Chapter 42 - Alec's Cousin

2.4K 38 0
                                    

👻👻

"Yan ang bahay ng amo ni Lola." Biglang salita ni Xander sa harapan ko.

Nakatayo kami ngayon sa isang may kalakihang bahay. Hindi ko alam kong bakit kami andito ngayon at inaalam saakin na dito ang bahay ng amo ni Lola. Nilibot ko ang paningin ko dito sa labas ng bigla akong may naalala. Parang familiar ang lugar na ito saakin. Nakapunta na ba ako dito?

"May pagdududa ako sa Amo ni Lola una pa lang. Bukod sa kwento ni Lola saakin, nalaman ko din yun sa pamamagitan lang ng kinikilos niya." Pagpapatuloy niya.

Nanatili akong nakikinig sakanya habang nakatitig sa kaharap naming bahay.

"At hindi ako naniniwala sa sulat na ibinigay ng Amo niya. May kutob ako na siya ang lumason kay Lola." Awtomatikong napalingon ang ulo ko sakanya dahil sa sinabi niya.

"A-anong ibig...mong sabihin?" Nagtataka kong tanong sakanya.

"Hindi ko alam. Basta ang alam ko, nagsisinungaling lang ang amo niyang yun." Sabi niya at ibinaling na saakin ang tingin.

Show Me Your Soul (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon