Chapter 37 - Die

2.5K 30 2
                                    

👻👻

11:30 na ng gabi at kasalukuyan kaming pauwi. Lahat ng gusto naming puntahan pinuntahan namin. Unang una na diyan ang star city. Alam ko kasing hindi na ulit to mangyayari bukas o sa susunod na araw dahil magbabago na ang lahat.

Lumingon ako sa gawi niya at nasilayan ko ang maamo niyang mukhang natutulog. Hinaplos ko siya sa pisngi.


"Ang amo mongbtignan kapag tulog." Bulong ko sakanya at hinalikan sa Noo.


At sa wakas nasa harapan na pala kami ng bahay ni Shane. Ipinark muna nong driver ang sasakyan bago ako lumabas. Binuhat ko siya kasi nga tulog.


"Sige po." Paalam ko sa driver at binuksan ang gate.


Medyo nahirapan pa ako sa pagbukas ng gate at puntuan dahil sa may buhat buhat ako.

Habang paakyat ako ng hagdan. Pinagmamasdan ko muli ang mukha ng bestfriend ko. Sa ngayon naaawa't nag aalala na ako dahil wala na akong magbabantay sakanya na pwede siyang protektahan. Dahil kapag bumalik na ako sa pagiging kaluluwa ko. Hindi ko na siya mapoprotektahan. Tanging pag subaybay at pagbantay lang ang Magagawa ko sakanya.

Inihiga ko siya sa kama at tinitigan siyang mahimbing na natutulog. Iniayos ko siya ng higa at pinatungan ng kumot bago ako umupo sa tabi niya. Tinignan ko naman ang orasan sa wallclock niya. At limang minutos na lang ay mag aalas dose na.

Ano ba to? Mala Cinderella'ng kwento ang meron ako ngayon.

Napansin kong tila gumagalaw siya dahilan para mataranta ako. Baka kasi magising siya sa oras na mag fade ang katawan ko.

At nakita ko ang mga paa kong wala na dahil naglalaho na ito. Tinignan ko ulit ang wallclock at 11:59 na pala. Heto na! Maglalaho na ako. Tumayo na ako at humarap sa natutulog kong Bestfriend. Hinalikan ko muna siya sa Noo bago ako magsalita.


"Paalam bestfriend. Mamimiss kita." Pagkasabi ko non ay tinignan ko ang mga kamay ko na ngayon ay unti unti ng naglaho. Humabol pa ang luha kong tumulo at isang iglap lang nasa isang maliwanag na lugar na ako.


I'm here...again..

Cein POV

Nagising ako dahil sa isang panaginip. Pero parang...parang totoo? Dahil si JC daw ay naglaho na parang usok na lang. Hindi ko alam pero ang lakas lakas ng tibok ng puso ko. Parang may kakaiba sa panaginip ko. Huminga ako ng malalim at isinandal ko ang likod ko sa pader.

Ilang minuto pa ay biglang nag ring ang cellphone ko. Tinignan ko naman ang oras at 4:30 pa lang ng umaga.

May tumatawag na ? Ang aga ah.

Kinuha ko ang phone ko sa tabi ng lamp ko at nakita kong si Xander ang tumawag kaya agad ko itong sinagot baka kasi iinform niya ako na uuwi na si Lola. Yehey!


"Hello Xandeng!" Masigla kong pambungad.


Pero hindi agad nagsalita sa Xander at ang tahimik ng kabilang linya.


"Uy." Tawag ko sakanya.

"Shaneng." Tawag naman niya saakin na may maseryosong tunog kaya medyo kinabahan ako.

"Bakit?" Tanong ko sakanya.

"Si...si" hindi niya matuloy ang sinasabi niya.

"Bakit. Sino?" Kinakabahan na ako.

Nagtitrip nanaman ito eh.

"Si Lola." Sabi lang niya.

"Bakit si Lola? Uuwi na siya?! Pasabi bilisan niya. Hindi ko kasi siya makon----WALA NA SI LOLA" pagpuputol ni Xander sa sinasabi ko.



Medyo nalito ako kaya itinanong ko ulit.


"Ano? Hindi ko maintindihan." Sabi ko sakanya. Narinig ko naman na parang bumuntong hininga siya.

"Si Lola. Wala na, patay na." Nanlambot ang mga tuhod ko kaya napaupo ako sa sahig.



Hindi ko magawang magsalita at parang ang dami kong gustong itanong at the same time.



"You're Joking. And this joke isn't funny Xander!" Nang gigigil na ako.



Ayoko sa lahat yung mga gantong biro. Lalong lalo na kung pamilya ko ang biktima sa birong iyon!



"Shane. I'm not joking. This is really true. Mag empake ka at susunduin ka namin diyaan." Sabi ni Xander.



Bigla na lang tumulo ang luha ko at parang hindi ako makagalaw sa kinauupuan ko. Nabitawan ko din ang phone ko at nahulog yun sa sahig. Hindi ko magawang kumilos dahil nanghihina ako. Hindi pa rin ako makapaniwala. At ayokong maniwala!

Xander POV

I heard Shane crying thru my phone. And then she shouted, very loudly scream.



"Lolaaaaaaa!" Sigaw niya habang umiiyak.



Don't worry Shane. Andiyan na ako. I'll explain all to you the things that I know.

Ipinatay ko na ang call at tumanaw ako sa bintana netong kotse. Na heart attack daw ang Lola according to Mrs. Jeanyy's letter.

Shane love's our Lola so much. Kaya ramdam ko ang kalungkutang nararamdaman ngayon ni Shane.


To be continue.....

**

NO EDIT PO MUNA! HEHEZ
Fb: Howlers WP

Show Me Your Soul (COMPLETED)Where stories live. Discover now