Chapter 15: Advice

3.4K 49 4
                                    

👻👻

"Hindi ko alam kung asan ang mga magulang mo. Nakita lang kita sa isang tabi at nakahandusay ka doon. Ako nga pala ang Lola Alysia mo" pakilala ng matanda sa bata.

"Ganun po ba? Hello po" nakangiting bati ng bata sa matanda.

5 minutes passed

Mahimbing ng natutulog ang bata habang ang matanda naman ay pinagmamasdan lang ang alaga.

Lola Alysia POV

Kung pwede lang sana ikwento sayo ang lahat. Lahat lahat ng paghihirap mo sa kamay ng step-mom mo. Pero kahit na wala na ang Papa mo, mananatili parin iyong sekreto. Ayaw ka lang namin masaktan kapag nalaman mo na ang katotohanan apo. Masyado ka pang bata para malaman ang mga ganong bagay.

Nagpapasalamat ako sa diyos dahil nakalimut ka. Nakalimutan mo ang mga dinanas mo noon, nakalimutan mo ang mga masasakit na narasanan ng buhay mo noon. Alam kong nakapagpahinga ang utak mo dahil sa pagkaka amnesia mo. Pero hindi pa rin maalis ang kaba at takot sa sarili ko kapag nakikita kitang nakahiga sa isang kama at walang kamuwang muwang at walang maalala.

Natatakot akong sabihin sayo na last month lang namatay ang pinakamamahal mong Ama. Namatay siya dahil sa panghihina ng kanyang puso noong nakikita ka niyang tulog dito sa kama mo. Namatay siya dahil sa labis na pag aalala sayo at hindi yun nakayanan ng puso niya.

Show Me Your Soul (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon