Chapter 44 - Letters

2.4K 34 0
                                    

👻👻

Kinuha ko ang sobreng iyon at binuksan. Ang daming papel mukhang mga sulat ito na ipinadala kay Lola. Kinuha ko ang isa at binasa ito.

"Dear Tiya Aly,

           Hello po :) kamusta na po kayo diyan? Yung cute ko po bang mag ama kamusta na din po?. Namimiss ko na po kayo diyaan sa totoo lang. Hindi ako makauwi dahil sa Amo kong nanghihina na. Paki kamusta na lang po ako sa mga tauhan diyan sa bahay. Paki sabi na rin po na namimiss ko na ang pangangalaga nila. Pakiyakap na lang din po ako sa mag ama ko. Salamat po Tiya Aly :)

      - Grace"

Hindi ko siya kilala at hindi ko kilala ang mga tinutukoy niya dito sa sulat na ito. May nahulog mula dito sa sobreng ito na isang bagay kaya agad ko itong pinulot. At isa pala itong litrato na may imahe ng isang babae na nakatayo sa harapan ng bahay. Mukhang masaya siya at enjoy na enjoy ang pag ulan ng snow. Ibig sabihin nasa ibang bansa ang taong ito.

Pero sino ba to?

**

Nakailang pagbabasa na ako ng mga sulat. Nakailang picture na din ang mga nakikita. Pero iisang tao lang ang laman non, yung babaeng nagpapadala ng sulat. Halos yata ng pinupuntahan niya ay kinukuhanan ito ng litrato sabay padala kay Lola.

Gusto kong puntahan at kilalanin ang sinasabi nilang Jeanyviv Torres. Gusto ko ako mismo ang makatuklas sa pagkatao niya. Humikab ako dahil inaantok na ako, tumingin ako sa orasan at 11:11 na ang oras.

Hays, kung nagka amnesia man ako. Sana ay bumalik na ang ala ala ko.

**

Kinaumagahan....

8:30 am na pero hindi pa ako naliligo. Oo, may pasok pa kami ngayon pero hindi mo na ako papasok. Hindi ko alam pero may gusto akong puntahan ngayon. Gusto kong puntahan yung bahay na pinagdalhan saakin ni Xander. Medyo malayo pa yun kaya tumayo na ako upang maligo.

Ilang minuto pa akong naligo bago ito matapos. Nagpalit na ako ng susuutin ko at bumaba na ako sa may kusina habang sinuklay ko pa ang buhok ko. Nagluto ako ng makakain ko at pagkatapos nun ay kumain na ako.

**

Kasalukuyan kong nilolock ang gate at napansin kong, wala nanaman si Jaycee. Asan na kaya yun? Magmula nong birthday niya hindi na kami nagkita't nagkasama. Siguro may importante lang siyang ginagawa ngayon. Namimiss ko na din kasi yun, wala na akong kadaldalan ngayon.

Nagpunta ako ng crossing upang maghintay ng masasakyan papuntang bayan. Don ako sa bayan sasakay ng bus patungo sa kinaroroonan ng amo ni Lola. Hindi ko ito pinaalam kila Xander kasi alam kong pati sila ay sasama saakin pagka nagkataon.

**

Dalawang oras na akong nakatunganga at nakatayo sa harapan ng bahay ni Mrs. Jeanyviv. Hindi ko alam kung bakit hanggang ngayon ay hindi pa rin ako nagdodoorbell. Hanggang sa may nakita akong isang lalaki na kinukuha ang bisekleta sa kanilang garahe.

Mukha siyang mga 14 o 15 years old lang at siguro anak ito ng may ari netong bahay. Tumalikod ako upang hindi niya ako mapansin. Ng masigurado kong nakalayo na ang batang lalaki ay agad akong nag doorbell. May isang made naman ang lumabas doon at nagtungo saakin.

"Ano pong ka---- natigil siya sa pagsasalita sa diko alam ang kadahilanan. Tila nagulat siya dahil nakita ako. Sa pagkakaalam ko ay hindi naman ako multo. Baka naman may kasama ako na nakikita niya. Ngiiiii

"Hello po." Kaway ko sakanya upang maagaw ko ang atensyon niya.

"Ah ehhh...sino po sila? Ano pong kailangan niyo?" May bahid na panginginig sa boses ng isang made na ito.

"Ano pong sila? Mag isa lang po ako. May nakikita po ba kayong kasama ko?!" Nagugulat kong tanong sa made na ito.

Agad na tumawa si Ale at pumapalpak pa. Hala siya, nadidiliryo na ba yan? Ibang bahay yata ang napuntahan ko. But I'm pretty sure na ito talaga yung bahay na pinagdalhan saakin ni Xander before.

"Ikaw naman pinapatawa mo ako iha. Ano po bang kailangan mo Iha?" Tanong saakin ni Ale.

"Uhmmm..gusto ko lang po sanang makausap si Mrs Jeanyviv." Sagot ko naman na agad tinangoan ni Ale at binuksan na ang gate.

"Ako nga pala si Maliya Jane. 14 years na akong nagtatrabaho dito. Wala ang may ari ng bahay na ito dahil nasa California niya. At ang anak naman niyang lalaki ay lumabas ng bahay kani-kanina lang upang maglaro sa mga kaibigan niya." Yun siguro yung nakita ko kanina na naka bike.

Malamang kasi nanggagaling yung batang yun dito.

Pumasok kami sa bahay na ito at bumungad saakin ang napakalawak na sala. Grabe, mas malaki ito kaysa sa bahay nila Alec.

To be continue.....

**

Fb: Howlers WP

Show Me Your Soul (COMPLETED)Where stories live. Discover now