrush, and tadaaaaa! Tapos na. Pagkatapos nun ay bumaba na ako para kumain.

Heto nanaman ako. Papasok nanaman ako sa mala impyernong school. Hays! Kaya ko to. Konting tiis na lang Cein.

2 months later

Lalabas na ako ng bahay para pumasok sa school. Pero paglabas ko ng bahay, expected kong naghihintay si JC saakin mula sa labas ng gate pero wala siya. Himala yata hindi siya sumabay saakin sa pagpasok?

Kukunin ko na sana yung bike ko pero biglang may nagsalita mula sa likod ko.


"Diba sabi ko sayo huwag kang magbabike dahil wala akong kasabay pumasok?" Tila malungkot na tanong ni JC

"Eh akala ko kasi iiwasan mo na ako" sabi ko sabay yuko.

"Bakit naman kita iiwasan. Diba forever bestfriend tayo?" Malabatang tanong niya saakin.


Napangiti naman ako sa sinabi niya pero yung ngiting yun napawi agad dahil sa isa nanamang imahe ang lumantad sa isipan ko. Dalawang batang magkayakap at sila ay masaya.

"Oo naman. Walang iwanan, forever bestfriend tayo diba?"

Hindi ko maaninag ang mga mukha nila dahil malabo at hindi ko alam kung sino sila. Bigla na lang ang nahilo at sumakit ang ulo ko buti na lang nasalo ule ako ni JC. Hindi na siya umimik at pinaupo na lang ako dito sa hagdan sa may pintuan. Alam na kasi ni JC na lagi na lang akong nahihilo at sumasakit ang ulo ko, alam na niya rin ang dahilan kung bakit ako nagkakaganun.

**

Andito na ako sa Tapat ng classroom ko. Parang ayaw ko pang pumasok, nahihilo pa kasi ako. Nagulat naman ako ng biglang may nagsalita mula sa likuran ko kaya napalingon ako doon.


"Walang balak pumasok Miss Gallermo?" Si maam pala.

"Ah. Sorry po" paghingi ko ng tawad saknya.


Agad naman siyang pumasok at sumunod na ako sakanya. Dalawang subject na ang dumaan pero yung utak ko parin lutang, at nahihilo pa ako. Ano ba tong nangyayari saakin? Ang daming bagay na nagpaparamdam pero hindi ko naman malaman kung ano ang mga Yun.

Simula lumabas ako sa hospital na yun, madaming bagay na ang mga nagpapakita saakin pero hindi ko naman alam ang dahilan at purpose ng mga yun. Yung batang lagi kong nakikita sa paligid ko noon, ngayon ay kaibigan ko na at si JC yun. Lagi daw niya kasi akong nakikita sa may Star City noong bata pa ako kaya sinusundan niya ako hanggang sa paglaki ko.

Yung mga imaheng bigla bigla na lang nagpapakita sa emahinasyon ko at pati na rin sa panaginip ko ay hindi ko parin malaman kong ano ang mga bagay nayun. Kapag iniisip ko yun, sumasakit ang ulo ko at nahihilo ako.

Minsan naitatanong ko na lang sa sarili ko kung sino ba talaga ako at kung anong nangyari saakin bago ako madala ni Lola sa hospital. Hindi ko alam kung anong nangyari saakin before, parang kasisilang ko lang noong nagising ako sa hospital. Dahil yun yung una kong naalala. Hindi ko alam kung sinong mga magulang ko, kung taga saan ako, oh kung ano ba talagang nangyari saakin.

Bigla na lang nag ring ang bell, Lunch time na pala. Hindi ko man lang namalayan sa sobrang dami ng iniisip ko. Lumabas na ako at pumunta ako sa lugar kung saan doon ang tambayan ko, sa may hagdan.

Inilabas ko na ang baon ko at sinimulang kumain. Habang kumakain ako, lutang na lutang parin ang utak ko hanggang sa nakaramdam ako ng pagtayo ng mga balahibo ko. Heto nanaman siya


"Ano nanaman ba kailangan mo? Bat mo ba ako laging sinusundan?" Tanong ko kahit wala naman akong kausap.

"Sino kausap mo?" Napalingon naman ako sa nagsalita at nanatili akong nakatingin sa kanya.


Bakit ba sa tuwing tumataas mga balahibo ko laging sumusulpot tong si Jaycee. Oo, napapansin ko yun. Kapag kinikilabutan ako bigla-bigla siyang magpapakita o kaya nasa likod ko na siya. Ang weird talaga ng taong to, napapaisip talaga ako eh. Kasi siya yung batang laging nakamasid saakin. Siya lagi yung kung nasaan ako andoon din siya.

Tyaka dapat una palang nilandi na to ni Betty eh, kasi kapag may nakikitang gwapo yun nilalandi niya agad. Eh gwapo naman tong si JC. Tapos dapat pinagtayawanan na ako noon pa lang kasi may kasama akong gwapo. Simula nong dumating to sa buhay ang dami dami ko ng naiisip na kawirduhan sa buhay ko.

Bad influence yata to saakin eh. Pero masaya siyang kaibigan, kapag gusto mo ng advice andiyan lagi. Kapag nangaylangan ka ng tulong, andiyan siya agad. Itinuring ko na rin siyang ka Buddy ko. Lahat ng pipuntahan ko dapat kasama siya. Kapag pumupunta ako ng Star City or Enchanted Kingdom lagi siyang kasama.

Araw araw din kaming may picture niyan. Hindi daw pwede kapag wala kasi memories daw namin yun. Dapat daw hindi ako nagbubura magtatampi daw siya. Ang dami dami niyang rules, para siyang magulang.

Haha. Pero mahal na mahal ko yang bestfriend ko na yan kahit may saltik minsan.

To be continue.....

**

NO EDIT PO MUNA! HEHE
Fb: Howlers WP

Show Me Your Soul (COMPLETED)Opowieści tętniące życiem. Odkryj je teraz