Chapter 50 - This is Real

2.5K 36 1
                                    

👻👻

(Play the background music: Fix You by Cold Play)


Alas syete na ng gabi at naglalakad parin ako dito sa kalsada pauwi. Feeling ko, malaking parte saakin ang nawala. May biglang kumulang sa buhay ko. Gusto kong sumigaw, gusto kung ilabas ang sama ng loob ko. Pero mas gusto kung malaman ang totoo, gusto kong ako mismo ang makaalam.


Ubos na ang luha ko nawawalan na rin ako ng lakas. Siguro, anytime babagsak na ako dito sa sahig.


"Kami?"


"May kakaiba diyan sa kaibigan mo"


"Hindi lahat ng kasama mo araw araw ay totoo."


"At nararamdaman kong may kakaiba diyan sa kasama mo ngayon."


"But seriously, I miss you so so so much. Bestfriend, kapag malinaw na ang lahat sayo. Sana matanggap mo parin ako."


"Kaylangan mong bumalik sa pagiging matapang mo dahil kakailanganin mo yan sa darating na mga araw mo."


"Kunwari. Panu na lang kung nawala ako sa buhay mo. Kunwari lang ha? You need to be strong. Accept it no matter what."


"Kapag mawawala ako. Lagi naman kitang babantayan eh. At ayaw na ayaw kitang iwan tandaan mo yan."



Those fvcking words! Anong ginawa mo sakin Jaycee?! Ano tong katangahang ginawa ko saakin?! Kaya pala...kaya pala parehas na parehas ang mga pangyayaring nakikita ko sa panaginip ko at sa pinag gagawa mo. Kaya pala kapag kinakausap kita kahit saan, napapalingon saatin yung mga tao.


Pero ayokong maniwala!


Napaupo na lamang ako sa tapat ng bahay. Nanghihina na ako sa mga nalalaman ko, hindi ko alam kung maniniwala ako o hindi. Gusto kung hindi maniwala kasi napaka imposible. Parang pang teleserye lang kasi to!


Flashback



"Ikaw to kung hindi mo nalalaman." Turo ni Alec sa isang picture na batang babae.



Patuloy parin ang pag agos ng luha ko. Pinakita lahat saakin ni Alec ang kagamitan ni Jc, lalong lalo na ang mga pictures...pictures naming dalawa ni Jaycee.


Ako yung batang babae, ako yung may kaarawan noon. Ako yung kasama sa aksidente. Ako yung batang itinago ni Lola. Pero bakit wala akong maalala?! Ni isang pangyayari noon wala akong maalala! Totoo kaya ang sinabi ni alec? Na nag ka amnesia talaga ako.


Show Me Your Soul (COMPLETED)Where stories live. Discover now