Chapter 33 - Dream

2.4K 32 0
                                    

👻👻

Jaycee POV

Papunta ako ng bahay ni Bestfriend para mag star gazing ulit. Natatanaw ko na ang bahay nila kaya nagmadali na akong lumapit doon. Nang makalapit ako isang sigaw ang narinig ko mula sa loob ng bahay nila at tila pangalan ni Shane ang sinabi nun. Bigla na lang may lumabas na lalaki mula doon sa loob at may babae siyang buhat buhat na walang malay.

Hanggang sa maaninag kong si Cein yun. Hindi ko namamalayan na ang layo na pala ng sasakyan at alam kong hospital ang pupuntahan nila kaya mabilis akong nagtungo doon.

**

Andito ako sa loob ng kwartong punagdalhan kay Shane. Alam kong bawal ang ibang tao dito pero wala akong pake. Kahit mag sayaw sayaw pa ako dito hindi naman nila mapapansin yun dahil kaluluwa lang ako. At tanging si Shane lang ang nakakakita at nakakahawak saakin.

Pero may isa pa akong nasa isipan ko ngayon. Andito nga ako sa loob pero sa labas ako nakatingin. Hindi ko lubos maisip na makikita ko ulit yung minamahal kong pinsan. Yung pinsan kong uhaw sa pagmamahal ng pamilya niya. Yung pinsan kong walang ibang ginawa kundi ng lumapit saamin ni mom tuwing may problema siya. Namimiss ko na ito eh.

Namimiss na kita, pinsan kong Lee.

Third Person POV


"WHAT THE HELL! ANONG NANGYARI SAKANYA?! BAKIT WALA SIYANG MALAY?! BAKIT MAY BUMUHAT SAKANYA?!" Sumasakit na ang ulo ko dahil sa kakaisip ko sa nangyari kay Cein, ang anak ko na nakuhanang walang malay.

"Mas nauna po ako bago dumating ang lalaking may sasakyan. May hawak siyang isang box ng cake at pumasok sa bahay ng anak niyo." Sagot naman ng butler ko.

"Tapos ano?!" Pasigaw kong tanong.

"Isang iglap lang buhat buhat na niya ang anak niyo na walang malay. Pero alam ko po kung sino ang lalaking iyon. Kaya wag po kayong mag alala. Dahil siya po mismo nagdala sa hospital." Mahabang paliwanang ng butler ko

"How did you know ?" Tanong ko sakanya. Hindi parin ako naniniwalang mabuti ang batang lalaki na iyon..

"Ang bata pong iyon ay tita po niya ang Ina ng bestfriend ng anak niyo." Sagot niya at nakahinga ako ng maluwag.


Akala ko kasi pinakidnap na ng demonyong pamilya na iyon ang anak ko dahil sa nakatanggap ako ng pagbabatang sulat mula sakanila.


"Magpadala ka ulit ng pera sa back account niya. Baka mangaylangan siya." Utos ko sa butler ko.


Show Me Your Soul (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon