Chapter 32 - Collapsed

2.5K 31 1
                                    

👻👻

Maggagabi ng umuwi kami. Napahaba ng kwentuhan ni Jaycee eh. Half day nga pala kami kanina kaya kami namasyal ulit sa Star City ni JC. Bale, maghapon kaming walang klase ngayon. Lunes na lunes pa naman. Sana nagpagawa na lang sila ng activity or seatworks para kahit papano may ginawa kami kanina kahit walang teacher.

Sayang tuloy yung oras na wala kaming ginawa, hinayaan kaming tumunganga lang.

**

Katatapos ko lang mag ayos ng mga halaman sa garden namin. Nagpahinga na ako dahil nakakaramdam ako ng pananakit ng katawan ko. Aaminin ko kanina habang nasa star city kami, napapansin kong ang bilis kong mapagod at magpawis.

Andito ako ngayon sa kusina, inaantay maluto yung bigas. Napatitig naman ako doon at may bigla na lang pumasok sa utak ko.

Mga batang naglalaro sa gitna ng kalsada at may hawak hawak na isang bagay. Hanggang sa makarinig sila ng malakas na busina ng sasakyan at sa isang iglap lang, naka handusay na ang mga bata at ito ay duguan.

Hindi ko maaninag ang mga batang iyon dahil malabo. Bigla na lang sumakit ang ulo ko at namanhid yata ang katawan ko dahil napansin kong tila naka higa na ako sa sahig. At tanging malalabong bagay ang nasa paningin ko. Hanggang sa naipikit ko na ito and every thing went black, again.

Alec POV

I want to surprise her now. Kaya nagda drive ako papunta sa bahay ni Cein, my old bestfriend. I don't know why I am doing this again. All I know is, gusto kong maibalik yong dating pagkakaibigan namin. Alam kong nasaktan ko si Cein dahil sa hindi ko pag pansin sakanya.

Simula kasi noong tumira kami sa ibang bansa. Madami akong nalaman tungkol sakanya, isa na diyan yung mag bestfriend pala sila ng pinsan kong si Jaycee Rey. Na ngayon ay sumakabilang buhay na dahil sa aksidente.

Nilipat ako ng school sa Ibang bansa dahil nalaman nila na kaklase at bestfriend ko si Cein. Na siya daw ang dahilan sa pagkamatay ng pinsan ko. Yun yung sabi ng mom ko, but when I ask my Tita which is mommy ni Rey. Hindi naman daw yun totoo.

Kaya nawala ang inis at galit ko kay Cein pagkatapos kong nalaman ang totoo. Kwinento rin saakin ni Tita lahat ng pagsasama ni Rey at Cein. Sobrang sweet daw nila at kulang na lang hindi na sila mapag hiwalay. Alam daw ni Tita na mahal na mahal ng anak niya ang bestfriend niya. Kaya nong nangyari ang akidenteng iyon, wala siyang ibang sinisi kundi ang sarili lang niya.

Sobrang bait talaga ni Tita at nagmana si Rey sakanya. Tanging si tita lang at Rey ang kasapi ko sa buhay. Dahil ang sariling pamilya ko, walang ibang ginawa kundi ang magduda, manisi, at magalit sa kapwa nila. Wala na kasi si Dad, na heart attack last 3 years. Siya ang Lodi ko sa buhay dahil parehas sila ni Tita na mabait at maalaga, kasi nga magkapatid sila at mana-mana lang.

Ang daldal ko, andito na pala ako ngayon sa harapan ng bahay ni Cein at bukas pa yung pintuan nila. Kaya bumaba na ako at kinuha ko na yung cake na binili ko pa kay ate sa pwesto niya. Kaya ang dami dami nanaman niyang tanong kanina, kesho kanino ba ito? Sa gf ko ba ? Tss. Gf agad? Di muna kaibigan?

5 mins.

Kanina pa ako nag dodoorbell pero wala paring Cein ang nagpapakita saakin. Tutal bukas naman yung gate at pati yung pintuan sa may sala. Pumasok na ako at nagtuloy tuloy sa sala.


"Cein." Tawag ko sakanya pero walang sumasagot.

"Cein." Tawag ko ulit.


Hanggang sa nakarinig ako ng ingay sa kusina at nakaamoy na parang may nilulutong sunog. Kaya unti unti akong lumapit sa kusina, at ang bulagtang si Cein ang bumungad saakin.


"Cein!" Gulat na nasabi ko.


Pinakiramdaman ko muna ang pulso niya bago buhatin papuntang kotse ko. Pinaharurot ko na ang sasakyan patungong kalapit na hospital. Bakit ba sa tuwing nakikita ko to, laging bulagta o walang malay. May sakit ba siya? Pero ikalawang beses na itong nangyari at ako nanaman ang nagdala sa hospital sakanya.

Sabi ng doktor wala naman daw siyang sakit oh anuman. Tanging dahilan lang daw ito ng pagod at depression. Ke bata bata, ang daming iniisip at na de depress na. Sabagay, genius eh. Walang ibang ginawa kundi ang mag aral ng mag aral.

**

Andito ako sa waiting area ng hospital at nasa loob ng kwarto si Cein. Dahil chinecheck up siya ng doktor.


To be continue.....

**

NO EDIT PO MUNA! HEHEZ
Fb: Howlers WP

Show Me Your Soul (COMPLETED)Where stories live. Discover now